Chapter Twenty Seven - It's Just Beginning

37.6K 663 68
                                    

A/N: First note ko to sa start ng chapter. KAYA BASAHIN NIYO! Importante tong chap na to. READ BETWEEN THE LINES. Pakaabsorb niyo, okay? Klaro? =) HAPPY READING!

 

Chenoa's POV

 

 

 

"Okay ka na ba?" Tanong ni Blight mula sa tabi ko.

Tumingin lang ako sa bintana, sa labas. Binuksan ko, para naman mahingan ako. Siguro, yung mukha ko sakto sa full moon, mukha akong aswang. Ikaw ba naman magtatakbo sa HH kanina at umiyak ng walang tigil, ano kayang itsura mo?

Kinuha ko yung cellphone ko, "Paige, ikaw na bahala magsabi sakanila, no? Sumama lang bigla pakramdam ko-- I'm okay. I'm on my way home. Ha? Err- sumakay akong taxi. Okay na ako, basta panatag ang loob ko at nanalo tayo, see you." Tanga lang, oo nga pala sumabay ako sakanya papunta sa HH. Binaba ko yung call pagkatapos.

"Sorry..."

"Tantanan mo nga ako sa 'sorry' mo, Blight! Kanina mo pa inuulit-ulit yan!" Sigaw ko sakanya. Sumakay lang ako sa sasakyan niya, hindi ibig sabihin non hindi na ako galit. Sa mga narinig ko kanina? Sa mga pinagsasabi niya? Sa kinilos niya? Sinong hindi magagalit?!

Nagbuntong hininga siya, "Chen, please. Pakinggan mo ako, maniwala ka sa mga sinasabi ko. Lahat yon totoo."

Di ako umimik.

"Alam mo ba kung saan ako nakatira?"

"Syempre."

Hay, ano pa ba aasahan ko? Kung totoong pagkatao ko nga, nadiskubre niya, address ko pa kaya?

Di ulit ako nagsalita, wala akong pakialam kung sobrang awkward silence na ang nagaganap. Wala na rin ata ako sa katinuan katulad nitong lalaking to. Di naman ako sasama sakanya kung hindi lang dahil sa ayaw kong makita yung mga gangmates ko. Parang ang hirap pa kasi e.

Nang biglang may mapansin ako, "H-hoy! Blight! Hindi ito ang daan papunta sa bahay!"

"Relax ka lang, di naman kita sasaktan e."

"Alam ko. Gusto ko nang umwi."

Di na siya nagsalita pa.

Athena's POV

 

Athena: The Goddess of ViolenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon