Chapter 5

2K 28 1
                                    

"HILLARYYYYY!!!"

"Nat naman, mukhang my giyera kung makasigaw ka ah." Pagreklamo ni Hillary nang dumating kami. Naghihintay na kasi siya samin kanina pa. Hindi kasi kami sabay ng dismissal.

"Eh kasi naman po, si Aaron....." pagpapatuloy ni Natalie.

Heto na naman ang aking mga kaibigan

-__-

Parang ilang taon na hindi nagkita.

"Ano? Whats with Aaron?" Excited na tanong ni Hillary. Hindi ko nga maintindihan kung bat type nila ang bakulaw na yun eh. Alam naman nila kung ano siya. Alam naman nila kung ano ang ginagawa niya sa mga babae. Bakit kaya?

"Ahmmmm... ang sweeet sweet kasi nila ni Cassie! Kinikilig ako eh." Heto at nadawit na naman ang pangalan ko. Alam niyo yung feeling na, crush siya ng mga bestfriends mo tapos sayo nila tinutukso? Diba ang imba lang?

Sweet ba ang tawag dun? Sweet ba na nag sisigawan kami ni Mr. Gay? Sweet daw kesyo sabay kaming lumabas ng room. Sweet daw na walang humpay ang bangayan namin. Nasan ang hustisya?

Mga kaibigan kong laging ako ang sentro ng usapan. Feeling daw kasi nila tatanda akong dalaga kaya natatakot sila para sakin. Malungkot kasi daw pag tumandang dalaga.

"Casseng! Kinikilig kami sa inyo pero ano ha...." sabi ni Hilllary. Ang bilis ring mag change mood nang babaeng to ha.

"Ano na naman ba?" walang gana kong sagot.

"Mag-ingat ka lang sa kamandag niya. Nakaka lason kasi eh. Baka dumating ang panahon na hindi mo namamalyan, na nahuhulog kana pala sa bitag niya." Napailing nalang ako dahil ang labo nilang dalawa. Tukso ng tukso sakin si Aaron, kinikilig pa daw sila tapos sasabihin nila yun? Eh kung pag untugin ko silang dalawa?

"Ang labo niyo alam niyo ba yun? At ilang ulit ko ba dapat ulitin na hindi ako matatablan ng gayuma niya. My Nullification powers ako noh."

"Huwag kang magsalita ng patapos Colleng." sabi na naman ni Natalie.

"Teka ngah! Ano bang sinasabi niyo? Porket hindi kami nagkakaintindihan ni Aaron eh mahuhulog na agad ako sa kanya? Hulog his face! Never. Hindi pa ako pumapatol sa bakla. Always remember that. Tsaka tigilan niyo na nga yang mga tukso tukso niyo."

"Okay. Relax."

After nang walang humpay na bangayan namin eh nag lunch na kaming tatlo.

"So, san napunta natin ngayon?" tanong ni Hillary samin.

"Tambay na lang tayo sa field. My vacantpa naman tayo ng ilang oras. Bili muna tayo ng pagkain tas mag picnic tayo dun." sabay turo ni Natalie sa open field.

"Great idea. Leggo!!"

Bumili kami ng foods, ako ang bumili ng drinks so I separated ways from them. Naglalakad ako sa cafeteria nang my 3 musketeers na humarang sa daan ko. Oh great. So great.

"Hey Girl!" bati ni Musketeer 1 sakin.

"Don't you dare shout at Aaron again. You understand that?" banta sakin ni Musketeer 2. Woah. Fans club ba niya ang tatlong to?

Ms. Heartbreaker V.S. Mr. Casanova (Still editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon