WednesDate

696 19 2
                                    

Matteo's Pov

Halos hindi ako makatulog sa kakaisip kay Sarah. Iniisip ko kung ano ang sasabihin pag nagkita na kami. Pero mas nag-aalala ako sa posibilidad na baka hindi sya pumunta.

It's wednesday morning, and I'm having breakfast with my family and I've decided na hindi muna papasok sa opisina.

"Pa, is it okay if I dont go to work today? I have an important thing to do po kasi.?" I asked Papa

"What is it about son? Is there a problem?" Tanong naman nya

"No Pa. Its personal." Maikli kong sagot

"Personal? You're keeping secrets from us na ha.. its about a girl noh?." Singgit naman ng Mama ko.

Namula ako sa sinabi ng Mama. Ngumiti lang ako sa sinabi nya, sign na tama nga ang hula nito.

"Well son, if its about a girl, then go ahead. Just make sure she's worth it." Sabi ng Papa

"Ahmm..actually she doesnt know me yet, and I'm hoping today is the day." Sabi ko at nagtinginan lang ang mga magulang ko at sabay silang lumingon sa akin na parehong nalito sa sinabi ko.

"Yeah I know you're confused but its a long story and I'll tell you everything soon......or not."

May halong lungkot ang pagkasabi ko ng "or not" dahil sa posibilidad na baka hindi sya pumunta.

Habang naghihintay ako sa text ni Shin hindi naman ako magkadaugaga sa paghahanap kung ano ang isusuot. Hindi ako mapakali buong araw.

Its already 3:00 in the afternoon when I decided na pumunta na ng Cafe. Hanggang sa mga oras na yun ay wala pa rin akong natatanggap na text mula kay Shin. Nahihiya pa rin kasi ako kung ako ang unang magtext baka makulitan sa akin.

"Be patient man. Be patient." Bulong ko sa sarili

And then its already 5:00. Halos nawawalan na ako ng pag-asa na pupunta pa sya. Inuudyok na rin ako ni Jomar na itext ko na daw si Shin baka daw kasi nakalimutan lang nya ang usapan namin, pero tinitiis ko pa rin. Maya't maya naman ang lingon ko sa pinto everytime may pumapasok. When at 6:30pm I've decided na itext na nga si Shin. Habang nagta-type ako ng text for Shin, halos mapalunok ako nang makita ko kung sino ang papasok sa pinto.

"Yun oh!" Malakas na sabi no Jomar

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sarah's Pov

Buong araw akong kinukulit ni Shin tungkol kay Matteo. Ilang beses akong tinext, tinawagan at nang mag lunch ay pinuntahan pa talaga ako sa opisina para kulitin.

"Shin may trabaho pa ako. Mamaya na yan. Masyado ka naman yatang excited.." sabi ko

"Gusto ko lang siguruhin na pupunta ka kawawa naman yung tao kung paghihintayin mo lang di ba?" sagot naman nito

"At nangunsensya ka pa talaga nyan ha" saBi ko

"Syempre. Ok ganito na lang sinabi nya sa akin na maghihintay daw talaga sya ito yung number nya. Nag-eexpect sya ng text sa akin pero hindi ko na sya iti-text. Bahala ka na dyan. Alam ko kasi na hanggang ngayon eh pinag-iisipan mo pa rin kung ano ang gagawin. Mahal pa rin kita kahit anong mapag desisyonan mo. Bye na muna,balik na ako sa work." Nginitian ako sabay halik nito sa ulo ko.

Alas sais na akong natapos sa trabaho ko at dahil sa traffic,6:30pm na akong nakarating sa Cafe'. Hindi muna ako lumabas ng kotse dahil sa sobrang kaba.

"Bakit ka ba kinakabahan Sarah eh makikipagkilala lang naman yung tao sayo?!" Sabi ko sa sarili ko

"Yun oh!" Rinig kong malakas na sabi ng waiter nang pumasok na ako sa loob, ningitian ko lang ito. At dahil hindi ko pa alam kung ano ang hitsura ni Matteo, dumiretso na lang ako sa table kung saan ako umuupo. Dahil sa hiya nakayuko lang ako at hindi ko nagawang tingnan ang mga mukha ng mga tao doon.

Itetext ko na sana si Shin para sya ang magtext kay Matteo nang may biglang may lumapit sa akin na isang morenong lalaki.

"Ahmm.. Hi Sarah, I'm Matteo".

____________________________________

WednesDate...to be continued....

:)

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon