The Search

600 16 0
                                    

Sarah's Pov

"Good evening po" bati ko kina Mommy at Daddy ng maabutan ko silang nasa kusina

"Oh nak bakit ngayon ka lang? Kumain kana ba?" Tanong ni Daddy

"Opo tapos na po...kumain na po kami ni Shin sa mall" sagot ko

"Magkasama pala kayo?" Tanong naman ng Mommy

"Opo pinuntahan kasi nya ako sa cafe' kanina tapos nagpasama sya sa mall" sabi ko

"Oh sige, magpahinga ka na" sabi ng Daddy ko

"Sige po goodnight, My, Dy" sabay halik ko sa kanila

Nang nasa kwarto na ako, naalala ko ang Note. Kinuha ko ito at binasa ulit.

"Baka naawa lang sa akin kasi nakita akong umiiyak." Sabi ko sa sarili

Tinago ko na yung note at nagpahinga na ako.

Its friday. Dating gawi. Wake up at 6am..go to work from 8am to 5pm. Mag-eemote sa cafe tapos uwi.. laging ganyan lang ang routine ko araw-araw. Minsan malling pero pagnagyayaya lang si Shin.

Gusto ko na rin makalimot pero wala pa akong nakikitang dahilan para gawin iyon.

Meron din namang mga nagpaparamdam sa akin sa opisina pero wala akong interes sa kanila.

Flashback

"Sars e-entertain mo naman yan mga nagpaparamdam sayo malay mo may magustuhan ka!"

Sabi ni Shin ng minsang pinasyalan nya ako sa work ko

"Shin tumahimik ka nga. Baka may makarinig sayo."

Awat ko sa kanya

"At saka wala akong interes sa mga yan "

Dagdag ko

Nagbuntung hininga na lang sya at wala na iba pang sinabi.

(Present)

Tapos na work ko at sinabi ko sa sarili na susubukan kong hwag dumaan sa cafe'.

Lumagpas na ang minamaneho kong kotse sa cafe ng maalala ko ang note. Kinuha ko ito sa side pocket ng bag ko.

"Wipe those tears away...Sadness does not fit those eyes.. Please Smile... :) "

Binasa ko ng paulit-ulit ang note.

"Ano kaya iniisip nya habang nakita nya akong umiiyak ? Gusto ko syang makilala. May balak kaya syang magpakilala sa akin kung makita nya ulit ako?" Sabi ko sa sarili ko

U-turn.

Bumalik ako sa cafe.

"Baka sakaling nadun siya".

Pagkapasok ko sa cafe', tiningnan ko muna ang buong paligid tapos ay naghanap ng mauupuan.

Matteo's Pov

"Thanks for coming son, I know its hard for you but I know you will get used to all of this soon." Papa said

n

"Its okay Papa. Thanks also for being patient with me about all the business stuff. And for trusting me of course." Sagot ko naman sa kanya

Tapos nun ay napaalam na akong umalis. Its 3pm pa at Wala na akong ibang lakad nung hapon na iyon. Hanggang sa madaanan ko ang cafe' kung saan ko nakita si Sarah.

Yan lang ang alam ko sa kanya. Ang pangalan nya. Tumambay ako sa cafe' , nagbabakasakaling dumating sya.

Its 5:30 pm already at magdadalawang oras na akong nandun. Pero hindi ko pa rin sya mahagilap.

"God! Ano ba tong ginagawa ko? Hindi ko alam kung bakit ako nagtitiis dito para naman akong naghihintay sa wala" bulong ko sa sarili

At tumayo na nga ako para umalis nang may pumasok sa pinto. Napaupo akong bigla.

"Si Sarah!"

_____________________________________

Cliff hanger muna...... :)

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon