16 ( roller coaster of emotions)

151K 1.1K 77
                                    

magbasa ng author's note

KREY'S

andito kami sa connecting room ng office ni chace sa top floor yung mga bata nasa pantry

"at anong pumasok sa isip mo chace naman ...... !" ngayon na nag sisink in sakin na sinabi nya sa harap ng maraming tao na girlfriend nya ko at dahil don di ko maiwasan mangamba

" hindi ko rin alam ok basta nalang lumabas sa bibig ko yun " mahinahon nyang sagot

" napaka hinahon mo pa di mo ba alam yung pinasok mong problema?"

"may magagawa ba yang pagsigaw sigaw mo?"

"hindi mo kasi ako naiintindihan chace e "

"naiintindihan kita krey ako yung hindi mo naiintindihan "

"  anong hindi ko maintindihan dun sa isinigaw mo sa harap nila na girlfriend mo ko e hindi naman !" sigaw ko kay chace

" ano hahayaan kita na mabastos don hahayaan kita na saktan ng mga tao ko ?" tumataas narin ang boses nya

" pero hindi yun yung tamang paraan ! hindi yun yung dapat sinabi mo kasi hindi naman tayo yun hindi ako yun hindi moko girlfriend! "

" bakit hindi ! dahil mahal mo pa yung ex boyfriend mo ! akala mo ba di ko napapansin pag kasama kita iba ang nasa isip mo .. baka naman pag hinahalikan mo ko sya pa nasa isip mo ! " sigaw nya..

*pak !

sinampal ko sya

" wag na wag mo ko sasabihan ng ganyan wala kang karapatan chace siguro nga nabayaran mo ko pero sa loob ng tatlong buwan lang hindi kasama dun yung husgahan mo ko e ano kung isipin ko si royce sya ex boyfriend ko.. ikaw kung tutuuusin customer lang.. wala kang pinagkaiba sa mga empleyado mo no wonder bat ganun sila " tumalikod ako para umalis na pero bago ako maka alis hinawakan nya ko sa braso

CHACE'S

"aray!" sigaw nya nilipat ko yung pagkakahawak ko sa kamay nya para pigilan syang umalis

"wag kang umalis .." hindi ko napigilan yung sarile ko kanina, pag kasama ko sya hindi ko alam kung anong kinikilos ko pag kasama ko sya iba ako pag kasama ko sya halo halo ang emosyon ko

nagagalit ako, napipikon, naguguluhan.. nagseselos...

" mag usap muna tayo... " bulong ko na sana sapat na para marinig nya yung sinabi ko

pero nanatili syang nakatalikod sakin..

"please krey... please"

humarap sakin si krey bumuka yung bibig nya pero walang lumabas bagkos tumulo yung luha nya at patakbong lumapit sakin at yumakap..

agad korin sinalubong ang yakap nya..

"hushhh.. pls krey stop crying.." habang pinapat ko ang likod nya..

umiiyak padin sya

"stop crying hahalikan kita dyan sige ka " hinampas nya naman yung dibdib ko napangiti ko na sya

"sorry ha... " hinawakan ko yung mukha nya..

"nabigla lang ako krey.. hindi ko sinasadya" tumatango sya habang pinupunasan yung luha nya

"ayaw ko kasi na ginaganun ka dito pa sa kompanya ko" paliwanag ko..

"tignan mo may sugat kapa" hinawakan ko yung pasa sa braso nya

"masakit.."

"sorry.. gamutin ko yan ha ?" tanong ko..

" ayaw ko.. "

My Naive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon