Chapter Forty Seven - True Love

23.8K 471 174
                                    

Athena’s POV

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig mula kay Mr. Reginald de Castro.

"Why don't you finish your mission na hindi mo magawa-gawa dahil sa lintik na pagmamahal na sinasabi mo?" 

Para bang tumigil ang utak ko sa pag-gana. Wala akong maisip na matino. Wala akong ibang nagawa kung hindi tignan ang mag-ama na kasalukuyang magkaharap sa harapan ko.

“Dad, please. Enough.” Pakiusap ulit ni Jed. Hindi ito humakbang para kunin ang baril mula sa ama niya.

Mahinang tumawa si Mr. Reginald, tapos ay lumakas ito ng lumakas. “Ang hina mo!” Biglang sigaw niya. “Yan ba ang pinanghahawakan mo? Ha?! Yang lintik na pagmamahal na yan?! Mahal mo to?! Mahal mo yung apo ng taong pumatay sa lolo mo?!” Galit na galit niyang tanong kay Jed.

“Dad, walang kinalaman sina Athena sa pagkamatay ni Lolo. Pinatay niya ang sarili niya, walang ibang may gusto ng nangyari kung hindi siya. Kaya parang awa mo na, itigil mo na to.”

Nagulat ako ng biglang itaas ni Mr. Reginald ang kamay niya, at isinampal sa anak niya ang hawakan ng baril. Napatayo ako kaagad, “Dyan ka lang!” Pero napatigil nang muli niyang itutok sa akin ang baril.

“J-Jed.” Sambit ko.

“Ipinagkatiwala ko sayo ang simpleng bagay na ito, dahil anak kita. Pero tulad ka rin pala ng nanay mong walang kwenta! Mga walang silbi!” Galit niya ulit na sigaw at nagsimula nanaman siyang maglakad-lakad sa kwarto, pero nanatiling nakatutok sa akin ang baril na hawak niya. “Simpleng bagay lang, hindi mo pa nagawa. Isa kang inutil!”


Nakita kong sinusubukang tumayo ni Jed, pero hirap siya. Pinunasan niya yung kanang pisngi niya na nagdurugo. Bakas sa mukha at kilos niya na nasasaktan siya sa simpleng pagtayo pa lang. Nakatayo siya sandali pero muli nanaman siyang napaupo at napahawak sa kanyang ulo. Alam kong masakit pa rin ang ulo niya dahil sa ginawa ng ama niya.

“Nagawa mo pang magpakita sa akin, pagkatapos ng pagtataksil mo?!” Sumbat sa kanya ng tatay niya.

Napakunot ang noo ko, “Pagtataksil?” Bulong ko lamang sa sarili ko.

“Oo, Ms. Athena. Pinagtaksilan ako ng sarili kong anak para sayo. Nagawa niyang suwayin ang mga utos ko nang dahil lang sayo.” Sagot niya, na ikinagulat ko. Hindi ko kasi inaasahan na maririnig pala niya yung sinabi ko. 

"Mga kabataan nga naman. Mapupusok na talaga sa pag-ibig." Nakangiting sabi niya. Ilang segundo lamang ang nakalipas, bigla nanaman siyang napasimangot. "Nakita ko rin iyan sa ama ko noon." Biglang pagbabago nanaman niya ng tono. "Minahal niya ng lubos si Georgia. Tiniis niya lahat ng mga panahon na kinuha siya mula sa kanya ng walang kwenta mong Lolo nang dahil lamang sa may pera ang pamilya niya! Ginawa niya ang lahat para mapalapit sa kanya. Naging masaya silai ulit..."

Athena: The Goddess of ViolenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon