Chapter Thirty Eight - ABDUCTED Part I

23.4K 399 42
                                    

READ AUTHO’S NOTE SA HULI BAGO MAGPROCEED SA NEXT CHAPTER PLEASE PLEASE PLEASE

 

Athena’s POV

 

He’s been ignoring me for two days now.

Tinawagan ko siya, exactly 120 times. Tinext ko with 50 messages, sinubukan ko ding abutin yung mga online accounts niya pero wala akong nakuhang sagot. He’s completely ignoring me, and I don’t f*cking now what I’ve done, kung bakit niya ako iniiwasan. Ni hindi ko man lang alam kung galit ba siya o ano.

Monday na ngayon. Medyo nalate ako ng ten minutes because I was waiting for him na sunduin ko like he always do, pero walang Jed ang dumating sa bahay. Dati maaga kaming pumapasok, dati wala pang tao nandito na kami at dati sabay kaming pumasok. Pero ngayong araw na ito, driver ang naghatid sakin. Hindi ako galit. Naiinis lang at kinakabahan, kasi baka may ginawa akong mali. Medyo naiinis din ako ngayon, kasi lahat sila nakatingin saakin.

The moment I stepped inside the school, andun nanaman ang mga tingin nila.  Yung tipong nararamdaman mo talaga na nakatingin sila lalo pa siguro silang nagtataka kung bakit ako mag-isa, parang ngang ramdam ko na yung ga mata nila sa balat ko e. Wala na akong pakialam, siguro last week naaapektuhan ako sa mga tingin nila. Pero this time, hindi na.

But I spoke too soon.

Nasa pintuan pa ako ng hallway nang maramdaman kong may bumunggo saakin sa likod ko. Hindi na ako nagkaroon ng oras na makapagreact pa sa sandaling makilala ko kung sino yon.

“Jed!” Tawag ko sakanya, sinubukan kong abutin yung braso niya pero mabilis siyang naglakad palayo. That moment, agad kong naramdaman yung cloudiness sa tyan ko. Lalo na nung tinignan ko siya na naglalakad palayo, halo-halo yung nararamdaman ko na gulat, pagtataka at konting sakit. Tapos nawala na siya sa paningin ko, ang natira na lamang ay ang mga tingin nanaman ng mga tao sa hallway. May mga nagtataka, naiinis, natutuwa at iba pa.

Ano bang nangyayari?

Third Person’s POV

Kung dati rati’y linalabag ni Jed ang rules at pilit siyang nagii-stay sa section ni Athena, ngayon ay bumalik na ito sa section niya. Dati’y sinasamahan niya si Thene dahil alam nitong wala itong kausap doon, hindi parin kasi nagkakabatian sina Cynthia, Thea at Athena. Pero hinayaan niya iyon at iniwang mag-isa ang kasintahan niya.

Hindi na nakapag-contentrate si Athena sa diskusyon at hindi narin ito nagsulat ng kahit anong notes mula sa lecture. Lumilipad ang utak nito kaiisip kung anong nagawa niya o kung anong ibig sabihin ng inaasta ni Jed. Hindi rin niya alam kung naiinis ba ito o nasasaktan sa mga ginagawa ng binata. Hindi na napapansin ng dalaga ang tingin ng kanyang dalawang kaibigang sina Cyn at Thea. Mula pa nang tumapak si Athena sa eskwelahan ng walang kasama, nagtataka na ang mga ito agad na inisip na tama ang kanilang mga hinala at mga sinabi noong nag-away silang magkakaibigan.

Nang tumunog ang bell, wala sa sarili na tumayo si Athena at tumungo sa canteen. Pagdating niya sa loob, tulad ng kanyang inaasahan ay wala si Jed sa dating nilang inuupuan kaya naman mag-isa itong umupo doon at nagcellphone. Wala kasi itong ganang kumain, palilipasin na lamang niya ang oras niya ng pakikinig ng music at paglalaro ng mga apps sa kanyang phone.

Athena: The Goddess of ViolenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon