Chapter 18

1.5K 25 2
                                    

* CASSANDRA'S POV *

"HAAAYYYYY."

"Anong hina-haaay haaay mo diyan? Parang pasan natin ang mundo ah?" Sabi ni Hillary sabay dakdak ng mga chocolates na nakatungtong sa ibabaw ng locker ko.

"Wala. Parang nararamdaman ko lang kasi na hindi magiging maganda ang araw ko ngayon" sabi ko habang kumukuha ng mga libro para sa next class ko.

"Casseng!" Nakita namin si Natalie na tumatakbo papunta samin. "Hi Hillary Duff." Dugtong pa niya nang nasa harapan na namin siya. Hinihingal ang bruha pero binatukan siya ni Hillary. "Aray naman. Kung makabatok parang close tayo."

"Isa pa gusto mo?" Dagdag naman ni Hillary.

Tong dalawang 'to, kahit kailan talaga.

"Hyper natin ah?" Tanong ko kay Natalie dahil parang wala lang nangyari kahapon ah. Nung tumawag ako kahapon pag-uwi ko kakagaling lang nun sa iyak at parang ang lungkot ng boses. Pero tingnan mo ngayon, parang naka hithit lang eh.

"Mag thank you ka sakin." Sabi ni Natalie sakin habang nakapamewang kaya nagtinginan kaming dalawa ni Hillary.

"At bakit, aber?" Tanong ko nang nakataas ang kilay.

"Ah basta mag thank you ka. Dali na, bruha!" Sabay hampas sa balikat ko.

"Anong nakain mo?" Tanong ko dahil ang aga-aga ang weirdo na niya.

"Casseng naman! Mag thank you kana sakin. Wag ka nang magtanong, malalaman mo rin naman." Sabi ni Natalie sabay bukas ng locker niya.

"Nat, okay ka lang ba? More like, okay kana ba?" Tanong ko dahil parang sinapi'an siya ng maligno.

"Tsss." Sabi niya sabay irap. "Nevermind na nga lang." Sinara niya ang locker niya. "Okay na 'ko. Pero my mom and dad are still not, though. Pero tsk, magbabati rin yun. Ewan lang kung kelan."

Nginiti'an niya kami ni Hillary kaya nagtinginan nalang kami ni Hill na para bang my nakain siya at parang ang ganda na ng umaga niya.

"Eh ikaw! Anong nangyari kahapon? Di mo man lang ba kami ke-kwentohan?" Tanong niya sabay bunggo sa balikat ko. "Haaay Casseng! Hindi mo alam kung ilang babae ang nag pa-planong ipapatay ka ngayon. Di ka ba natatakot?"

"Tofu naman Nat. Bat ka nananakot? Tsaka pag-alis niyo kahapon puro kamalasan nalang ang nangyari. Umuwi na 'ko agad kahapon."

Nakatingin lang sila sakin na para bang hindi kapani-paniwala ang mga sinasabi ko.

"Hindi kayo nag friendly date ni Christian?" Tanong ni Hillary.

"Walang date-date kahapon. Umuwi nga ako agad diba?" Oo nga. Walang date kahapon. Friendly date lang naman sana. Alam niyo naman siguro kung gaano lumundag sa saya ang puso niyo kapag crush mo na ang nagyayang mag "friendly" date kayo. Pero the sad part is, wala ngang date na nangyari diba?

"Pero naman Casseng, ang alam kasi ng school kayo ni Aaron. Eh paano nalang yan pag my nakakita sainyong nag de-date ng Team Captain ng ibang school? Parang ang landi ng image mo nyan." Paalala sakin ni Hillary with matching concerned face.

"Alam naman siguro nila na isa lang ako sa mga pinag ti-tripan ni Aaron. Like duh? Ang dami niyang babae magugulat pa ba sila? Magulat sila pag isa nalang ang babae niya instead na isang daan. At pfffft... Siya lang ba ang pwedeng mambabae? Edi parang kami pero maraming extra." I said it with a smirk. Totoo naman ah. Alam naman siguro nang lahat kung gaano ka babaedor si Aaron. Alam naman siguro nilang hindi totoo ang kung ano man ang sinabi ng ugok na yun na kami daw. Pwe.

Ms. Heartbreaker V.S. Mr. Casanova (Still editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon