50 (epilogue)

61K 790 100
                                    

Hi! Una sa lahat hayaan nyo kong magpasalamat sa inyong lahat na walang sawang sumuporta sa MY VIRGIN SEX INSTRUCTOR, dahil sa inyo matutupad ang isa sa mga pangarap ko. Makakahawak na ako ng hardcopy ng book ko at makikita sa book shelves ng mga sikat na bookstore (though matagal pa).
Dito nakakilala ako ng mga naging tunay kong kaibigan. Sana ay patuloy nyo po akong suportahan, sana hindi matapos sa mvsi ang pagsasama natin, nangangako ako na patuloy kayo na bibigyan ng mga di pangkaraniwang kwento:)

Tulad nalang ng :

"The UNTAMED, TAMER" na story ni jiro na minahal nating lahat:) itutuloy ko na sya dahil done na tayo dito

"submit to me mavie" isang dominant/submissive story gaya ng 50 shades of grey pero dahil filipina ang author, lalagyan natin ng pinoy touch.:)

At syempre ang storya ni farrah.:) siguro after ng Untamed:)

So eto na:) mamimiss ko kayo:) syempre mamimiss kayo ni krey at chace

KREY'S

Flashback

"ok honey mabuti naman kung ganun, thanks honey maasahan ka talaga kita tayo bukas" chace

End of flashback

"hindi talaga farrah! Sigurado ako may babae sya!" angal ko

"hay nako ate tigilan mo ko nakita mo ba asawa mo? Patay na patay sayo yun!"

"honey nga eh! May tawagan pa sila saka bakit itatago sakin kung wala."

"tumigil kana. Sa ating dalawa ako lang ang baliw. Tignan mo sarile mo baka mapano ka!" sabay irap nya

"baka nga kaya naghanap ng iba kasi malaki na ang tyan ko!" nang gagalaiti talaga ako sa galit

"oh anong plano mo?"

"huhulihin natin sila"

"natin? Pano ka nakakasiguro na sasamahan kita?" diretsahang sagot nya.

"alam kong sasama ka kasi di mo kami matitiis ng pamangkin mo." sandali syang nanahimik at tumitig sa tyan ko. kabuwanan ko na kasi any moment manganganak na ko.

"sige! Sige na nga pasalamat ka nag aalala ako sa pamangkin ko"

I smiled.

Kahit nahihirapan ako sa tyan ko huhulihin ko sa akto si chace. Lagi kasi syang may kausap ngayon tas ang masakit lumalayo sya pag may kausap dating hindi naman sya ganyan.

"tara na" hila hila ko si farrah

"alam mo lagot ako kay daddy pag nalaman nyang kinukunsinte kita. Ang daming trabaho sa office ate" naiinis parin sya

"ok lang yan sis." seryoso akong nakatitig sa daan.

Ng maabot namin yung bldg. Ni chace nakita ko na palabas ang kotse nya.

"teka sis! Aalis si chace sundan mo!" turo ko kay farrah Sumunod naman sya.

"bwisit naiinis na ko sa inyo" nakarating na kami sa isang restaurant.

"tignan mo at talagang sabay pa mag lunch!"

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si chace.

"nasan ka?" tanong ko pag ka sagot nya ng phone

"office?!" binaba ko na yung tawag

" tignan mo! Nasa office daw!!" doon kumunot ang noo ko at si farrah parang sumasang ayon nadin.

My Naive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon