'WAG MASANAY SA....

30 3 1
                                    

29 'Wag Masanay Sa... LIST by Seurichan! :D

'Wag tayong masanay makayan-kayanan, may masasanay magbigay ng opinyon.

'Wag tayong masanay magbigay ng opinyon, may masasanay ring dumada.

'Wag tayong masanay dumada, may masasanay makinig.

'Wag tayong masanay makinig, may masasanay makiusap.

'Wag tayong masanay makiusap, may masasanay makonsensya.

'Wag tayong masanay makonsensya, may masasanay humingi ng pabor.

'Wag tayong masanay humingi ng pabor, kasi may masasanay magbigay.

'Wag tayong masanay magbigay, kasi may masasanay ring manghingi.

'Wag tayong masanay manghingi, may masasanay magdamot.

'Wag tayong masanay magdamot, may masasanay magagalit.

'Wag tayong masanay magalit, kasi masisira tayo nito.

'Wag tayong masanay masira, mahihirapan tayong maging maayos ulit.

'Wag tayong masanay na mahirapan sa pagiging maayos, kasi katangahan yun---este, masasayang ang oras.

'Wag tayong masanay magsayang, kasi baka wala nang dumating.

'Wag tayong masanay na hindi dumating, kasi may naghihintay ng matagal.

'Wag tayong masanay maghintay ng matagal, may iba pang dapat gawin.

'Wag tayong masanay magpapalit-palit ng gawain, kasi walang matatapos.

'Wag tayong masanay sa hindi tapos, kasi kulang rin ang katumbas nito.

'Wag tayong masanay sa tumbasan, may mawawalan ng halaga.

'Wag tayong masanay mawalan ng halaga, kasi pantay-pantay ang tao.

'Wag tayong masanay sa pantay-pantay, hindi nito katumbas ang katarungan.

'Wag tayong masanay sa katarungan, minsa'y nanlilinlang ito.

'Wag tayong masanay manlinlang, babalik at babalik ito.

'Wag tayong masanay bumalik, marami pang bago sa susunod.

'Wag tayong masanay sa bago, hindi na natin nakikita 'yung ganda nung luma at nakaraan.

'Wag tayong masanay maging bulag, may masasaktan.

'Wag tayong masanay masaktan, hindi mo na makikilala ang kasiyahan.

'Wag tayong masanay sa kasiyahan, hindi mo kakayanin ang pagbagsak.

'Wag tayong masanay bumagsak, marami pang dadaan at pagdadaanan.

ASDFGHJKL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon