LAW OF INERTIA WON'T HEAL WOUNDS

107 1 0
                                    

Law of Inertia won't heal wounds

Nakakaintriga naman kasi talaga ang 'move on' na 'yan. Sabi nila, 'Edi humakbang ka, tanga!'. Sabi nila, 'Kalimutan mo na kasi'. Sabi nila, madali. Sabi nila 'yon. Sabi lang nila 'yon dahil hindi sila ang nasa sitwasyon mo. Have you ever read a love story kung saan 'yung bida ay halos mamataymatay na nung iwan sya ng partner nya? Minsan exaggerated pero minsan, totoo. Moving on is NEVER easy.

Pano po ba kasi magmove on?

Sa totoo lang, hindi naman kasi 'yon tumutukoy lang sa pagkalimot lang sa jowa mong nang-iwan sayo ng luhaan. Diba, masasabi mo lang na nakamove on ka na kapag hindi na masakit kapag naaalala mo sya at ang mga memories nyo? Diba 'yun yung kapag hindi mo na sya naaalala sa mga bagay-bagay na naeencounter mo? 'Yung okay na mapakinggan ulit 'yung mga binahagi mong kanta sa kanya at okay na uling makita 'yung mga efforts na ginawa nya dati? Yung okay na maalala mo lahat ng memories nyo together? Yung... meron ka na namang bagong pagkataong buo at mas matibay.

The deeper the feelings, the harder it is to let go... or move on. Hustisya bang matatawag yung bigla na lang pagkalimot sa taong nagpasaya sayo? Sabihin man nating sinaktan ka nya, naging parte sya ng buhay mo naging inspirasyon mo; Naging kasiyahan mo; Naging dahilan para bumangon sa umaga at masabik sa mga susunod na araw. Habang tumatagal kasi kayo, mas nagkakaroon sya ng parte sa buhay mo. Syempre kung mahal mo, ganun talaga. Love is devoting yourself to someone nga raw, diba? So kapag mahal mo ang isang tao, may mga parte ng buhay mo na nai-invade nya. Yung mga kantang pinapakinggan mo, sineshare mo. Mga gusto mo, alam nya. Pagkain na paborito mo, kabisado na nya. Kung minsan bibigyan ka pa nga e! Minsan halos lahat na nga alam nung hinayupak na yon. Ayos diba? Sabihin nating parang nagiging parte sila ng mismong katawan natin, tapos biglang nawala dahil sa isang pangyayari. Parang nawalan ng kamay o paa dahil nasabugan. O kaya ng internal organs. O ng kahit ano pa pero kahit ano namang parte mo na nawala, masakit eh. Sugat yan. Kung gaano mo minahal, ganun kalalim ang matatamo mong sugat. Sugat na hindi pinagagaling ng pagkalimot kasi hindi naman kasi gumagaling ang sugat pag kinalimutan. Sugat na... sarili mo lang ang makakapagpagaling. May mga makakatulong. Pwedeng yung friends mong kunwari, agua oxinada... panlinis-slash-pampagaan ng loob. Pwedeng yung parents mo (or kaibigan rin) na kunwari, alcohol na... yeah... masakit pag nilagay pero makakatulong rin. At pwede ring mahanap ka ng Povidone Iodine or Betadine (brand kasi ang Betadine!) na tutulong mapahinto yung pagdurugo....... 'lam na this.

KAYA LANG, sugat nga yan e. Ilang agua oxinada, alcohol at povidone iodine ang kakailanganin mo kung halos kalahati mo ang nawala? Kung sobrang laki nung sugat, kaya pa ba nyan? Kaya hindi natin pwedeng sabihin na humakbang sya, kasi paano kung nawalan pala sya ng paa? Hayyy diba? Pano natin ipapakalimot kung sobrang laki ng sugat na 'yon? Hindi e. Paano kung nabasag sya dahil minahal nya ng napakatagal at ibinahagi nya ng sobra ang buhay nya? Tanga sya? Lahat naman natatanga dahil nagmamahal. Yung iba nga nakakapatay pa dahil may mahal sila. Ganun kasi talaga. Hayyy...

Yung sugat naman, gumagaling ng kusa. Halimbawa, sugat sa tuhod. Alam mo gagaling rin sya, pero pag nagagalaw, sumasakit. Minsan makakalimutan mo kapag medyo magaling na pero minsan aksidente mong matutuklap 'yung langib, ayan! DUMUGO TULOY ULIT!! Sugat kasi yan e. Minsan tinatakpan mo ng gasa para hindi makita ng iba, kasi baka maawa sila o mandiri. Pero pwede ring tinatakpan mo kasi alam mong matagal pang gagaling kaya pinoprotektahan mo muna para di lumala.

But most of all, sugat yan. Sugat na mismong SAYO manggagaling ang solusyon. Mag-antay ka lang. Oras... oras at utak. Kasi paano kung pinagagaling mo nga pero TANGA ka parin, kaya natutuklap ng paulit-ulit? Sugat 'yan. Kung malalim o sumasakit, okay lang na umiyak o magreklamo kung minsan, kasi sugat 'yan e. Okay lang na gawing dahilan para hindi mainvolve sa isang bagay. Okay lang na magsabi na 'ANG SAKIT SAKIT NG SUGAT KO! PESTENG SEMENTO KASI YAN PUTANG INA PAPATIBAG KO NA YAN' o di kaya 'LETSENG ASO YAN WALANG MAGAWA SA BUHAY TUWANG TUWA AKO SA KANYA TAPOS KAKAGATIN NYA LANG AKO AT TATAKBUHAN??!' o kaya naman.......'GAGO YUNG BUWAYANG YON! KALAHATI NG KATAWAN KO NAWALA!'.. Kasi tao ka. Kasi nasasaktan ka... Kasi mahirap. Oo, hindi naiintindihan ng iba kasi hindi pa nila nararanasan... pero okay lang... para kahit papaano, nababawasan kahit konti yung sakit. Okay lang magmukhang tanga dahil nagrereklamo ka sa sakit. Eh masakit e? Wag lang sobra o aabot sa point na nagpapaawa ka na lang. PANGIT YON.

Natural na matagal magpagaling ng sugat. Natural lang na aksidenteng matuklap ulit 'yun. Natural lang na may masabi ka. Pero kahit gaano kalalim 'yung sugat na hindi mo naman ginawa sa sarili mo, gagaling pa rin 'yun. Magpepeklat pero mawawala rin 'yung sakit! Tiis lang. Darating ka rin sa puntong unti-unti nang umaayos ang lahat... tapos masisira na naman... tapos aayos ulit... tapos masisira... tapos ayos. Tapos sira. Tapos ayos. PERO KAHIT GAANO PA KATAGAL YON... dadating ka rin sa puntong 'Ayoko na magdrama dito. Buo na ulit ako e.' Tapos mapapangiti ka na lang kasi tapos na ang paghihirap mo nang hindi mo namamalayan.

Tibay lang. Ganyan talaga.

ASDFGHJKL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon