43 (The Choice)

68.1K 779 105
                                    

KREY'S

"please love choose me... I'm... I'm begging you.........." pag mamakaawa nya umiiyak.nakatingin sakin nakaluhod.

Ang gulo ng mga pangyayari..

Nakita kong nagmamadaling umalis si farrah...

Alam kong pupuntahan nya si chace.

Pag nangyari yun may makakasama na sya..

Si jiro wala?..

Pumikit ako.. Pinakinggan ko ang tibok ng puso ko..

Malaki ang pasalamat ko kay jiro dahil sa mga ginawa nya.. Pero si chace? Anong mararamdaman nya?

Takot akong saktan si jiro.. Takot akong iwan sya ayokong maramdaman nya lahat ng mga bagay naranasan ko kaya ayokong iwan sya.. Napakabuti nya.. Napaka busilak ng puso nya. Alam kong kaya nya ginawa to ay dahil mahal nya ko

Kahit pa alam nyang iba ang mahal ko.. Kahit pa inipit nya ko sa ganitong sitwasyon alam kong hindi nya ginustong saktan ako.. Mahal nya ko.. At kahit pa nahihirapan ako sa ginawa nya wala akong galit na nararamdaman sa kanya..

Wala talaga...

Dumilat ako at tumingin sa pinto daan na kung tatahakin ko papunta ako sa taong mahal ko..

Pinagmamalaki ko noon ang pagmamahal ko na ibinigay kay chace... Ang dahilan ko dati kaya iniwan ko sya ay ayoko syang masaktan at ayoko syang husgahan nv mga tao kung sakaling mabubunyag ang nakaraan namin... Naglihim ako.. At hindi naging vocal sa nararamdaman ko.. Pinatulakan at hinayaan ko syang umalis.. Pilit ako nag hanap ng tapang mula sa kanya nakukulangan sa bawat binibigay nya.. Sino nga ba talaga ang may kasalanan??

Sino ba ang duwag? Ako ba o sya?

Ako nga ata.. Hindi,.. Ako talaga ang may kasalanan minaliit ko ang kakayahan nyang umintindi, kakayahan nyang ipaglaban ako.. At kakayahan nyang magmahal....

Lahat yun binigay ko kay jiro.. Tiwala at kung ano pa... pero napaisip ako bakit noon hindi ko naibigay yun kay chace..

Doon ako umiyak ng todo..

Tinayo ko si jiro...

At niyakap...

"patawarin mo ko.. patawarin mo ko jiro pero gusto ko itama lahat ng mali ko gusto ko sumubok ulit.. gusto ko ayusin yung relasyon namin.. Mahalaga ka sakin ang laki ng pasasalamat ko sayo at hindi ko alam kung paano ko makakabayad pero jiro sya ang kaligayahan ko.. Mahal ko sya" humigpit ang yakap ni jiro sakin..

Napapikit ako..

"malaya ka na krey...." bulong nya..

Humiwalay sya sa pagkakayakap nya at hinalikan ako sa noo...

"sige na.... Kailangan kanya..."

Umiiyak na naka ngiting tumango ako..

"salamat jiro... Salamat....."

Tumatakbong tinungo ko pinto.. At hindi lumingon kay jiro baka kasi madaig ako ng awa at balikan ko sya...

Sana mapatawad mo ko....

Dumiretso ako sa pinaka malapit na ospital kung saan andoon si chace..

Nadaan ko ang sirang sasakyan nya sa itsura nito parang hindi na sya bubuhayin...

Labis akong kinabahan...

Halos hindi ako makahinga...

Sana hindi pa huli ang lahat.. eto na oh aayusin na namin.. Iyak ako ng iyak habang tumatakbo papasok ng emergency room..

My Naive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon