EH ASSUMERA KA EH♥

94 3 0
                                    

Ako si Seuri... Ugaling Panda, takas galing Muntinlupa. Ang post na ito.. sews, para sa mga assumera, mga dating assumera, at mga nag-aassume na magpakaassumera. :)

EH ASYUMERA KA EH ╮(╯▽╰)╭

Assume (v.) - To suppose to be true, especially without proof

*Naloloka ako. Tama ba yung grammar? Galing naman yan sa dictionary pero.. parang.. mali?

ANYWAY HIGHWAY! Nagbabalik ang Panda. Hindi yung ballpen na nagtatae kundi ang Panda-ng loka-loka ng wattpad.

Assumera ka ba? Sa'n ka sa mga sumusunod?

#1.) ASSUMERANG TAHIMIK

-Yung mga hanggang isip lang ang pag-aassume. Eto yung mga siguro-siguro nyooo. Don't deny, lahat tayo assumera. Hindi naman porke't sinabing assumera, sa LOVE AGAD?!! Hmm. Di ba kung sinabi mong 'Siguro insecured lang sya..', 'Siguro naghihirap sya?'... Assuming na agad?

Sa salitang kalye, what is assuming? Ang pagkakaintindi ko, sila yung mga taong, yun nga, naniniwala ng walang basehan tapos exaggerated pa ang reaction.

Back to example number one. Assumerang tahimik. Minsan mas malala 'to kesa dun sa mga ibang klase ng assumera. Tingin ko lang naman! Kasi once na hindi na-clear na mali ang pinaniniwalaan nila, naku, hindi ba't malaking gulo naman talaga ang mangyayari?

..na halimbawa, nakita kang nagcry-cry. Ang naisip nya 'siguro nagbreak kasi sila nung boyfriend nyang churbaloo.. haynako.' dahil daw nakita nyang nagsagutan kayo. Eh ang katotohanan, iniiyakan mo yung mga kuko mong namatay.

So yun may isa pang kajirits dito... Ang nakiusyoso na sasabihan ni Ass. #1 ng kanyang ASSUMERANG OPINYON. Tapos ang kumalat, ang muddy muddy, ay yung balitang break na kayo ng BF mo!

Ang masaklap: Nalaman ng bf mo yun tapos wala na. Nagbreak tuloy kayo ng tuluyan.

Ano raw? Ah, basta. Diba? Mas nakakatakot ang mga ASSUMERANG TAHIMIK dahil mas baliw pa sila sa mga iba pang assumera!

Eto seryoso na.. ang gwapo nung choreo namin. Chos! Aminin nyo, once in your life (baka nga hindi lang once e) nangyari na, na kung ano yung unang pumasok sa isip nyo, pinaniniwalaan nyo na. Hindi naman maiiwasan yan, pero ang maiiwasan mo ay yung paniniwala dyan. Uso naman utak ah? Mamaya paniwalang-paniwala ka tapos chemberloo naman.

Minsan kasi porke't naisip natin bigla, 'yun nga agad e. We get closed in one simple thing that was left unclear. Eh pano kung hindi pala? Eh pano kung yung pinaniniwalaan mo dahil sa pagiging assumera mo ay mali pala. Akala mo tama, akala mo dapat, mali naman pala. Oh, dyan tayo napapahamak e. Sa AKALA.

Though... mas nakakatakot, or mas hindi favorable, mas safe ka dyan. Kasi anytime pwede kang magsinungaling sa iba na hindi naman yon ang iniisip mo, right? Pero mga bakla, hindi ako bakla! I mean, kapag ginawa mo yan, yan na nagla-lie lie ka to save your pride, aba, TANDAAN: NILOLOKO MO LANG SARILI MO.

Seriously, 'pag ganyan kasi pwedeng i-stand by muna 'yung nalaman hangga't hindi pa sigurado bago gumawa ng article?

#2.) ASSUMERANG LADLAD

Taray. Ang Ladlad partylist lang. Assumerang ladlad. Makikita 'to sa mga taong maboka hahaha. Yung mga konting churbaloo mo lang dyan nagrereact na agad-agad ng sobraaa! Tapos yung mga tipong bongga comment agad mali naman pala! Kakahiya anooo! Well, at least 'pag may nagcorrect sa kanya alam nyang mali sya.

Dun sa tahimik kasi, hindi nila sinasabi. ETO naman, pagkaisip nila, diretso sabi agad. DIBA! Bakla talaga yung mga ganto. Pero kung ganyan ka, iwas comment ng mahaba. Mahaba-habang kahihiyan rin yan. BWAHAHA. Tsaka kung paplay-safe ka talaga pero ayaw mo naman mag-end up na Assumerang tahimik.. Edi lagyan mo ng 'Siguro...' at 'Baka'. Hindi yung gora comment agad na parang alam mo na lahat.

WAIT, TINOTOLERATE KO PA ATA!

Tsaka isa pa! Ang tono ng pagsasalita, ayusin! Mamaya tinaray-tarayan mo, mali naman pala comment mo. Gawin mong malumanay at malambing (chos) ang iyong boses! Haha. Oh diba, madaling lusutan na yan. Kapag mali ka, 'Baka lang naman eh.' Kapag tama ka, HUUHAA!

Seriously (na naman), kung may pagka-ganyan ka... ayun nga, ayusin mo ang words mo nang hindi ka naman masyadong mapapahamak. Kung hindi mo kayang pigilan, bakit hindi mo remedyuhan?

Wait eto na talaga tungkol na talaga 'to sa mga assuming. Yep, the assuming.

Paano nga ba ulit natatawag na assumera ang isang tao. Magbigay tayo ng mga halimbawa...

Halimbawa:

-Nagsuot ka ng ribbon sa ulo, AKALA MO IKINAGANDA MO YAN (BWAHAHAHAHA biro lang!)

-Tinitignan ka ng mga taong nakakasalubong mo, FEELING MO MAGANDA KA? Eh kung sabihin kong sabog-sabog yang buhok mo at may namunuo ka pang pulbo kaya ka tinitignan?

-Kinausap lang ni crush, mamayang gabi itatanong mo na sa sarili mo kung sasagutin mo ba sya kapag niligawan ka!

-Akala mo kayo pa, hindi na pala. Hihi. ♥♥♥♥♥

Pero paano umiwas sa pagiging assuming?

Una, 'wag OA. Sabi nga nila, You just kalma, girl. Minsan kasi kapag may nangyayaring isang bagay na ikinatutuwa natin, umaasa na tayo. Kunsabagay, sabi nila walang aasa kung walang paasa.

PERO WALA RIN NGA RAW PAASA KUNG WALANG UMAASA. Right? Left?

Ikalawa! Katulad ng kasabihan, 'wag kang magbilang ng bibe kung manok ang alaga mo. 'Wag kang mag-conclude ng mag-conclude kung wala naman talaga. Iwasan! 'Wag ka ring magplano ng gagawin mo sa isang bagay na wala ka pa. Tsk. Halimbawa, wala ka pa ngang pera at yung baon mo, next week pa. Wala pa yung next week may plano at listahan ka na ng pagkakagastusan mo. Pano ngayon yan kung kulang ibinigay sayo? Pano kung walang ibinigay sayo!? Pano kung nangako ka na manlilibre ka tapos tigpay naman bigla yung inaasahan mong pera? Edi nasaktan ka pa.

Ikatlo! Bawasan mo yung hopes mo dahil the more na umaasa ka, the more na mag-aassume ka about sa isang bagay, the more na mapapa-aray ka. Expectations leads to disappointments nga e. Ang i-expect mo kasi, yung worst possible possibility (ano?). Expect the unexpected.

Ikaapat, be emotionally strong hahahaha. Panlunas na ito, incase na masaktan ka.

Ikalima! Have discipline and trust everything that you have. Trust everything that you have. Isaisip mo rin na everything's according to Plan~

Masakit kasi mag-assume e. Pero hindi maiiwasan yan, alam ko. Control lang. Wag sobra. :)

---

Rereading this (110815) makes me want to delete it.

Reread and edited (053116) and I just have to say I AM NOT GAY.

ASDFGHJKL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon