Chapter 3

2.3K 30 1
                                    

“Oh My Gooliness Colleng! Anong ginawa mo?!”

Or else I’ll kiss you.

Or else I’ll kiss you.

Or else I’ll kiss you.

Or else I’ll kiss you.

 

Darn! Nag e-echo pa sa utak ko ang mga last words niya!! Patahimikin mo ko! Nawawala ako sa katinuan. Sobrang naiinis ako. Gggrrrr! Parang ang sarap sagasaan ang lalaking yun. Nakaka bwisit lang eh noh.

Buti nalang at dumating si Natalie kanina kaya naawat niya kami ni Lebron... Ay Aaron pala. Kung hindi siya dumating kanina eh baka pinag lalamayan niyo na ako ngayon.

Nakaupo lang kami ngayon sa loob ng classroom namin. Waiting for our next professor. Hayyyyyyy. -___-

Ang lalim ng buntong hininga ko noh? Wala naman akong ginawang masama dibah? Pinagtanggol ko lang naman ang babaeng yun. Pero alam ko rin mali na makialam pero mali rin ang ginagawa niya eh.

“CASSANDRA!! Answer me, anong nangyari kanina?!” Okay. Umuusok na ang ilong ni Natalie. Muntik ko nang makalimutan na kinakausap niya pala ako.

 Hinarap ko siya na parang wala lang yun sakin. “Nat, chillax ka pwede? Inaway ko lang naman si---- sino ba yun? Aaron freak?”

“Why?! Bakit??!” Taglish pa talaga magtanong ha.

“Eh ang bastos eh! Nananakit ng babae! Hindi ako papayag na sinasaktan ang lahi natin noh? Wag mong sabihin na kakampihan mo siya kesa sa bestfriend mo?” tinasaan ko lang siya ng kilay.

Sasagot na sana siya nang.....

“She deserves it, Darling. Kaya mind your own business, ok?”

Ai palakang bakla!

O_O

Whaaaaaat??!

Why. is. he. here?

Don’t tell me?

C-classmates kami?!

Noooooooooooooooo!

“Hello Classmate.” sabi ng Aaron na yun with evil smile na kulang nalang eh paliparin ko siya papuntang impyerno.

Ms. Heartbreaker V.S. Mr. Casanova (Still editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon