Moving On and Searching

577 18 0
                                    

Sarah's Pov

Nakauwi na si sarah bahay nila. Hawak hawak pa rin ang pangalawang note na natanggap niya mula sa taong ayaw pa rin magpakilala sa kanya.

"Whatever or whoever is the reason of your sadness, please know that there are so many reasons to be happy. Wish to see you smile and hear you laugh someday."

:)

"Thank you. Kung sino ka man." bulong ni sarah sa sarili at saka natulog

Kinaumagahan nagising  sya na ang note pa rin ang nasa isip. Natawa pa sya ng maalala ang waiter na napakamot sa ulo ng ibigay ang note dahil nauna na itong nagsinungaling ng tanungin nya ito kung nagawi ba ulit doon ang nagbigay ng note.

Flashback

"Ahh ehh maam nagpapabigay po uli.." nahihiyang sabi ng waiter

"Kanino po galing??" Tanong ko habang nagmamadaling suyurin ng tingin ang buong cafe

"Ahh ehh sa kanya din po. Pasensya na po maam nagsinguling po ako. Ayaw po talaga ipasabi eh"

"Kaw talaga kuya. Nasaan na po siya? Umalis na?"  Tanong ko

"Opo" nahihiyang sagot ng waiter sabay talikod

Napangiti ako matapos mabasa ang nilalaman ng note.

_______________________________________

"Alam mo Sars baka yan na yung taong tutulong sayo para makapag move on. Tara na punta na tayong cafe baka sakaling nandun at magpakilala na!" Excited na sabi ni Shin

"Shin hindi. Malay ko ba kung sino siya, kung ano ang motibo nya, baka naawa lang siya sa akin nung nag-eemote ako dun sa cafe." Sagot ko

"Hay naku Sarah.." sabay buntong hininga ni Shin

"Ano kaba? Dati lang ayaw na ayaw mong pumunta ako ulit dun sa cafe tas ngayon tinutulak mo naman akong bumalik doon." natatawang sabi ko

"Eh iba kasi ngayon. Pupunta ka doon sa ibang kadahilanan. Pupunta ka doon para mag thank you." Sabi ni Shin

"Anong mag-thank you? Palusot pa more Shin" sabay tawa ko

"Baket? Hindi mo na appreciate yung mga nilalaman ng notes? Ang sweet kaya." Kinikilig na sabi nito

"Na-appreciate syempre. Pero Shin ayaw nyang magpakilala alangan namang pilitin ko talaga na hanapin sya." sagot ko dito

"Ahh talaga? Kaya pala hinanap mo sya noong isang araw." Sarkastikong sabi nito

Nakwento ko kasi sa kanya na sinubukan kong hanapin ito pero yung second note lang ang natanggap ko.

"Isang beses lang yun Shin. Nagbakasakali lang. Tsaka ayaw kong umasang magpapakilala talaga siya. Tsaka kung magyayari, mangyayari yan." Paliwanag ko

"Kunsabagay. Oh sya sya, hayaan na natin si Mr. Destiny ang gumawa ng paraan. " Shin

"Exactly" sabi ko

"Gwapo kaya siya Sars? Pano kaya kung hindi, pano kung matanda na yan. Pano kung stalker yan?!" Sarkastikong tanong nito

"Ewan ko sayo. Kita mo, pano kung yung huling tanong mo ang tama. Patay tayo dyan haha" Patol ko dito

"Katakot naman yan. Hwag na natin ipush yan Sars."  Sabi nya

"Haha. Judgmental lang? . Hindi naman siguro. Hindi naman ganun yung dating nya sa mga notes nya sa akin." sabi ko

"Uyy.. Dinidepensahan. May something.." asar nito sa akin

"Haha.. baliw." Maikling sagot ko dito

"Ahh basta, kapag nakapag decide ka nang simulan ang search sa taong yan isama mo ko ha." Shin

Ngumiti na lang ako at umiling-iling.

Halos isang linggo na rin akong hindi bumabalik sa cafe. Nag decide akong umpisahan ng mag move on at ihinto na ang pag dadrama dahil matagal tagal na rin naman yun. Hindi ko alam pero simula nung nabasa ko ang mga note na yun ay parang dun ko lang na realized mas marami ang dahilan ko para maging masaya.

Kasama ng pag momove on ko ay ang hindi na muna pag punta sa cafe dahil yun naman ang lugar kung saan ko naaalala ang lahat.

Matteo's Pov

Mag-iisang linggo na rin akong pabalik balik sa cafe. Hanggang ngayon hindi pa rin nagagawi ulit si Sarah. Nalaman ko rin na matagal tagal na pa lang ganun si Sarah, palaging malungkot tuwing nandoon ito sa Cafe dahil sa kwento ni kuya waiter.

"Kayo kasi Sir, kung nagpakilala agad kayo eh di sana magkaibigan na kayo ngayon o di kaya eh magka-ibigan hehe.."  biro ng waiter

Napakamot ako sa ulo dahil sa narinig ko.

"Bakit ba kasi hindi agad kayo nagpakilala sir? Secret admirer ang peg? " hirit ulit ng waiter

Sa araw araw ko kasing pabalik balik dito ay naging kaibigan ko na rin si kuya waiter.

"Hindi ko kasi alam kung paano sisimulan ang pag-approach eh. Mukha kasing may pinagdadaanan yung tao. Ang hirap naman di ba kung bigla bigla na lang akong susulpot." Paliwanag ko

"Ahh ganun po ba? Akala ko kasi eh natorpe lang kayo." Biro ulit ng waiter

"Uy loko. Hindi ako torpe ha! Akin na nga yung order ko." Depensa ko

"Ehh sabi mo eh..tsk. basta sir eh pag nagkita kayo ulit sunggab na agad haha" sabi nito sabay talikod

Dahil sa pag-uusap namin ng mokong na waiter na yun bigla ko tuloy naramdaman ang pagsisisi kung bakit hindi agad ako nagpakilala. Paano kung hindi na ito bumalik. Baka naman natakot sa mga notes ko at akala nya may stalker sya.

"Huwag naman po sana" bulong ko


_______________________________________

Tsk..tsk.. natapos din ang chapter nato.

Ang tagal bumalik ng rhythm ko..haha

CHAR!!

May rhythm pang nalalaman. Chos!


Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon