Epilogue

22.4K 384 183
                                    

Sa tana ng buhay ni Kurt, ni minsan ay hindi siya naging perfectionist. Kadalasan, kung ano lang ang nandyan, okay na yun sa kanya. Kung ano ang gusto ng tropa niya, go with the flow nalang. He never really understood why effort is such an important thing for some people.

But everything changed nung nakilala niya and isang napakagulong babae.

Isang babaeng nagdisguise, nagpalit ng anyo, nagpanggap bilang ibang tao. Not really the kind of woman he had in mind, na mamahalin niya. But he did.

Nahulog siya, isang matinding pagkahulog.

He grew up never understanding the word "second", kasi una siya sa lahat ng bagay. Siya ang pinakagwapo, siya ang pinakamayaman, siya ang pinakasikat, siya pa ang panganay at nag-iisang anak sa pamilya nila. Pero gaya nga ng ibang paniniwala niya sa buhay, nabago ang lahat ng makilala niya si Athena Crissanta Ertude.

Naging balewala siya, na-echapwera siya, sa unang pagkakataon naging walang kwenta ang yaman at kasikatan niya. Sa unang pagkakataon, pakiramdam niya ang pangit niya. Sa unang pagkakataon, naging pangalawa siya. Pangalawa sa puso niya.

Hindi siya mabait, kung tutuusin, saksakan siya ng kapilyuhan at kasamaan sa sistema niya. Hindi siya nagpapatalo, hindi siya mapagpakumbaba, hindi siya maloko, hindi siya mapagbigay. Pero nang makilala niy si Athena, para bang nalinis ang katauhan niya. Natuto siyang magbigay, natuto siyang magsakripisyo, natuto siyang unahin ang kasiyahan ng ibang tao bago ang kanya.

Marahil ay walang nakakaalam kung gaano kalaki ang impact na dala ng pagdating ni Athena sa buhay niya. Marahil siya lang ang nakakaintindi kung bakit sa kabila ng maraming rejections mula sa dalaga, mahigpit parin ang kapit niya. Marahil walang nagaakalang kahit gaano kagulo ang dalaga, intinding-intindi niya ang sitwasyon at mga desisyon nito. Alam niya sa sarili niyang tingin ng iba sa kanya ay nagpapakatanga na siya, pero para sa kanya ang tawag sa ginawa niya ay paghihintay.

Paghihintay sa tamang oras, paghihintay sa tamang panahon, at paghihintay sa tamang pagmamahal.

"Love."

Mabilis pa sa kisapmata ang pagtingin ni Kurt sa pinagmulan ng isang napakagandang tinig. At kahit ilang beses na niyang nasilayan ang mukha ng dalaga, hinding-hindi siya nasasanay sa kagandahan nito. "Love." Tawag niya dito.

Love.

Pagkatapos ng ilang taon, pagkatapos ng napakaraming pagsubok, eto na sila. Konti nalang, malapit na.

"Kinakabahan ako." Mahinang sabi ni Athena sa kanya.

Kumunot ang noo ni Kurt, at inatake siya ng napakatinding pag-aalala. "Ha? Bakit? Okay ka lang ba?"

Bahagyang napangiti si Athena sa inasta ng kasintahan, "Bukas na no? Parang kahapon lang nung um-oo ako. Natatakot ako... natatakot ako na baka marealize mo na hindi naman ako karapat-dapat, natatakot ako na baka mag-sink in na sayo na-"

Niyakap niya ito ng mahigpit, "Baliw ka talaga. Sa tingin mo ba papakawalan ko ang isang Athena Crissanta Ertude? Ako na isang hamak na Kurt Carter lang?" Biro niya. Subalit sa kabila ng pagbibirong ito, totoo ang mga sinabi niya. Para sakanya, tiyak at sigurado na siya kay Athena, at wala nang makakapagpabago ng isip niya.

Kahit ano pang sabihin ng iba, alam niyang deserving silang dalawa sa isa't isa. Pareho silang nasaktan, nagparaya, naguluhan at nahirapan, pero sa huli nanaig parin yung pagmamahal nila para sa isa't isa. Marami man ang magduda, marami man ang hindi sumang-ayon, para sa kanila, ito na talaga. Ito na.

"Ertude pa nga ba? Hindi ba magiging Carter na?"

Corny mang pakinggan, hindi niya ikinakailang kinikilig siya.

Athena: The Goddess of ViolenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon