I'll Be Waiting

564 17 2
                                    


Sarah's Pov

Nasa bahay na ako martes ng gabi nang makatanggap ako ng text mula kay Shin.

"Sarah kailangan nating mag-usap. Urgent. Importante 'to. Punta ako sa bahay nyo ngayon na!."

"Bakit, may problema ba? Anong nangyari?." Reply ko

Pero hindi ito nag reply nag-alala tuloy ako. Teneks ko ulit ito.

"Shin bakit hindi ka nagrereply ? Hui... '_' "

Nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at...

"Ahhhhh!!!! Saraaaaahhh!!!!! OMG!!! " bungad ni Shin ng pumasok sa kwarto ko

"Huyy.. ano ka ba!? May mga kapit bahay po kami baka hindi mo alam.. ano bang problema mo? " sabi ko tapos ng tiling 'yon na feeling ko eh abot hanggang ibang kanto

"Ooppss sorry friend. Eh hindi ko na mapigilan eh.. kanina ko pa to gustong ilabas. Kanina pa ako kinikilig pero feeling ko mas maganda kung ilabas ko tong kilig na to sa harapan mo. Ayiee" . Sabi nito pero wala pa rin akong maintindihan sa mga sinasabi nya

"Kinikilig ka?  Kinikilig ka na ng lagay na yan huh? Akala ko naman eh kung na pano ka na. Bakit naman ? Pinansin ka na ba sa wakas nung ka officemate na crush mo? " sabay higa ko sa kama ko habang tinitingnan ko sya

"Hmmp.. anong crush hindi ko na sya crush noh, feelingero masyado yun.. tsaka hindi ako kinikilig dahil sa akin kinikilig ako dahil sayo." Sabay ngiti nito na parang nanunukso sa akin

Napakunot noo ko syang tiningnan dahil sa sobra lito sa mga pinagsasabi nya.

"Anong ibig mong sabihin? Tanong ko sa kanya

"Sars nakilala ko na sya!. " pasigaw na sabi nito

Nanlaki ang mga mata kong tiningnan lamang ang kaibigan ko dahil bigla akong nagka-ideya kung sino ang sinasabi nyang nakilala na nya.

"Yung nabibigay sayo ng notes. Yung secret admirer mo!!.." lumapit sya sa akin at niyugyog ako

"Ahhmm.. ehh...talaga? Saan naman? Teka anong secret admirer ka dyan?" Sabi ko na kunwari ay wala lang sa akin ang mga narinig

"Weeh...kunwari ka pa. Eh for a moment eh na tulaley ka kaya. Haha..tsaka Oo secret admirer mo sya.."sabi nito

"Bakit sinabi nya talaga sayo na admirer ko sya?." Tanong ko naman

"Ehh, hindi feeling ko lang.." sagot nito

"Kita muna..kaw talaga.." hindi na ako nagsalita pa

"Wow Sarah napaka sarcastic naman ng reaction mo. Wala ba kahit konting kilig kang nararamdam dyan?" Natawa ako sa sinabi nito

"Haha... Ano ba gusto mong maramdaman ko? Eh wala pa naman akong alam sa tungkol sa kanya." Sabi ko dito na mukhang naiinis na sa akin

"Grabe ka naman Sars. Sa 8 months mong pagmumukmok kasama ba sa pagmomove-on mo eh ang maging manhid? Nakakakilig kaya. Hindi mo pa nga ako naririnig mag kwento eh.."

Sa mga oras na yun ay marami akong gustong itanong kay Shin pero pinili ko ang magkunwaring hindi masyadong interesado dahil gusto ko munang sarilinin ang mga feelings ko. Ayoko ko na kasing makita nila ulit akong masaktan.

"Ok sige makwento ka, makikinig ako." Sabi ko kay Shin sabay ngiti

Ikinwento ni Shin ang buong pangyayari at...

..."kaya sinabi ko sa kanya na pipilitin kitang pumunta bukas sa cafe, pero sabi ko huwag sya masyadong umasa kasi baka hindi ka pumayag dahil matigas ang ulo mo!. " sabi nito at may diin pa talaga sa huling sinabi nito

"And by the way, may number ako ni Mr. Matteo itetext ko daw siya kung pupunta ka. Itetext ko na ba?" Dagdag nito

Hindi ko alam ang sasabihin ko matapos kong marinig lahat ng mga sinabi ni Shin. Nae-excite ako na may halong takot at kaba.

"Uyyy...kinikilig na oh! Tsk..tsk..namumula ka na sis. Sabi ko gusto daw nyang nakipagkaibigan sayo..haha.. Ano, iteteks ko na?" Sabi nito na may halong panunukso

"Huwag. May lakad ako bukas. Busy ako." Alibi ko

"Che! Wag mo akong pinagloloko. Pwede naman sa gabi ahh. Natatakot ka lang ih.." Sabi nito

Kilalang-kilala na talaga ako nito. Wala na talaga akong matatago sa kanya. Pinagtataasan ako ng kilay habang hinihintay ang matino kong sagot sa kanya, o sabihin na nating ang sagot na gusto nyang marinig kaya....

"Huwag mo muna itext. Pag-iisipan ko muna. Hindi ko pa alam." Sabi ko

"Baka issue sayo ang place sabihin natin na wag doon." Suggest ni Shin

"Basta bukas na. Itetext kita. Pag-isipan ko muna." Sabi ko saka narinig namin ang tawag ni mommy para mag dinner

"Tara na baba na tayo." Aya ko sa kanya at napailing na lang ito habang hinihila ko ito palabas ng kwarto ko

Tapos ng hapunan ay nagpaalam na si Shin kina mommy at inihatid ko ito sa pinto.

"Huyy Sarah bukas ha, itext mo ako. Humanda ka sa akin. Wala namang mawawala sayo eh. Kung gusto mo samahan pa kita para hindi masyadong awkward." Pilit ni Shin sa akin

"Oo na. Pag-iisipan nga di ba." Sabi ko na lang para makauwi na ito

"Huwag mo nang pag-isipan. Sarah trust me on this. Huwag kang matakot Sis. Gusto ko lang maging masaya kana ulit. Please..." sabay yakap sa akin nito

"Basta. Bukas na lang." Sabi ko at umuwi na nga siya

Umakyat na ako ng kwarto matapos kong magpaalam kina mommy at daddy.

Kinuha ko ulit yung mga note at binasa. At naisip ko lahat ng sinabi ni Shin tungkol sa lalaking yun" Isip ko

"Mukhang mabait nga sya" isip ko

"Matteo pala pangalan mo."bulong ko sa sarili

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Matteo's Pov

Hindi ako makatulog sa sobrang excitement dahil sa wakas magkikita na kami ni Sarah bukas. Kanina pa ako type and delete ng message ko sana for Shin dahil gusto kong itanong kung nakausap na nya si Sarah at ayaw ko naman na isipin nyang masyado akong atat.

When around 10:30pm I received a message and its from Shin.

"Hi Matteo, I just got home from Sarah's. Sinabi ko na sa kanya lahat and she told me na pag-iisipan nya muna ang pakikipag meet sayo. Ti-next lang kita about this para hindi ka masyadong umasa. I told you naman kanina di ba na wag masyado umasa. Matigas ang ulo eh. Dont worry hindi naman nya sinabing ayaw nya makipagmeet sayo. At least pag-iisipan nya di ba. ITY na lng bukas. :) -Shin

Nawala lahat ng excitement ko at napalitan ng worry ang nararamdaman ko matapos mabasa ang message ni shin.

"Hi Shin. Thank you. Pero sana pumunta pa rin siya. Please tell her I'll be waiting. :( ".  Reply ko

Tinakpan ko ng unan ang mukha ko dahil sa sobrang lungkot dahil sa text ni Shin. Pero at least may chance, kahit konti.

______________________________________

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon