49 (forevermore)

49.2K 668 56
                                    


CHACE'S

Naglalakad ako sa may dalampasigan, hindi pa masyadong sumisikat ang araw.

Dala ko ang isang bote ng beer habang pinagmamasdan ang tahimik at paminsan-minsa'y pag laki ng alon.

Magdadalawang buwan na kong ganito simula nung nangyari ang insidenteng iyon, kada pumipikit ako nakikita ko ang mga ala-ala na ayako nang balikan. Tinungga ko alak na dala, ang bilis ng mga pangyayari.

Nakilala ko ang unang babaeng nagpatibok ng puso ko, may mga problemang dumating pero lahat naman kinaya namin. Pero pagkatapos ng araw na iyon, napailing ako

Napasabunot ako sa buhok ko at napaupo sa buhangin. Paano ako magsisimula ulit kung puno ng takot ang puso ko, punong puno ng dugo ng babaeng mahal ko ang katawan ko. Ang imahe na yun ang nakatatak sa isip ko imahe na gusto ko nang burahin at kalimutan para makapagsimula na ko ng bago, para maging buo na ulit ako, kaso ang hirap.

Yung mga alaala kasi na yon ang mga tanda na walang permanente sa mundo, mga bagay na pag di mo iningatan maaring mawala..

Tumayo ako ulit at nagmuni-muni sinipa ko ang bato at kabibe na nakaharang sa dadaanan ko. Inikot ko ang tingin sa paligid, napakaganda ng islang binili ko para sa mahal ko. Napangiti ng alang ako ng payak.

Flashback

"I.. DO" saka tuluyang bumagsak ang kamay nya sa semento..

Hindi.. Hindi totoo to panaginip lang to.

"no!!!!!" sigaw ko..

Binuhat ko ang nooy hindi ko alam kung buhay pang katawan ni krey.

Tumakbo ako ng parang walang bukas, hindi ako makakapayag na mawala ang kaisa isang taong minamahal ko.

Hindi ako makakapayag na dito magtapos ang hindi pa namin nasisimulan na buhay ng magkasama, hindi ko hahayaan na manatili nalang pangarap, ang mga pangarao na sabay naming binuo sa aming isipan.

Walang mawawala, walang bibitiw diba mahal ko?

"wake up krey iam begging you" bulong ko habang tumatakbo palabas.

Wala na atang mas sasakit pa makita bukod sa makita mo ang babaeng papangakuan mo ng habang buhay suot ang trahe de boda nya na puno ng dugo.

"baby don't do this to me" halos manlabo ang mata ko sa umaagos na luha mula doon

Nang marating ko ang labas sakto ang pagdating ng ambulance.

"krey.." salubong ni jiro maging ng ama nya.

Hindi ko alam kung nasaan na si farrah sa ngayon wala nang mas hahalaga pa kay krey.

"mga ilang minuto na syang walang malay?" tanong ng nagmamadaling medics habang nilagagay si krey sa stretcher at nagmamadaling ipinasok sa ambulansya

"3.. 5?? Hindi ko alam" nanginginig na sagot ko.. Tumango sya..

"sino sasama?" tanong nya ulit

"ako" pagkasagot ko sumakay na kong agad at tuluyan ng umandar ang sasakyan.

Nilagyan ng kung ano anong aparato si krey,

"mahinang-mahina na ang pulso nya.."
Umiiling ako hindi ako naniniwala..

Rinig ko ang serena ng ambulansya.
Tulala lang ako at walang magawa.

Nang marating namin ang hospital. Agad akong tumalon pababa.

"Tulong! Tulong!" sigaw ko dahil yun nalang ang magagawa ko

My Naive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon