25 (the conflict)

118K 821 85
                                    

KREY'S

"pero mamu...."

" order yun sa taas krey.. Hindi ko rin alam kung bakit pero yun ang bilin"

"panong papabilisin..?"

"yung mga remaining lessons kailngan mo na ituro kay mr. Delgado kailangan matapos mo yung nasa kontrata ng mas maaga"

"mamu......"

"wala akong magawa pasensya na si bigboss ang nag utos nyan"

umalis ako ng s.h ng bagsak ang balikat bakit ganun.. Bakit kailangan pabilisin anong meron bakit ganoon..

Nanlalambot na napaupo ako sa isang bench sa park. Sapo-sapo ko yung mukha ko. Pag pinabilis yun ibig sabihin ay tapos narin samin ang lahat..

Naging maswerte ako at si chace ang una kong tinuruan pero paano na sa susunod? Pero ang pinaka mahirap don pano ko tatapusin yung saamin.. Meron nga bang kami? Anong gagawin ko pano ko iiwan yung lalaking mahal ko...

Lunod ako sa pag iisip nang biglang may tumawag sakin..

"krey...." napalingon ako..

"royce" matagal narin pala mula nung huli kami nagkita, marami na ang nangyare.. At masasabi kong marami nang nagbago..

Nandoon ang konsensya dahil ako yung may kasalanan kung bakit nagkahiwalay kami pero di gaya noon.. Wala na yung part na nasasaktan ako dahil mahal ko sya..

Mas napatunayan ko sa sarile ko na si chace ang mahal ko..

"pwede ba kong tumabi?"

"ah.. Oo naman" umusog ako ng konti. Me kaunting puang sa tabi namin pero sapat na yun para hindi mag dikit ang mga balat namin..

"kamusta kana?" tanong ko pero hindi ako tumungin sa kanya..

"ikakasal na ko" tama bang may lungkot padin sa boses nya...

Nung narinig ko yun di naman ako nagulat.

"talaga?? Congrats." nilingon ko sya pero patuloy parin ang pagtingin nya sa kawalan.,

"salamat" bulong nya.. Nanahimik kaming parehas.

"krey..."

"hmmmm"

"anong nangyare saatin bat tayo nagkaganito?"

anong isasagot ko sa kanya? Yung katotohanan ba?

" may mga bagay noon na nagawa ko para di ka masaktan mas pinili ko na ako nalang..." sagot ko..

"hindi ko kasi maintindihan noon kung bakit wala kang tiwala sakin kahit ano naman yun iintindihin kita at baka matulungan kita"

"ilang taon din tayong magkasama alam ko kung hanggang saan at hanggang kailan mo kakayanin intindihin ang mga bagay bagay .. Royce alam kong mas masasaktan ka sa dahilan ko kesa masasaktan ka sa pag iwan ko sayo..."

ramdam kong paglingon nya..

"sorry di ko piniling ilaban ka ang selfish ko no .. Sinasabi kong mahal kita pero bumitiw din ako.. Ang bobo ko" sagot nya

"wag mong sabihin yan.."

"totoo naman e.. Sana mas nilawakan ko yung pag intindi ko.. Sana mas kinaya kong ilaban ka.."

" mas malaki ang kasalanan ko sayo royce ako yung nanakit.." hinawakan ko yung kamay nya..

Muli nakita ko ang pagpatak ng luha nya..

My Naive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon