BULLYING :)

107 2 0
                                    

Ako si Seurichan. Nangangakong hindi ko na ide-delete ang mga napost at maipopost ko.. ECHOS.

Ako si Seuri. Bully (LOL tumawa ka!) May iseshare ako about sa...

BULLYING :)

[WARNING: Wag mo pilosopohin yung mga nakatype. Magbasa ka lang muna at iopen ang mind mo!]

Isang napakalaking issue nito. Kapag kinurot ka, PHYSICAL BULLYING! Ininsulto ka, VERBAL BULLYING! Kapag pinagchismisan ka, COVERT BULLYING! (May kulang pa ba? Nakita ko lang sa KMJS eh. Haha)

Nabully na ako ng... ayos lang, buhay pa ako, at alam kong may sumusubok pa rinh mambully. Bruh.

So ano nga bang pinakamahirap danasin? Yung physical na pwede kang mapahamak (nakakamatay po ang pambubugbog)? Yung verbal na mawawala ang confidence mo? Psychological na ikaw na mismo ang problema? O yung covert na hindi mo alam, ikaw na pala ang topic tapos biglang may bagyong dadating na ikaw lang ang pupunteryahin? SAKLAP.

Hindi naman maiiwasan sa pang-araw-araw nating buhay na mambubully ka o mabully ka. Pwedeng sinadya mo, o hindi. Pwedeng lokohan pero iba yung impact dun sa tao at pwedeng ikaw lang rin ang gumagawa ng sarili mong kalokohan kaya nabubully ka.

Balik tayo sa pinakamahirap icontain. ANO NGA BA?

Para sakin: ALL OF THE ABOVE! HAHA. As in yung sabay-sabay! Bongga diba? Pero totoo yan. Ayon nga naman talaga ang pinakamahirap tiisin at pinakamasakit lalo na kung magsisimula pa sa mga inaakala mong kaibigan mo. WHICH IS... HAVEY.

Sa Physical. Actually, wala akong reklamo dito. Kasi sabi nila sadista ako. LOL Of course they're kidding! Ehem, may mga dahilan po kung bakit mahilig manakit ang isang tao at, ayokong magstate ng reasons dahil malalim e, baka malunod ako!

Eto daw yung sinasampal ka! Sinasapak! Tinatadyak! Sinasaksak na rin kung meron man! Kaso wala akong masabi tungkol dyan. Hindi ko ipagkakaila na mahilig akong manakit. Reflex ba, kumbaga. Lalo na nung first year HS ako. Magbigay papuri tayo na hindi na sya kasing dalas ng dati. Siguro dati mga 100+ times ako nananakit tapos ngayon mga 10 nalang. Haha. Verbal na kasi ako manakit. Hahahaha.

Minsan kasi biruan lang pero may times na wala kang ginagawa pero sinaktan ka. Nakakainis yun, oo. Nasasayo naman yun kung magrereact ka ng todo-todo at kakasuhan yung nanakit. Chos. Ako kasi, kapag kinukurot nila ako, sinasampal, hinahampas and whatever. (Wag lang yung mamamatay na ako. Haha) Wala eh. Gaganti ako minsan para masaya. Pero kapag seryoso ako, wala hahahaha. Kasi para sakin, yung mga simpleng sakit na yan, walang wala sa naranasan ng mga nabubully deep inside. SERYOSO AKO OY HAHAHA!! Tsaka yung pasa or sugat na nangyayari, totoong mag-iiwan sya ng peklat o marka, (pero kung halos malumpo kana, magreklamo ka na 'no. Di ka tanga) pero nawawala parin yung sakit. Kapag kasi memories mismo yung masakit, MASAKIT TALAGA. Minsan pag maaalala mo, akala mo wala na pero kapag inisa-isa mo yung pinagdaanan mo. Masakit parin. Kahit na lumipas na ang panahon, masakit parin. Kahit natapalan na, masakit parin. Maiintindihan mo ko kung nabully ka na ng todo-todo kahit wala ka namang ginagawa. Hahaha.

Pero pag verbal na? Ay, iba na reaction ko dyan. Kasi 'pag ganon, naiipon lang sya ng naiipon hanggang sa hindi na kaya tapos madedepress ka! Grabe. Tapos kapag magseshare ka naman ng nararamdaman mo sa mga kaibigan mo, magloloko lang sila. Kapag sa parents, malaki ang chance na pagalitan ka pa o kaya dahil protective sila sayo, lalaki pa yung gulo!

Kapag iniinsulto ka ng harap-harapan. SAKIT DIBA? Lalo na lung grabe tas wala kang magawa?! SAKIT 'NO?!! Tapos dahil presidente ng chismisan yung nang-iinsulto sayo, wala, buong section nyo na, damay mo pa yung friends nila sa other sections, BINUBULLY KA.

Sino ang pinakaprone na biktima? EDI YUNG MGA WALANG IMIK! Yung masyadong friendly to the point na wala kahit harap-harapan nang ginagago, okay lang. May mga tao kasi na naniniwalang 'Gantihan mo ng ngiti ang kaaway mo'. In that way daw kasi marerealize nyang mali syang sinaktan ka nya. PERO MINSAN HINDI PWEDE YAN. Why? May mga tao rin pong No Mercy at kahit na gano katatag yang ngiti mo, walang epekto sa kanila. WALA SILANG MAREREALIZE NA MALI SA GINAGAWA NILA.

ASDFGHJKL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon