Chapter 22

1.3K 19 4
                                    

* CHRISTIAN’S POV *

 

 

“Cass, dun tayo.” Sabay lakad papuntang ibabaw ng cinehan. Sa may gitnang bahagi. Favorite spot ko dun ehh. Ang ganda kasi ng view.

Umupo na kami bitbit ang aming popcorn at iced tea. Take note: Large na popcorn pati Iced tea. Takaw kaya nitong kasama ko. HAHAH, Lakas kumain.

Sisterakas pala papanoorin namin. Rinig ko kasi masaya yun ehh.

“Chris, alam mo ba kung ano ang libangan namin dito pag nanood ng cine?” tanong ni Cass.

“Ano?” Hhmmmm?

“Nagbabantay ng mga nag p-PDA. Tapos tatawanan - - - ng malakas. Yan lagi ginagawa namin nila Hill at Nat ehh. Saya kaya.”

“Chismosa ka ahh?”

“Oi di kaya. Bakit? di mo ba ginagawa yun?”

“Yung alin? Yung nagmamasid o yung nag p-PDA?” sabi ko sabay taas ng isang kilay.

“Sira! Yung nagmamasid.” Bigla naman siya umiwas ng tingin.

Hala. Ang tanga ko talaga. Edi naging awkward.

“Uy biro lang. Kaw naman! Siyempre hindi ko yun ginagawa. Yung mga nag p-PDA kasi niyan sa dilim eh - - - no comment. Pabayaan mo nalang sila, total, this is a democratic country.”

“Whe? KJ mo!”

“Uy di kaya. Sarap ko kaya kasama.”

“Kala mo lang yun.” Hala, nagalit ba to? Tanga ko talaga!

“O sige. Maghanap tayo dito ng mga nag p-PDA.” Sabay ngiti sa kanya ^___^

“Talaga?? O sige na. Masaya kana kasama.” Hahaha, hyper talaga nito.

“Paunahan ng hanap ha.” Dagdag pa niya.

Ayun, libot-libot ng tingin sa paligid. SI Cass naman eh parang 360 degree na kung maglibot ang ulo niya. Whaa. Joke lang.

Halatang nag-eenjoy tong kasama ko sa trip namin ngayon ahh.

“Ayun!!” nabigla naman ako ng bigla niya kong sikuhin.

“Nakikita mo yun?” tanong niya sabay turo nung nasa likuran banda.

“Saan?!”

“Ayun o! Talasan mo nga nyang mata mo.”

“Oo, nakita ko na.”

“Yaak. Bat di nalang sila kumuha ng kwarto. Whaaa! Kadiri.” Sabi ni Cass.

“Anu na? Tatawa na tayo?” sabi ko.

Ms. Heartbreaker V.S. Mr. Casanova (Still editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon