Those eyes

731 19 1
                                    

Matteo's pov

I was having  fun with my friends here at this cafe' . Catching up with them. Minsan na lang din kasi kaming magsama.

Its my first time at this cafe'. Suggested by Stefano. Friend nya kasi ang may-ari.

"Bro,how are you na ba? Ang busy mo sa work mo. Hirap mong hagilapin" sabi ni Ivan

"Oo nga eh. Sorry Bro hirap kasi pag eldest sa family tapos lalaki pa. Papa is asking me kasi to learn about our family business na daw."sagot ko

"Wala naman akong magagawa. Mukhang kelangan na talaga bawasan yung being happy go lucky natin bro and start to being responsible" dagdag ko

"Ang serious naman nyan Bro. But actually ako rin sabi rin ng Mama ko seryosohin ko na rin daw yung business kong resto kung yun daw talaga ang gusto ko matanda na daw ako para sa laro-laro."sabi ni stefano

Habang nagtatawanan kami sa mga patawa ni Ivan biglang nahagip ng mga mata ang isang babae na parang umiiyak habang nakatingin lang sa malayo.

Matagal ko syang tinitignan pero hindi ako nagpapahalata sa mmga kaibigan ko baka tuksuhin na naman ako.

Ang lungkot ng mga mata nya. Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto ko syang lapitan at pasayahin. Parang feeling ko hindi tama na nag-iisa sya at umiiyak.

Ako lang ang nakakapansin sa kanya dahil nakatalikod sa kanya ang mga kaibigan ko. At yung babae naman ay nasa tapat ng salamin at nakatingin sa labas.

Tumayo ako at nag-excuse sa mga kaibigan ko…"Bro excuse me Mens room lang ako" .

"Sure Bro" sagot ni Ivan

Pumunta muna akong Men's room para hindi nila ako mahalata. Pagkalabas ko ay nilapitan ko ang isang waiter. Humingi ako ng papel at pen.

"Wipe those tears away. Sadness does not fit those eyes…Please Smile :) "

Binigay ko sa waiter ang note along with my instructions with the cake and told him "dont tell her kanino galing, allright?" Sabay abot ko sa tip sa waiter

Um-order rin ako ng sliced cake para hindi magtaka ang mga friends ko at ipinahatid ko sa table namin. Tsismoso pa naman tong mga mokong nato.

I chosed chocolate cake because I dont think may taong ayaw nito.

Pagbalik ko sa table namin takang-taka ang dalawa kung bakit daw nag-order ako ng cake eh coffee lng naman daw talaga kami pag ganito.

"Oh Matt ano yan? Bakit ka nag-order nyan? …" tanong ni Ivan

"Eh bakit bah gusto kong kumain eh" sabi ko

Balik lang kami sa kwentuhan pero pasimple pa rin akong tumitingin sa babae.

Nagulat siya sa ibinigay ng waiter at tapos basahin ang note ay napansin kong ini-scanned nya yung place.

Tinanggal ko yung tingin ko sa kanya at sumabay ako sa tawanan ng mga kaibigan ko.

Tumayo sya at akala ko lalapit sya sa table namin pero mali pala ako.

Sa kabilang table sya lumapit at tinanong nya kung ito yung nagpabigay ng cake at note.

Syempre hindi. Bumalik sya sa table nya at binasa ulit ang note ko.  Kung kanina ay gulat ang nakita ko sa kanya after reading the note ,I swear I saw a glimpse of smile after reading it again.

Another girl came into her. A friend of hers, I thought.

Nakita kong ibinigay nya yung note ko sa friend nya at parang kinilig yung friend when she read it. Or may be I assumed.

"Wait, bakit ako nag-aasumed? " I thought

I overheard some of their conversation…

"Hindi ka naman kumakain ng chocolate cake eh…akin na lang" her friend said

"What ? Hindi sya kumakain ng chocolate cake? " isip ko

That whole time I was watching them, hindi ako napansin ng mga kaibigan ko. And then tumayo na silang dalawa.

Before going out of the cafe' , tumingin muna sya s buong lugar. Hindi ako nagpahalata. Mukhang hindi rin sya naghinalang sa table namin galing yung secret note at cake na binigay sa kanya.

"Ano kaya ang inisip nya?

Nung makalabas na sila tumayo ako bigla at sinundan ko sila. Hindi ko na sila naabutan.

Pagbalik ko sa table takang taka ang dalawa sa akin.

"What's that all about man?" Tanong ni Ivan

"Nothing man, I just thought I saw someone familiar" sagot ko

"Oh okay, so ano na? Saan tayo?" Tanong ni Ivan

"Samahan nyo na lang ako sa Greenbelt guys. I need to check on my restaurant bro." Suggest ni Stefano

"Gawin mo pa kaming bodyguards mo" hirit ko naman at nagtawanan na lang kami

We each have our separate cars so nag-usap kaming sa resto na lng kami mag-abot.

After giving my instructions to kuya jun,my driver ,sumakay na ako sa likod ng kotse.

Hindi ko pa rin makalimutan yung babae. Hindi ko alam kung bakit hindi ko sya maialis sa isip ko.

"I want to see her again.I need to see her again. I dont know how. I dont know when. All I know is I want to take the sadness away from her eyes. I want to make her smile. "

______________________________________

Author's note

Naiinis ako bakit hindi ko makita yung part 1 ng story ko. Ang hirap sa cellphone lang kasi ako nagsusulat.

Hindi tuloy ako makausad. Kainis.

I'll try to start the next chapter habang hinahanap ang 1st chapter ng story ko :)

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon