47 ( WED-enDING)

55.5K 663 54
                                    

Napa-update bigla dahil kay Chiko from saudi na eto lang daw ang libangan..

50 chaps ang mvsi so sobrang lapit na ng ending...

Niways..

Pagkatapos nito magshift tayo dun sa story ni Jiro na nakahold..:)) for awhile dahil focus muna ako dito

"The Untamed tamer"

Gagawa ko rin ng storya si farrah...

"Girl on t.v" coming soon......

--Comment kayo guys ano ang ineexpect nyong ending ng mvsi?--

KREY'S

Papunta ako sa isa sa mga hotel ni daddy.. Dito ako aayusan para sa kasal namin ni chace eto na ang araw na pinaka hihintay namin, pagkatapos ng araw na ito mapapalitan na ng delgado ang apelyido ko. Kinikilig parin ako kada naiisip ko yon..

"anak.." si dad.

"hi dad.." sabay yakap sakanya..

"sobrang blooming mo ngayon, grabe hindi pa mman din nagtatagal kukunin na agad sakin ni delgado ang isa sa mga baby ko" umaarte si daddy na para bang nasasaktan.

Napangiti ako pero sa parehas na pagkakataon nalungkot ako alam ko namn kasi na nahihirapan at nasasaktan din sya, isa sa mga anak nya ang sobrang saya dahil ikakasal sa lalaking anak nya samantalang yung isa....

"dad si farrah pupunta ba?" nakita ko ang pag babago sa ekspresyon ng mukha nya.

"hindi ko alam anak.. Hindi ko sya macontact e.."

"sana matanggap nya na no dad"

Tumango sya, madami na kong napag daanan para lang sa relasyon ko na to. Kug kaya ko lang talaga ibinigay ko na sa kanya.. Kapatid ko parin sya at kayang kaya kong kalimutan ang nakaraan para sa kanya gusto ko rin mapasaya ang ama ko mahirap na dadalawa na nga lang kaming magkapatid hindi pa kami mag kasundo..

Kung magpupunta sya ako mismo ang kakausap sa kanya sana talaga magpunta sya.

Dumiretso ako sa nakareserbang kwarto para sa akin naka handa na lahat ng gagamitin ko

May mga photographer para sa documentation ng kasal namin mga sikat na make-up artist para ayusan ako.. Hairstylist..

Lalong lumawak ang ngiti ko ng makita ko ang mamahalin at pinasadyang gown para sakin..

Hindi pumayag sila dad at chace na maging simple lang ang kasal ko gaya ng hiling ko patunay dyan ang gown ko..

Kulay tan ang gown ko kakulay ng balat ko.. May mga detalye ang gown na ito at ang bawat detalye ay gawa sa Swarovski crystal....

"miss krey upo ka na dito para masimulan na.." anang make up artist

Masaya naman akong sumunod excited para mamaya.. Agad nya sinimulan, kinuha nya ang airbrush at maingat na nilagyan ang mukha ko ng foundation.

"ang ganda nyo talaga miss krey kaya hindi ako nagtataka kung bakit ka nagustuhan ni mr. Delgado"

"haha salamat"

Nilagyan nyarin ako mga.kung ano pabg kulerete sa mukha...

"dyos miyo!! Dyosa!!!" puri nya ulit pag katapos nya kong ayusan..

Napatingin ako sa salamin.. Sana magustuhan ni chace..

"madam aayusin napo namin ang buhok nyo"

Tumango ako dahil sa klase ng gown ko kailangan naka up do ang hair style ko masusi at mabusisi nya inayos ang buhok ko medyo nangangawit na ako.. pilit kong inabot ang baso ng tubig na nasa harap ko.

My Naive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon