Usapang Basag na Puso

52 1 15
                                    

Ako ang Pabebe Warrior na si Seurichan, at wala kayong magagawa kung tungkol sa basag na puso ang ikekwento ko ngayon. Bakit ba? Gumaya kayo kung gusto nyo! Ay wait, mainstream nga pala 'yon. Lahat broken hearted. Lahat nasasaktan. Bakit ko nasabi? Kasi.... 'Yung twitter feed ko, punung-puno ng mga piraso ng basag na puso.

Bakit ba ang daming broken hearted ngayon. Lahat ng kakilala ko hugot ng hugot, 'yung iba may pinaghuhugutan, 'yung iba nakikiuso na lang (like me!). Ang dami kong nakikitang hindi makamove on. LAHAT MAY PINAGDARAANAN! My goodness naman, pati kilay ko nalalagas! Ano ba 'to? Era ng mga basag na puso't pagkatao? O nasa edad na ako kung saan marami talagang nabobroken hearted? Minsan nga natatawa ako kasi baka akala lang nung iba broken hearted talaga sila pero ang totoo nag-iiniarte lang sila. Minsan iniisip ko 'ANG BATA BATA PA NITONG BATANG (kasi bata pa talaga!) 'TO, BROKEN HEARTED NA!' but then I realized, I broke my own heart too when I was younger. Yep, I BROKE IT. Hahaha. 

So, hindi ito 'yung normal essays na nabasa nyo sa mga previous post dito (kung meron mang nagbabasa hanggang dito (na feeling ko wala, pero sana meron na after ilang kembot; marunong ring mangarap at mag-assume si Seuri!), HI PO! AT SALAMAT SA PAGBABASA NG RANDOM THOUGHTS KO.). Ito 'yung post na, CHAR CHAR CHAAAR! Ibig sabihin n'on, magkekwento talaga ako. CHAR CHAR CHAR! Ah ewan. Hindi ko na kasi alam kung paano ko minamagic 'yung mga salitang pinagsasabi ko nuon at hindi ko na rin sure kung ganito nga ba 'yun. Pasensya na, naguulyanin na ang panda. Guys maawa kayo sa akin, malapit na akong maging polar bear in physical appearance! Namumuti 'yung mga black fur ko. Huhuhu. 

At bumalik tayo sa storya. Eto sure ako minsan kung saan-saan ako napupunta. Haha. Wait may part ba sa mga dati kong gawa na sinasabi ko kung bakit ko sinulat? Ah basta, tinatamad akong mag scan/skim/jump jump read/medyo medyo read kaya magtatype na lang ako ng kung anu-ano!! fahsjkdaoilhwdi afk poa ahslkdhcaow~

Meron kasing mga nagkukunwaring basag raw, para makiuso sa mga posts nung soft grunges account sa Twitter. Hindi naman sa hindi ako naniniwala na hindi sila nasasaktan, minsan kasi AKALA NATIN, BASAG TAYO, PERO HINDI PALA. Pumapabor ba ako sa 'Hindi ka dapat malungkot because somebody has it worse'? Hindi. Ang sinasabi ko lang, minsan, hindi natin naiintindihan 'yung seriousness ng isang sitwasyon dahil nagiging mainstream ito at palaging nagagamit sa kung saan-saan. Nagkakaroon ng misunderstanding dun sa tunay na kahulugan ng salita. Like, BIPOLAR. Maraming nagsasabing bipolar sila, pero BIPOLAR nga ba sila? Baka moody lang naman? I'll admit it, I know only a little about that disorder. I once thought 'Maybe I'm bipolar.', too, but it didn't last long. Parang cute kasi in some other way but no. Google it na lang for more info if you're interested. Haha. I saw several posts saying that disorders are serious problems. Hindi raw 'yon cute tulad ng mga description sa sinusulat ng iba at exaggeration ng mga pangalan lang ang alam tungkol dun. So diba, may nagreact, kaya baka nga naman talaga hindi dapat ginagawang JOKE 'yon. Sa pagkakaalam ko, meron pa nga atang umiinom ng gamot?

Now, bakit ko sinabi 'yon? Kasi similar lang sila sa pagsasabi na, broken hearted ka. Baka hindi naman, baka naman nasaktan ka lang at the moment. Let me give you another example, sleep paralysis (I know only a little about this too, lol.; maybe I shouldn't talk about it, but... whatever). Once I told a friend that I think I had it once, she said that she too, had it. I'm not saying that she's stupid. Naiintindihan ko naman na from the term itself, parang makakabuo ka na ng meaning. Nakabasa po kasi ako sa 9gag ng tungkol duon and also about Lucid dreaming. Minsan raw kasi, kapag sinusubukan mong mag'Lucid Dream' ay instead na dun sa sa dream, napupunta ka sa nightmare. I also saw a post na nagsasabing hindi mo alam ang tunay na FEAR kung hindi ka nakaranas ng Sleep Paralysis. *shrugs*

Ipinakwento ko sa kaibigan ko 'yun
She said, one time, she was sleeping tapos suddenly she couldn't move. Aware raw sya na half-awake sya, pero hindi nya maigalaw katawan nya. May sakit ata sya n'on or something. So I was waiting for the creepy part, but it ended there. Kaya turn ko naman magkwento. Kinwento ko na dati nagising ako ng alanganing oras, tapos nung sinubukan kong matulog ulit, ramdam ko naman na nakatulog ako pero parang bukas pa rin ang mga mata ko. Nakahiga ako, alam kong tulog ako, pero bukas ang mga mata ko. Tapos maya-maya may nakita akong naglalakad! Nakikita ko ang silhouette nya and that someone is holding a knife, walking towards my brother who was on the other side of the room. During that time, I convinced myself na hindi 'yon magagawa ni ANO (for the silhouette I saw was VERY familiar). Sabi ko hindi, panaginip lang 'yon. And so I woke up (I think? Kasi pareho lang naman 'yung nakikita ko kung nagising ako at nung 'nananaginip' ako) and the silhouette just vanished. Creepy, believe me! AGAIN I DO NOT KNOW IF THAT IS SLEEP PARALYSIS. Kasi sabi dun sa 9gag, monsters nakikita nila e. Ako, MURDERER. HAHAHAHA.

ASDFGHJKL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon