Chapter Forty Two - A Favor and a Choice

23K 457 79
                                    

Third Person’s POV

Lahat tayo may dinaranas na pasanin sa buhay. At yung pasanin na iyon, maaaring maging magaan at pwede rin namang mabigat. Siguro nasa pananaw nalang iyon ng tao kung papaano siya ituturing. Doon. Doon siguro nahihirapan si Athena. Sa pananaw.

Hindi niya alam kung papaano niya dapat na harapin ang katotohanan. Kung ituturing ba niya itong bagay na makabubuti o makasasama. Ni minsan ay hindi niya inakalang mangyayari sakanya ang ganitong bahay. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na makakaranas siya ng ganito. Marahil dati, akala niya naloko na siya. Pero sa mga bago niyang nalaman, hindi na siguro sapat ang salitang ‘naloko’ para doon. 

Para sakanya, hindi siya naloko…. nagkamali siya.

Wala siyang ibang sinisisi kung hindi ang sarili niya. Siya ang nagpaloko, siya ang humusga, at siya ang namili. Siya, sa paniniwala niya, ang may kasalanan ng lahat.

Athena’s POV

It’s been two days since the big revelation. 

Two days pagkatapos ng pinakamasakit na araw ng buhay ko. Pero kahit dalawang araw na ang lumipas, hindi ibig sabihin non ay nababawasan na ang sakit. Hindi. Kahit konti ni hindi man lang ito nabawasan. Hindi ko na alam ang gagawin, kaya hindi ako lumalabas ng kwarto. Halos hindi ko narin kainin ang mga pagkaing dinadala saakin nina Cynthia at Thea. Ni hindi ko nga silang magawang kausapin o harapin man lang. Nahihiya parin ako sakanila. Hindi rin bumisita si Lolo o si Kurt. Mabuti narin siguro iyon. Hindi ko pa rin kasi alam kung papaano ihahandle ang sitwasyong hinaharap ko sa ngayon.

Narinig kong may kumatok sa pintuan at kasunod nito ang pagbukas nito, pero hindi ko tinignan kung sino yung pumasok. Hindi rin ako bumangon. Nakahiga lang ako at nakaharap sa bintana, opposite the door.

“Athena.”

I know that voice. Kahit hindi kami naging close masyado, kilala ko ang boses ni Paige.

“Pasensya ka na kung iniistorbo kita, gusto ko lang makita kung ano nang kalagayan mo.” Mahina niyang sabi.

Hindi ako sumagot, hindi ko rin siya nilingon. What would I say, kung sasagot man ako? I have no idea.

Bahagya siyang tumawa, “Pareho kayo ni Kurt.”

Tumigil ang pagtibok ng puso ko sa narinig. Bahagya rin sigurong nanlaki ang mga mata ko. “G-galit ba siya sakin?” I dreadfully asked. This is a question that has been bothering me for a while now. Yung kinilos kasi ni Kurt before ko kinulong yung sarili ko, hindi ko maintindihan.

“Nope. It’s the opposite actually. Galit siya sa sarili niya.” Mungkahi ni Paige. Bago ko pa matanong kung ano ang ibig sabihin niya, “Galit siya kasi hindi niya magawang pumasok ng kwarto mo kahit alalang-alala na siya sayo.” Dagdag niya. Mahigpit niyang isinasara ang mga labi niya sa tuwing pagkatapos niyang magsalita. Yung para bang nagpipigil siya na may masabing iba pa.

Athena: The Goddess of ViolenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon