Chapter Fifteen - Letting Go Is Harder Than Moving On ( 'She' Chapter)

57.8K 1.1K 93
                                    

Kurt's POV

"Take your eyes off me, dumb*ass dorks." 

Bigla akong nagising mula sa malalim na pag-iisip nang narinig kong nagsalita ang taong iniisip ko. Pati yung ibang kanina ay nakatigin sakanya ay parang nagulat din sa biglaang bantang binitawan niya.

"I said, take your eyes OFF me. Or do you want me to pull them out one by one to make it more effective?"

Dahil nga natahimik ang lahat , rinig sa buong arena ang boses niya. 

Ako lang ba? O talagang nakakapanindig balahibo ang boses niya? Kung mukha siyang anghel pumasok kanina, ewan ko nalang kung ano siya ngayong nagsalita siya. Inuutusan niya lang naman ang mahigit isang daang gangsters, nang walang pakungdangan o tila walang paki kung anong magiging resulta ng mga salitang binibitawan niya.

"Hey, are you the organnizer of this thing? The hell are you doing?! You can start doing your job now?" Sarkastiko pa niyang sabi dun sa organizer.

"A-and now, uhm.. Let's get back to business! Good evening to all of this year's tournament contestants! We all know na lahat tayo ay matagal na inabangan ang isa nanamang chance sa isang gang na mapatunayang sila ang strongest, bravest at undefeated group of fighters in this event." Panimula ng organizer.

"I am Sylvia and I will be with all of you upto the grandfinals." Nagpakilala siya, so Sylvia huh? Nasaan naman kaya yung dating organizer dito last year? Kung tama ang naaalala ko ang pangalan nun ay Amanda. 

Pero hindi na siguro iyon importante. Psh. =___=

Naghiyawan ang lahat, excited sa gaganaping patimpalak. Marahil nakalimutan na ang babaeng kanina'y pinagkaguluhan ng kanilang mga titig. Pero ako hindi, sakanya parin nakatuon ang atensyon ko.

Gray eyes, ang buong akala ko ay patatahimikin mo na ako.  Pero hindi ko inakalang hanggang dito sa ikalawang mundo ko'y guguluhin mo ako.

Athena: The Goddess of ViolenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon