Ayoko Na Sa'yo!

11 1 0
                                    

It's been long. Sabi ko rin 'di na ko mag-aupdate dito kaso wala akong mapaglagyan nitong sinulat ko hahahaha

***

Palagi mo syang tinitignan 'pag dumadaan s'ya, o kaya naman ay kinikilig ka kapag aksidenteng napapatingin sya sa'yo. Lahat na lang pakiramdam mo ay nangangahulugan na may forever na sa inyong dalawa. Sa t'wing makakasalubong mo sya ay nanlalamig ang iyong mga kamay at ang puso mo'y 'di mapalagay. Ang bawat hakbang papalapit sa kanya ay tila ba isang hakbang patungo sa isang bangin... pero ayaw mo. Type mo s'ya, pero ayaw mong ma-fall. Type mo s'ya pero ayaw mo ng commitment o 'di kaya ay ayaw mo ng merong commitment. Type mo s'ya pero sawang-sawa ka nang masaktan ng paulit-ulit at wala kang pakialam kung gusto ka man nya kahit nag-aassume ka lang dahil AYAW. MO. NA. Ayaw mo nang masaktan, ayaw mo na ng magulo, ayaw mo na ng romance, at sinisira nya ang plano mong sumali sa spinsterhood na itatayo nyo ng mga kaibigan mo. Paano nga ba iiwasan si Crush? (HAHAHAHA ANG O.A. NG PINAGSASABI KO, CRUSH LANG NAMAN) Bakit ba kailangan iwasan si crush? Ikaw, gusto mo bang iwasan ang crush mo? Bakit? Kasi nakakadistract, nakakasira ng pag-aaral, nakakaloka, nakakasira ng ulo, nakakabaliw, nakakasira ng budget at kung anu-ano pang negativity na maiisip mo pag alam mo nang malapit ka nang mafall, at tagilid ang tyansa na saluhin ka nya. Save yourself while you still can!

At sa mga nabiktima na, try to move on.

1. Strangers Method

Ano ito? Halata naman kung ano. Kaya lang, applicable lang 'to kung hindi naman kayo ganuon kaclose ni crushabels mo. Pangit naman kung super duper mega close kayo tapos biglang magpifeeling estranghero ka! Bad naman 'yon at mabuti tayong mga tao na nais lamang mag-move on/umiwas kay crush. Isang magandang hakbang ito kung ikaw ay hindi na masaya sa one-sided crushing mo, pero hindi nga kasi pwedeng gawin 'to 'pag close kayo. Pwede siguro paiwas-iwas pero 'yung strangers agad? 'Wag naman. May feelings din si crush, friends kaya kayo!

Bwahahahaha eh friendzoned ka pala e.

So ang sinasabi ko nga kasi talaga ay bumalik ka sa pagiging estranghero sa kanya. Maganda rin 'tong method kapag magla-lie low ka na kasi masyado ka nang napapansin ng crush mo (ayan, 'wag ka kasing nababaliw sa hallway 'pag nakikita mo s'ya saka 'wag kang didikit sa kaibigan mong walang pakiramdam kung naiilang na si crush) at pwede rin 'tong gawin para malaman mo kung crush ka rin ng crush mo.... (ayie)... pero malabo 'yun. Gusto mo ngang mag-move on diba? Mga nagmomove on sa crush, isang senyales 'yun na walang pag-asa HAHAHAHAHA.

Basic, kunwari hindi sya nag-eexist sa mundo mo, kahit sya ang mundo mo, at kunwari ay hindi ka nag-eexist sa mundo nya, kahit totoo naman talaga 'yon. Gamitin mo 'to 'pag hindi naman kayo in talking terms ni crush, 'yung para bang hanggang tingin-tingin ka lang (at halata mong pansin nya). Snob those who push you to him! Kunwari wala kang pakialam, pero dapat seryosohin mo na. Kaya seryoso dapat na mawalan ka na ng pakialam, kaya lang mahirap kasi 'yun kaya kunwari na lang. Fake it 'til you make it, beybe.

I've tried this before, effective s'ya! O siguro effective kasi mukha akong nangangagat so it's a positive sign for them that I am obviously not into them. Emphasized para dama.

2. Cut
Ayun, tama. Mag-cut ka! Mag-cut ka ng lahat ng nag-uugnay sa kanya. 'Wag mong patulan 'yung pang-aasar nila kahit na kinikilig ka, 'wag mong ipatugtog ang mga kantang iniaalay mo sa kanya sa ngalan ng pag-ibig, 'wag mong tignan 'yung mga so-called signs, 'wag na 'wag mo nang hahawakan, bibilhin at aamuyin ang mga bagay na pwedeng maiconnect sa kanya AT HIGIT SA LAHAT: 'Wag na 'wag mong sasabihin sa mga kaibigan mo na 'Ayoko na sa kanya, wala naman na akong nararamdaman e.' because people who know and experienced that will ALWAYS know what's behind in denying. ;) For me, that translates as 'Wag nyo na akong asarin lalo, maffall na ako, konti na lang!'. Seriously, don't make people believe that you are moving on if you are doing the opposite!

At saka 'wag ka ring masyadong shunga. On a serious note: If you want to move on, just move on. Wala kang kailangang isagawang specific na ritwal para makamove on sa sarili mong katangahan. Just move on. Walang sunog-sunog ng letters, libro, sunog-baga o sunog-atay! Isa lang ang pwedeng sunugin: Kilay... saka bahay nung nang-aagaw sa crush mo >:D HAHAHAHAHA joke.

Another thing, hinay-hinay lang. 'Wag biglaan kasi masakit 'yon. 'Wag biglaan kasi masakit 'yon. I mean, I doubt that you can cut them all away in an instant? It's a process, and the key to success is always not giving up.

3. Back to Basics

Uhm... Basic. Talk normally, don't tolerate, treat that person like a friend. Do nothing, feel nothing. Kaso, 'wag kang OA. 'Wag kang OA. 'Wag kang OA. Don't pretend and make things while keeping in mind that they will notice it. They don't! Mukha ka lang pong tanga. So like the cutting, basically just stop trying to get their attention or something. If they like you, even your blinks will mean something.

But let's take the situation as they don't like you. It's easier, kesa alam mong type ka rin ni crush OR nag-aassume ka na type ka nga nya. Why not try to keep in mind that they don't see you so you don't need to do those things?

And if they actually do, then you're damned... HAHAHAHAHA! No! Then do something about it. Ayaw mo ng commitment? Iparamdam mo na ayaw mo ng commitment. There's no point in doing things to move on kung natutuwa ka lang rin naman na hinahabul-habol ka nya.

4. Kain ka damo

Yan, kain ka damo. Maging kambing ka! Puro MEEE lang ang sabihin mo, thus mag-focus ka sa sarili mo! Pero 'yung kain ka damo, wala lang talaga akong maisip na iba pa, pero tama naman diba? Dahil may gusto kang tao, nawawala ka sa focus. 'Pag wala ka sa focus, medyo blurry diba? So adjust your focus, have your priorities laid down and do them, because why not? Lalo na kung isa sya sa mga dahilan kung bakit hindi mo magawa 'yon? Paano 'pag naging kayo? Edi wala kayong future?

5. Distraction

Do other things. Just do other things and explore.

Real talk: I'm not encouraging people to have crushes! HAHAHAHAHA kidding! The thing is, hindi kasi ako natutuwa na paulit-ulit na lang sila na pinapaasa raw sila ng crush nila or masakit raw kasi or something, when in fact may pwede naman silang gawin (Oh goodness, I'm szo conyo). Siguro I could accept kung first time nilang naranasan pero magpapaulit-ulit na lang ba tayo? Hahaha, alam ko naman na mahirap naman talaga basta iwanan ang taong gusto mo, so it's a process. A long process even, kung masyado kang natuwa sa kakatingin sa kanya. Ang masasabi ko lang talaga, if you know you'll get hurt, if you know it's not a sure ball, save yourself together with your time. Ikaw rin, depende na lang sayo kung gaano mo kayang tawanan ang sarili mo after a few years.

Kaso sayang.

People would say that, diba? Sayang raw. Minsan siguro pumasok na rin sa isip natin na bigyan pa ng panahon, baka kasi may himalang mangyari pero meron nga bang dumating? Minsan kasi, kaya hindi mo nararamdaman ay dahil wala naman kasi talaga. Hindi kasi masaya sumuko, 'no? Pero hindi rin masaya magsayang ng oras. Pwede naman kasi 'yung mga 'yan, basta ba kaya mo. Eh malamang sa malamang, hindi. Fab ka ba? Hindi. Kaya hindi mo kaya. Gaya ka sakin, fab ako. HAHAHAHA JOKE!

Anyway, seryoso na talaga. Save yourself while you still can. I'm not saying that attraction is unhealthy. Actually maganda nga 'yon kasi alam mong pwede ka pang magka-asawa/gugustuhin mo pang magka-asawa (ASAWA AGAD?!), but just like modern technology, may bad sides at good sides yan. Piliin mo lang kung saan ka lulugar at siguro, hopefully, things will turn out well.

Sa mga sira naman na gustong magmove on completely, time can heal.

Hindi ko talaga sigurado kung bakit ko isinulat 'to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ASDFGHJKL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon