MOTIVATION ft Inspirasyon

197 2 0
                                    

Ako si Seuri. Oo, ako si Seuri! Gusto ko lang i-release ang nasa utak ko!

MOTIVATION ft Inspirasyon

Hindi ka naman araw-araw sisipagin ipaglaban ang isang bagay. Chos, ipaglaban talaga? Hindi naman laging may magchi-cheer sayo na gawin mo ang isang bagay. Hindi naman laging may susuporta sa gagawin mo. Hindi lang nasa tabi-tabi ang motivation para magmove forward.

Ay weh?

Well...

Tulad ng sabi ko, hindi naman tayo laging sinisipag na gawin ang isang bagay. Minsan sa sobrang down mo hindi mo na magawa ang yung gusto mong gawin. Minsan rin kaya ka tinatamad ay dahil wala ka nang rason para gawin pa yun. BAKIT TINATAMAD KA BA KAPAG 2 HOURS NA LANG IPAPASA NA YUNG PROJECT MO? (Me to Seuri: Duh, yes.) Hehe. De, biro lang. Hindi naman kasi ganun kadali sipagin, lalo na sa mga natural na tamad. Pero motivation makes you PUSH. What... what push!?

How to find it? Syempre motivation ang tinutukoy ko. Since matagal na akong hindi nagsulat dito, hindi ko alam kung... hmm?

#1) Dream, plan, move.

Syempre para saan naman ang motivation kung wala namang patutunguhan. Siguro mas okay kung aayusin mo muna ang dreams mo from top to bottom because in that way, you'll know what to prioritize. PLUS! Maaari pang makahanap ka ng motivation na sasakop na sa karamihan goals mo.

#2) Positivity.

Hindi mo kailangang madown dahil lang dinadown ka! NO! NEVER! Surround yourself with positive vibes. Dapat pinapatay yung mga tao---este bagay na nagpapadown sayo. Hindi naman kailangan pagtuunan pa yan ng pansin. Mai-stress ka lang diba? Hindi naman tama yun! Saka.. mas makakakita ka ng bagay na maaari mong gawin motivation kung masaya ang tingin mo sa mundo. There's no reason to look at the bad side, really. Unless kung ang intensyon mo ay matuto?

Ilayo mo lahat ng nagpapa-depress sayo. Sabi nga, let go of things you can't control. Hindi naman nga kasi tama na DINADOWN MO YUNG SARILI MO DAHIL LANG CHUVA CHUCHU.

But the question is, paano kung yung bagay na nagpapadepress sa iyo ay yung bagay na kailangan mo ring hanapan ng motivation. Well, kung ako sayo, better let go of that thing. SLIGHT LANG! Just always reduce the burden. Diba po?

#3) Find.

PAANO KA MAKAKAKITA KUNG HINDI KA NAMAN NAGHAHANAP. Pakalat-kalat lang naman ang mga bagay na maaari mong maging motivation o inspirasyon. Hindi naman yung basta kung ano lang ha. Lagi ka namang makakakita ng motivation kung mag-hahanap ka. Halimbawa, pumupoopoo ka. Edi magchant ka ng pooo pooo, poo pooo. Motivation 'yun! HAHAHA

Okay. Inspirasyon naman. Inspirasyon... mahirap ba maghanap nun? Bakit kapag sinasabing inspirasyon, kadalasang dumadaan sa utak ng tao na JOWA O SYOTA ANG TINUTUKOY.

Let's do it this way: Bakit hindi mo gawing inspirasyon yung mga magulang at kaibigan mo? Sinusuportahan ka nila syempre and you should not ignore that. Bakit ba kailangan ng inspirasyon chuchu na yan? Nagiging dull na ba ang mga araw mo? Wala nang nakakapagpasaya sayo?

Hindi ko alam ah, pero syempre, halos lahat naman ng naisusulat ko ay na-experience at natutunan ko but I'M NOT SAYING THEY'RE ALWAYS RIGHT! Okay.. Ganito kasi yun. Madali lang naman humanap ng magiging motivation at inspirasyon sa lahat ng gagawin natin. Eh kung gawin mong inspirasyon yung kinaiinggitan mo? Hindi naman masakit yun. Minsan kasi nahihirapan tayong iappreciate ang mga bagay na meron tayo dahil may gusto tayong iba.

And that's it. Dahil may hinahanap tayo, dahil nagpapakachoosy tayo, dahil hindi tayo makuntento ay nakakaligtaan na natin yung mga simpleng bagay na makakapagpasaya satin. Minsan dahil sa sobrang pagkalungkot ng tao ay marami na syang hinahanap. Nahihirapan sya pero hanap parin sya ng hanap ng papasa sa standards nyang pataas ng pataas...

Let's do this the writer way. Hmm.. halimbawa, ang paghahanap ng inspirasyon ay parang paghahanap ng pang-update...

Minsan, you have to appreciate things as they are. Madali syang sabihin pero mahirap gawin. Minsan magmumukha ka pang baliw. Subukan natin sa... iappreciate ang bote ng alcohol, yung pampatay ng germs. Kung writer ka, maaari ka nang makagawa ng isang chapter tungkol sa alcohol diba? Marami tayong nakakasalamuhang mga ganun lang kasimple. Karaniwan, mga bata. Karaniwan, mga taong tinatawag na immature. Yun na nga e! Let's take that alcohol bottle for example and let's say na may gumawa ng one shot story na tungkol sa nag-agawan sa alcohol, nagkatinginan, nagka-in love-an.

Simple sila kaya nga plain ang nakikita nila. Pero ikumpara mo sa nakikita mo. At least sila may nakita, ikaw? May nakita ka nga, minsan binabalewala mo na lang dahil lang may standards kang sinusunod. Hindi naman sa mali yun pero if it's too high, mahihirapan ka nga. Makukuha mo nga but it's not that easy.

Use it wisely. Kung pakiramdam mo ay matured ka na, bakit hindi mo tignan yung alcohol bottle gamit ang maturity mo? Alcohol can be a liquor. Then pwedeng gawing chapter update na nagbebenta ng alak yung babae... tapos pasasabugin ng lalaki 'yung shop ng babae dahil wala syang discount.

Kung pakiramdam mo ay mataas ang imahinasyon mo... Alcohol can be a cure for a disease na yung character pa lang ang nakaalam, but unfortunately namatay sya at may kumuha sa researches nya na isang alien mula sa Jupiter tapos blah blah.

ETC.

Minsan kasi hirap na hirap tumingin eh nasa harap na nga. Paano, nakatingin sa taas... nakatingin sa malayo.

Minsan kasi nagagawa nating komplikado ang mga bagay. Ewan ko ba. Ano ba 'tong sinusulat ko HAHAHAHA!! Ikaw, bakit mo binabasa 'tong sinusulat ko ha? Gumulo rin utak mo no?

ASDFGHJKL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon