19 (when she fell)

153K 1K 42
                                    

KREY'S

Kanina pa ko tumatawag as in kanina pa talaga pero simula nung araw na ginawa ko yun di nya ko pinapansin tas pag pumupunta sya dito para lang sa mga bata kada nag aattempt ako na kausapin sya titignan nya lang ako tas di sasagot kakausapin nya lang ako pag nakaharap ang mga bata dahil pangit nga nman na makita ng mga bata na hindi kami nag kakasundo .. baka nga kampihan pa sya ng mga yun pag nalaman na magkaaway kami.. nababaliw na ko sa lamig na pinaparamdam nya ... hindi ako sanay.. hinap hanap ko sya.. yung sweetness, thoughtfulness. namimiss ko sya...

"busy naman ngayon ang line.." bulong ko sa sarile ko after ng almost 20 times na pagtry ko tumawag.. para akong girlfriend na naghahabol ah.

inaliw ko nalang ang sarile ko sa paglalaro sa cp ko buti nalang sa susunod na araw pa ang schedule ng lesson 5 may oras pa ko para makipag bati.. mali naman talaga ang ginawa ko pinagmukha kung tanga yung tao.. oo na naiintidihan ko na... na dapat ay sasabihin ko sa kanya lahat ng gagawin ko dahil di lang naman ako involve kundi kaming dalawa.. next time alam ko na... hays... pero pano ko nga papaliwang sa kanya na gets ko na kung ayaw nya ko kausapin.. aba mag dadalawang araw na rin ah..

nagsawa ako sa cp ko kaya nag bukas ako ng tv. pag bukas ko tumambad sakin ang isang balita kung saan sinasabing iba ang kasama ni chace sa naganap na gala kagabe.. hinahanap kung nassan ako... ang espekulasyon pa ay naghiwalay na daw kami at pinalitan na ko ng isang mayamang socialite.. lalo napatutok ang mata ko sa larawan na pinakita kung saan nakapalupot ang kamay ng isang magandang babae sa braso ng BOYFRIEND KO.. parehas silang nakangiti parang talagang magkasundo sila at nagkakaintindihan... bagay na bagay sila

bat hindi ko alam na may ganung event .. bat hindi ako ang kasama nya ... bat hindi nya sinabi...parang pinipiga ang puso ko sa di malamang dahilan.. oo alam ko naman na hindi tama na mag assume ako dahil alam ko naman kung ano talaga ang meron kami at relasyon namin pero hindi naman siguro mali na maramdaman ko to lalo na at yung mga pinakita nya saaakin ay sapat ng dahilan para halos makalimutan na higit sa paging instructor ko saknya wala na akong ibang halaga ... na kaya lang nya ko pinapakisamahan ay para mapagtakpan ang kanya kanya naming baho.

may namumuong luha sa mata ko kaya agad kong pinunasan yon ... pumunta ako sa kwarto at doon nagpasyang humiga at pumikit para makalimot hanggang sa di ko namalayang napaidlip ako..

__

nagising ako ng makarinig ako ng tunog ng baso na parang nabasag.. napatayo ako at napatingin sa oras .. ala una palang ng hapon mamaya pa ang dating ng mga bata..

nagtatakang lumabas ako ng kwarto.. may hawak pa kong walis tambo baka kasi magnanakaw.. dahan dahan ang hakbang ko takot na baka kung sino ang maabutan ko wala pa naman akong kasama.. anong gagawin ko..

mula sa pader dahan dahan kong sinilip kung sino yung nasa kusina...

"ikaw lang pala" sabay talikod .. si chace nasa kusina nakahinga ako ng maluwag akala ko talaga kung sino na... teka bat ganun yung reaksyon ko..

" the glass fell.. " sabi nya.

"ok kung kaya mong linisin paki nalang kung hindi naman ako nalang mamaya" sagot ko naman habang nakatalikod .. natatakot humarap sakanya

" i can do it .. pasensya na nakabasag pako .. papalitan ko nalang.. " mahinang sabi nya

"papalitan? lahat ng andito sayo... yung bahay gamit.. lahat. di mo na dapat palitan yan kahit nga basagin mo pa yung tv e" knakausap ko sya ng nakatalikod bastos na kung bastos..

" and why would i do that?"

" kasi nga sayo lahat to" gusto ko sanang isagot na kasi dun ko nakita kung pano mo ko lokohin kasama ang KABIT MO... naglakad ako papunta sa sala at na upo sa sofa..

My Naive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon