One step closer

501 18 1
                                    

Matteo's Pov

It was tuesday afternoon when I went to the cafe. Hindi na ako masyadong umaasa na makikita ko pa ulit si Sarah. Mahigit isang linggo na kasi itong hindi nadadaan dito.

"Wow Sir hindi sumusuko ah. Perseverance. " biro ni Jomar, ang waiter na naging kaibigan ko na rin

"Loko ka talaga Jomar. Wala, napadaan lang ako. Nasanay na rin kasi ako sa kape nyo dito." Sagot ko

"Ganun po ba. Sabi mo eh..Oh sige Sir kunin ko muna order nyo.," sabay talikod

Marami pa rin ang tao sa cafe. Maya maya ay tinitingnan ko pa rin kung mahahagilap ko na si Sarah. Pero wala pa rin. Tinutuon ko na lang ang aking atensyon sa aking cellphone. Nang biglang lumapit sa akin si Jomar na nagmamadali.

"Sir, Sir tingnan nyo po, kaibigan yan nung babaeng hinahanap nyo di ba?." Bulong sa akin nito

Sinundan ko ng tingin ang direksyon kung saan tumitingin si Jomar at tama nga siya. Sa pagkakaalala ko Shin ang pangalan nya.

"Si Shin nga." Tanging nasabi ko lang

Kahit hindi si Sarah ang nakita ko bigla pa rin akong kinabahan.

"Ano pa hinihintay mo? Puntahan mo na . Natotorpe ka na naman Sir eh." Sabi ni Jomar

"Anong natotorpe hindi naman sya ang gusto kong makita eh" sabi ko naman

"Hala! Ang slow mo Sir promise. Kaibigan nya yan malamang alam nya kung asan si Sarah kaya lapitan mo na." Jomar

"Its now or never Sir Matt". Dagdag ni Jomar

Huminga ako ng malalim at tumayo. Tiningnan ko si Jomar at inulit ang sinabi nya sabay hawak sa balikat nito.

"Its now or never."

Kabang-kaba ako habang papunta sa table nya. Mag-isa lng sya at habang papunta ako sa table nya ay napalingon sya sa akin. Nginitian ko sya at ganun din sya sa akin.

"Hi, Im Matteo." Sabay abot ng kamay ko

"Hello, Im Shin." Sagot nito at inabot din ang kanyang kamay

"Ahmm.. can I help you.? " tanong nya

"Pwede bang umupo?  May sasabihin lang sana ako sayo" sabi ko

"Sure" maikling sagot nya

"I know you're wondering kung ano kelangan ko sayo. I dont know how to say this but its about your friend." Sabi ko

Salubong ang kilay  nya sa sobrang pagtataka ng bigla tinakpan nya ang bibig sa sobrang pagkabigla naman ng mabanggit ko ang salitang "your friend".

"Oh my God! Ikaw yun! Ikaw ang nabibigay sa kanya ng note!."sabay turo sa akin habang sinsabi nya iyon

Napakamot ako sa ulo ko dahil sa sobrang hiya at konting relief dahil alam nya din pala ang tungkol dito.

"Ahhmm.. yeah its me. I'm sorry kung hindi agad ako nagpakilala ha. Hindi ko lang kasi alam kung paano sya iaaproach eh."  Sabi ko

"Eh bakit ka sa akin nagsosorry. Hindi naman ako yun. Dapat sa kanya mo sabihin yan."

"Actually more than a week na akong pabalik- balik dito pero hindi na yata sya pumupunta dito. Natakot ba sya sa mga ginawa ko?" Tanong ko kay Shin

"Huh?ahmmm.. hindi naman..siguro...ahm, hindi ka naman the stalker type di ba, as in yung psycho type, noh?"  Prangkang tanong nito sa akin

"Grabe naman, OA naman yan. " sabay kamot ko sa ulo

"Eh, to tell you honestly sumagi sa isip namin minsan yan,pero hindi naman ganun kalala. Mabait kaya yung kaibigan kong yun" . Sabi ni Shin

"Talaga? Buti na lang. Kumusta na pala sya? " tanong ko

"Ok naman, moving on..teka bakit mo ba natanong? May gusto ka ba sa kaibigan ko?" Shin

"Huh? Ahmm.. gusto ko lang makipag kaibigan. Sana.?" Napakamot ako ng sabihin ito dahil sa sobrang hiya

"Talaga? Makipagkaibigan lang? Yung totoo? Bakit mo nga pala naisipang bigyan sya ng mga note na yun?" Tanong ni Shin

"Napansin ko kasi syang umiiyak nun,ang lungkot nya,kaya naisipan ko syang bigyan ng chocolate cake baka sakaling sumaya sya." Sagot ko

"Eh hindi kumakain yun ng chocolate cake eh" sagot nito

"Narinig ko nga kaya ikaw kumain di ba" sabi ko

"Ahh ehh...nakita mo pala yun.? Nandito ka pa pala nun, eh bakit ka hindi na lang nagpakilala?"

"Kasama ko kasi mga kaibigan ko nun. Tsaka ang hirap naman kung bigla na lang akong susulpot, para kasing may pinagdadaanan sya. Nakita ko pa nga kayo sa mall after nun magpapakilala na sana ako dun kya lang paglingon ko wala na kayo." Paliwanag ko

"Pero di ba may 2nd note pa?" Follow up ni Shin

"Oo, pero naisip ko kasi na makikita ko pa rin sya dito after nun, hindi ko naman akalaing hindi na pala sya babalik dito tapos nung 2nd note ko,akala ko tuloy natakot sya." Sabi ko

Tumango lang siya.

"Natakot ba sya Shin?" Ulit kong tanong

"Tsk.. hindi naman siguro. So anong plano mo ngayon?" Tanong naman nya

"Kung makikita ko sana ulit sya, magpapakilala na talaga ako. San ko ba sya pwedeng makita Shin?"

"Ganito na lang pumunta ka dito bukas susubukan kong kumbinsihin syang makipagkilala sayo. Pero hindi ako nangangako ha? Huwag ka masyado umasa. Matigas kasi ulo nun eh. Itetext kita kung sakali. Ok ba yun?"

At nagpalitan nga kami ng number tapos ay umalis na si Shin. Sa wakas makikita ko na si Sarah bukas. Abot tenga ang ngiti ko ng lapitan ako ni Jomar.

"Wow Sir parang ngiting wagi tayo ngayon ahh. Anong nangyari Sir? Share mo naman dyan. " usisa nito

"Tsismoso ka din noh? " tumayo ako at tinapik sya sa balikat. "Bukas mo na malalaman at thank you nga pala, kung hindi mo sya nakita..." Hindi ko na itunuloy at umalis na ako ng cafe na abot tenga pa rin ang ngiti.

"Ang daya nito" rinig king sabi ni Jomar habang palabas ako ng pinto.

__________________________________

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon