Chapter 16

1.5K 26 7
                                    

* CASSIE'S POV *

"Ch-Christian." Ang tanging nasabi ko. Yung puso ko parang sasabog na sa sobrang bilis ng tibok nito.

Pwedeng magpalamon nalang ako ngayon sa lupa? Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito.

"Sorry if I'm interrupting something." Sabi ni Christian ng nakangiti. I can't figure it out kung fake ba yun or a sincere one.

"Ah..ano..hindi ano.." Lecheng dila to, ayaw magbigka ng mga salita.

H E L P!

"Congratulations pala." Pagbabasag ni Aaron sa katahimikan.

Yumuko ako and closed my eyes. Ano nga ba ang dapat kong gawin? SAGUTIN NIYO KO!

"Salamat. Nice game." Christian lend out his hand and Aaron shake it. "My pupuntahan pala kayo." Christian said while smiling....still.

"Sana pero parang my pupuntahan si Cass eh." Sagot ni Aaron. "Meron mga ba?" Tiningnan ako ni Aaron and Christian. I feel like a dumb-as* na nakanganga na hindi man lang alam kung ano ang dapat isagot sa tanong niya. Hindi ko makita kahit maliit na tuldok man lang na dahilan kung bakit ginagawa to ni Aaron. Binabawi ko na lahat ng magagandang akala ko sa kanya.

I feel like I'm betraying someone kahit wala naman. I feel like I'm being held back by the thought na meron akong boyfriend na tinataksilan kahit wala naman. I feel like I'm being stringed to someone kahit na in the real world, wala naman. Yung yung nasa isip ko sa tuwing tinitingnan ko si Christian.

And now, I'm staring at Aaron and I don't know what to say. Ang OA ko ba? Parang Yan kasi yung gusto ni Aaron na maramdaman ko.

"You know what, uuwi nalang pala ako. Mas kailangan kasi ako ng kaibigan ko ngayon. My emergency kasi kila Natalie kaya nauna na sila." Sinabi ko yun habang nakatingin kay Christian. "And you two, alam kong pagod kayo.... So.... Better go home or Chris, join the celebration of you team."

"But..." Sagot pa sana ni Christian. "You sure?" Tanong niya sakin.

I nod.

"Hatid na kita." Sagot ni Aaron and I stared at him na nakataas ang kilay.

"No, no, no, Thank you, pero my sasakyan naman ako." I said calmly.

Alam kong sinasabi niyo na ang haba-haba ng buhok ko at sa mga fiction stories lang mararanasan ang storyang to pero pag andito na kayo sa ganitong sitwasyon, babawiin niyo lahat yang sinabi mo.

"Hatid nalang kita sa kotse mo." Pag offer ni Christian.

"Sige na pre, ako nalang maghahatid."

I rolled my eyes.

"JEEZ PLEASE...." I said it out loud. "Do I look like I can't walk alone?" Nagtinginan naman silang dalawa and hindi ko alam kung parang my giyera ba sa kanilang mga mata o na malik-mata lang ako.

"By the way Cass," parang gusto kong magpa piyesta dahil CASS ang tawag sakin ni Aaron ngayong araw na to. "Kelangan ko ng tulong sa Phar Chem bukas."

"Library. After class." Tanging sagot ko.

"Alis na ako. Christian... Aaron, ingat pauwi." Tumango naman silang dalawa.

Tumalikod na ako at nag-umpisa nang maglakad papunta kay Pinky nang...

"I'll tell Nica na I found you, finally." Napatigil ako sa paglalakad. Nilingon ko siya at ngumiti. My finally nga ba sa dulo ng sinabi niya o bulong lang siguro yun ng mga hindi makitang nilalang na umaaligid sa tabi ko? Tsk ano ba yang mga sinasabi at naririnig ko.

Pero takte lang! Finally?! Ariel happened to me!! Hinahanap niya ko?

"Pakitanong sa kanya kung ilang beses na ba niya pinanuod yung The Hunger Games." Tumawa naman si Christian.

"Oo ba."

"Sige na aalis na ako. Ba-bye." Tiningnan ko si Christian tapos si Aaron na poker face na naman. Problema nun? Ugh!

Sumakay na ako sa kotse and napasandal nalang ako sa manobela tsaka huminga ng maluwag. Yung feeling na parang nakaligtas ka sa isang pumutok na bulkan at hinahabol ka ng lava. Yes, I sound weird pero yun yung nararamdaman ko ngayon. It's great to finally escape from an awarding awkward moment.

This is supposed to be a nice day or hindi nga naman talaga. I'm happy to finally see my one and only crush. Pero parang my bakod na nakatindig sa pagitan namin at hindi ko alam kung paano gibain yun. Alam ko ngayon lang kami nagkita ulit pero crush ko lang naman siya kingina bakit ang drama drama ko.

And what's wrong with Aaron? Can't he see I'm not like your his other girls? I'm way too different.

Dear Diary,

Pagsabihan mo nga yang si Kupido na mag resign na. Hindi na straight kung pumana eh. O pagsabihan mo rin ang "Destiny" na magpa tutor muna, hindi marunong tumyming eh. This is such a weird day. Please, sana bukas gumanda na ang life ko, I mean lovelife. Ang one and only crush ko, nakita ko na ulit. Hindi naman maganda ang mga sumunod na nangyari. -____- Haaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy. Napahaba ng buntong hininga ko. Kasing haba ng salitang "saaaaaayyyyyaaaaaaaaaaaang" yung moment namin ni crush.

- Sige Diary. See yah next time. Laters XD

Ms. Heartbreaker V.S. Mr. Casanova (Still editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon