Chapter Forty Six - The Eye

22.6K 431 37
                                    

Athena's POV

Kaagad akong napatingin sa likod ko matapos kong maramdaman na halos madaplisan na ako ng balang pumutok mula sa baril na hawak ni Jed. Pagkatalikod ko, doon ko nakita ang isang lalaking ni minsan sa buhay ko ay hindi ko pa nakita.

"They found us." Narinig kong sabi ni Jed.

Hindi ko alam kung dapat bang marinig ko iyong sinabi niya. Dahil nang magtanong ako kung sino iyon, "Who found us?"

"W-wala. Kailangan mo nang umalis, Athena." Pag-iiwas niya sa tanong ko. Naramdaman ko sa boses niya ang eagerness na mapaalis ako sa lugar na ito. 

Umiling ako, "N-no. Sabi mo nahanap nila tayo, hindi kita iiwan ng-"


"Athena, yuko!" Sigaw ni Jed  na kaagad ko namang ginawa. Sa aking pagyuko, isa nanamang pagputok ng baril ang nangibabaw dito sa gubat. 

Napatingin ako sa tinamaan ni Jed, isa nanamang hindi kilalang lalaki ang nakahilata sa damuhan. "S-sino sila?" Nanginginig kong tanong. Ayoko na. Ayoko nang ganito, baka masaktan nanaman si Jed.

Naramdaman kong malapit na sa kinatatayuan ko si Jed, hinila niya ako para mapaharap ako sa kanya. "I'll hold them back. Please, Thene." Biglang naging nagmamakaawa ang mukha niya. "You have to listen. Kailangan mong makaalis ng Pilipinas ng buhay. Do it for me, Thene. Please." Tuloy niya.

Umiling ako, "No."

"Athena, bilis na." Pagpupumilit pa niya kasabay ng pagtutulak sa akin.

"No, Jed. I can't. Ayokong iwan ka dito ng mag-isa. Paano kung mapahamak ka? Paano kung ma-mapatay ka nila?" I asked him, kahit mahirap itanong. 

Tinulak niya ako ulit, this time mas malakas na kaya naman napahakbang ako patalikod. "Kung mamamatay ako, edi mamamatay ako. Just.. Thene. Umalis ka na." Halos wala na siya sa sarili niya habang nakikiusap siya sa akin.

Hindi ko maintindihan. Kung bakit bigla naging ganito na yung mga sinasabi niya sa akin. Kung bakit gusto niya akong makalabas ng Pilipinas ng buhay kahit pa ang sabi niya isa lamang akong 'mission'. Kung totoo ang mga masasakit niyang sinabi, bakit niya to ginagawa? Bakit niya kinakalaban kung sino man ang mga taong nakapalibot sa amin?

Alam kong hindi Eagles ang mga taong iyon. I made sure na walang makakasunod sa akin sa pagbabalik ko dito. So why is he protecting me from them?

I heard footsteps from behind me. Tapos sa side, and then I saw silhouttes sa likod ni Jed. 

"Andito na sila." Maikling sambit ni Jed. Dahan-dahan din niyang binaba yung baril niya.

"S-sino?" Tanong ko kahit pa alam ko na kung ano ang magiging sagot niya.

Hinarap niya ako, bakas sa mukha niya ang galit na hindi ko alam kung ano ang dahilan. "The Eye."

***

Athena: The Goddess of ViolenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon