Chapter 4

2.1K 31 1
                                    

"Ang ingay."

Sino yun? Pag dilat ko, may nakita akong lalaking bumangon mula sa likod ng malaking puno pero hindi ko makita ang hitsura niya dahil nakasuot siya ng hoodie. Pero teka? ENGKANTO BA YUN?! TKABALANG? MASAMANG NILALANG? BAT ANDUN SIYA SA LIKOD NG PUNO?

Saka ko nalang nakita na nakasuot siya ng slocks nang uniporme nang school namin so ibig sabihin tao siya. Medyo nakahinga ako ng maluwag.

"Bitawan mo nga yan." sabi niya sa manyak na lalaking to na may halong annoyance sa tono niya.

"Lumayo ka kung ayaw mong madamay." Anak ng putris naman to oh. Ayaw talaga akong bitawan.

"Isa." sabi nung lalaking naka hoodie.

"Dalawa." nakakatakot na talaga siya. Kung ako sa lalaking manyak na to eh tatakbo na ako hangga't my oras pa.

"Hindi mo ko matatakot diyan sa pag bibilang mo."

Tumawa nang mahina si Mr. Hoodie pero nakakatakot yung tawa niya. Parang engkanto lang.

"Tatlo."

Napapikit nalang ako sa di malamang dahilan at nagulat ako nang biglang my humablot ng kamay ng manyak na lalaki....

Pagdilat ko....

Hinila niya, Sinuntok at sinipa si Mr. Manyak. Wala rin palang laban ang pesteng manyak na yun eh. Buti na lang eh tumakbo na ang manyak na yun. Halata namang hindi niya kaya si Tagapagtanggol ko. Hayyyy..... thanks to this Mr. Savior ko.

Nakatalikod siya at ibinaba ang kanyang hoodie. Siyempre di ko pa rin makita ang mukha niya.

I was about to come near him nung  tumambad sa mukha ko ang itsura ng Mr. Sav~~ NO!!

He’s not my savior!!

HE'S MR. GAY!!!!!

“Hello Darling." Sabi niya and I regret it for thinking that he's my savior.

"Psh!" tanging sagot ko.

"Nakakaistorbo ka sa pagtulog ng ibang tao. Wanna thank me now?” Istorbo sa pagtulog? Oo nga. Bakit dun siya natutulog sa likod ng malaking puno? My lahing engkanto rin to eh noh?

Ms. Heartbreaker V.S. Mr. Casanova (Still editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon