Chapter Twenty Eight: Athena is Vio

33.6K 726 74
                                    

Athena's POV

 

Funny. Funny how something can change in a short period of time. Pananalita ko, nagbago. Behavior ko, nagbago. Attitude ko, nagbago. Personality ko, nagbago. Ako, nagbago. Kami ni Kurt, nagabago--nawala. Nakakatawa nalang, kesa sabihin ko ang sakit. Nakakatawa kasi ganito naman talaga yung buhay e. Hindi ako dapat masaktan, hindi ako dapat paapekto, bakit? Kasi mas madilim yung naging kahapon ko bago pa mangyari to. Mas sobra akong nasaktan sa nangyari sa buhay ko noon bago pa siya dumating at umalis.

Nakakainis kasi e. Sana sinaktan nalang ako nung matatag pa ako. Sana niloko ako nung tigasin pa ako. Sana sinaktan ako nung wala akong pakialam sa sakit.

Pero siguro, tadhana narin ang may gusto nito. Yung ibalik ko yung focus ko sa paghihiganti ko. Ang tanga ko kasi e. Naging selfish ako. Naging priority ko pa ata yung pagiging gangster at pagmamahal kesa sa paghahanap ng hustisya para sa mga magulang ko. Inuna ko pa yung sarili ko bago sila. Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko.

Inabot ni Jed saakin yung tubig na kinuha niya mula sa kitchen.

"Thene, ano bang nangyari?"

Uminom ako, "Jed, naaalala mo yung kwento ko sayo tungkol sa lalaking gusto ko. Yung sa e-mail?"

Di ko alam kung guni-guni ko yon but, I sawJed clenched his jaws tighter, flicker of anger shown in his eyes.. Bakit kaya?

He cleared his throat, "Ah, yung ayaw mong sabihin yung pangalan? Sineryoso mo siya?"

"O-oo..."

Tumango siya, "O? Napano siya?"

"Si-siya si K-Kurt. Kurt Carter." Amin ko sakanya. Di ko alam kung alam niya o inasahan na niyang siya yon, pero natulala lang siya sa sahig ng matagal at napakuyom yung mga kamay niya.

"Sinaktan ka ba niya? Anong nangyari?" Timpi niyang tanong.

Umiling ako, "Ako ang tumapos. Jed, myembro siya ng mga Ravens!" Para siguro kong tanga sa pagkakasabi ko, kasi pumiyok ako. Pero di naman ata halata. At kung halata iyon, wala na akong pakialam.

"Nakita ko yung tattoo na katulad ng sa mga nakita natin noon sa may baba ng colarbone niya. Kailan lang daw niya yun nakuha kaya hindi ko agad napansin." Dagdag ko nang napansin kong hindi siya nagsalita.

Agad siyang napatingin sakin. "Pano mo nakita e nasa baba pala ng colarbone?"

"U-uh..Uhm." Ngayon ko lang naisip. Ang awkward pala. Alangan namang sabihin kong nakatopless siya? Oo, sa harap ko pa grabe lang. Ganon na pala ako kakomportable sakanya, hindi ko man lang namamalayan.

Nagbuntong hininga siya, "Sige, wag mo nalang sagutin. Alam ko namang hindi kayo lumagpas sa limit kaya-"

Athena: The Goddess of ViolenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon