17 ( sweetest )

156K 1.2K 151
                                    

hi friapatotie :) di ko masingit yung experience mo ksi ewan hindi ganun ka tugma but as u can see ur comment really caught my attention kaya special mention ka :) mwahps sweet nun gudluck sa inyo:)

mag basa ng a/n :)

KREY'S

pagkatapos ng araw na yun ako na ang girlfriend ng isa sa pinaka mayamang tao dito sa pilipinas lahat ng tao naging interesado saakin,  kung saan ako nakatira nasan mga magulang ko ilan ang kapatid nakatapos ba ako, kinailangan pa nga ilipat kami ni chace ng tirahan para masigurado nya yung seguridad namin.. inilipat nya rin yung mga kapatid ko ng school ayaw ko nga sana kaso naiisip ko kung doon sila sa public school mag aaral na malapit sa dati namin bahay masyadong malayo at hindi ko sila mamomonitor lalo na at mainit pa ang sitwasyon...

Lahat na yata alam na ng mga tao sa paligid na dati kaming nakatira sa skwater, ulila at kung ano ano pa... may mga nagalit, humusga, nag sabi ng masasakit na salita tulad ng oportunista, social climber, gold digger... masakit oo pero sino ako para umarte si chace nga e bobo daw at nagpapakatanga wala lang sakanya sabi nya mawawala rin samin ang atensyon ng tao wag nalang daw mag paapekto. Sa kabila nun meron ding humanga at muling naniwala na hindi hadlang ang estado sa buhay pag pag ibig na ang pinag uusapan... bagong cinderella nga kung tawagin nila ako.. kung sana nga totoo  na pag ibig ang meron kami .. nakakatawa nga e kahit ako malapit na maniwala na kami yung tipikal na mag nobyo walang deal walang lesson..

yung tungkol naman sa safe heaven.nanatili namang sikreto yun totoo nga ang inassure sakin ng s.h na hindi malalaman ng kahit sino basta daw gawin ko ng tama ang trabaho ko walang magiging problema..

tulad ngayon.. sino bang makakapagsabi na hindi totoo yung samin.. si chace kasi e..

chace calling....... ..... ....

"hellooo."

" hello kumain kana? " hindi nawalan ng oras samin si chace lagi nya kaming nasisingit sa schedule nya kahit sobrang busy nya..

" oo naman anong oras na kaya ikaw kumain kna.." sabay tingin ko sa orasan ko mag aalasdos na pala

" hindi pa kakatapos ng meeting ko.. ang mga bata andyan na ba ?" bakas sa boses nya ang pagod..

" wala pa e mamaya pa ang uwi nun mga 5 pm pa"  isa to sa mga bagay na gusto ko kay chace mahal nya yung mga kapatid ko

" ganoon ba.. "

" oo .. oh kumain kana anong oras na oh.." paalala ko..

"wala akong gana e nalipasan na ata ako ng gutom, magkakape nalang ako"

" kape nanaman ? kumain ka kaya kahit konti" simula nung araw na naging kami, tulad nya hindi korin nakakalimutan na paaalahanan sya tinutumbasan ko rin ng pag aalaga sa kanya kahit sa maliliit na paraan ang mga tulong na binibigay nya saamin nung una parang nakakailang pero nung lumaon ay nasanay na ko at nakasama na yun sa araw araw kong routine..

"konti lang ha." parang bata

"opo konti lang kung gusto mo dito ka mag dinner..  kung gusto mo lang naman" alok ko

"oo naman gusto ko"

kinagabihan..

"superman...... !" sigaw nung tatlo may dala nanaman kasi na pasalubong si chace..

"o maglaro na kayo ng laruan nyo wag na muna kulitin si kuya chace kasi pagod sya sa trabaho" paalala ko sa mga bata..

naupo si chace sa may kusina at pinanood ako mag luto nag tanggal din sya ng coat at necktie

"anong niluluto mo?" tanong nya

" sinigang kumakain kaba nito?" malay ko ba kung hindi bahala sya dyan..

My Naive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon