Chapter 8

1.7K 24 4
                                    

"Okay ka na ba?" Hinimas lang ni Natalie ang likod ko habang tuloy pa rin ako sa pag-iyak sa loob ng banyo.

"Here, drink some water." Inabot sakin ni Hillary ang kanyang water bottle at ininom ko naman yun agad dahil nararamdaman ko nang tumutuyo na ang lalamunan ko.

Kahit na hindi maganda ang amoy ng banyo eh pinag tya-tyagaan na namin. Ayaw pa rin kasing tumigil ng peste kong luha sa pagdaloy.

I kind of regret it na pinatulan ko pa siya kanina. Kung sana tumahimik nalang ako eh di sana virgin pa rin yung bibig ko. Sana kinikilig pa rin ako ngayon dahil sa crush ko kahapon. Pero wala na eh, nangyari na ang nangyari. Walang rewind ang buhay kaya wala na akong magagawa. Kung ano man ang natutunan ko ngayong araw na to ay yun ay ang mag-ingat sa mga sinasabi mo at sa mga taong pagsasabihan mo.

T_T

"Cass, tahan na." Galing rin pala pag umiiyak ako no, tinatawag nila ako sa talagang pangalan ko.

 "He's a bitch! *sob* a slut! A Manyak! A, a, *sob* a first kiss thief! I HATE HIM SOOOO MUCH HILL. Huhuhu." I may sound OA pero try stepping in my own shoes and see what it feels.

 "Yeah, yeah, we know, we know. Sshhhh. Tahan na. Masisira ang poise mo niyan sa kakaiyak mo." Yung mukha ni Natalie eh parang naiiyak na rin kaya pilit kong tumigil sa pag-iyak.

"Sinusumpa ko sa ngalan ni Mirmo, makakaganti rin ako." I mean it. Hindi ko nga lang alam kung paano at kelan pero susubukan ko. 

"Okay. okay. But first, breathe. Inhale." Sinunod ko naman ang sinabi ni Natalie at nag inhale ako. "Exhale." tsaka linabas ko ang masamang hangin. Could this day get any worst? Hindi ko alam kung ilang oras na kami dito sa banyo. Basta ang naaalala ko lang eh natutuyo na ang lalamunan ko sa kakaiyak.

"Tahan na Cass ha. My class na tayo in a few minutes oh." Tumingin si Natalie sa wrist watch niya.  "Mag retouch kana because you look horrible."

Tumingin ako sa salamin and saw myself looking like a beggar. Ang itim ng mata ko, ang gulo-gulo ng buhok ko at ang imba ng ayos ko. Kay bago-bago palang ng ugok na yun dito sa Unibersidad namin pero parang kung sino na siya kung maka asta. Ang kapal talaga! Nakakainis sobra.

"Gusto mo bang makita ka niya na ganyan ang mukha?" Tiningnan ko si Hillary at tsaka umiling. Syempre namn hindi noh. Ano namang pang lalait ang makukuha ko kapag nakita niya akong halos isang balde na ang iniyak. "Ano nalang ang sasabihin ng gagong yun? Weak ka?" My tumulo pang isang luha galing sa kaliwa kong mata at tsaka ako tumayo.

"Sige... sige, mag rer-etouch na ako." Ai anak lang ng nanay niya. Pag nakita ko si Aaron eh baka mapatay ko na siya ng maaga. At kung makita niya rin ako na ganito ang hitsura eh alam kong pagtatawanan niya lang ako kaya kailangan kong maging matatag.

I'm so glad I have my friends. I forced myself na tumigil na sa pag-iyak. Kinuha ko na rin ang mga checheburechen sa bag ko at nag retouch ng kaunti.

"Ready?" tanong sakin ni Natalie sabay hawak sa kamay ko.

"I think so."

"Kaya mo yan." Binuksan ni Hillary ang pinto ng banyo at tsaka lumabas na kami.

Pagka labas namin sa CR nagulat kami sa aming nadatnan....... 

"Cassandra, here are some flowers. Pabayaan mo na yung gag*ng yun."  sabi nung lalaking nasa harapan.

Ms. Heartbreaker V.S. Mr. Casanova (Still editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon