Chapter 21

6.1K 229 73
                                    

(A/N: Sorry, this is just a very short update. May 30 minutes lang ako now, sorry guys, but Im typing the next chapter. I love you mga lalabs! Grabe, naloloka ako sa mga comment niyo. Haha!)


Sharri's POV


"So, kumusta sa feeling?"

Tiningnan ko lang ito nang masama  at hindi pinansin. Ipinagpatuloy ko ang pagkain. Gusto kong matawa sa kung paano ako lokohin ng tadhana ngayong araw. Why the sudden change of class?

"Ibang klase talaga kapag unexpected ang mga bagay bagay, Crush mo, naging kayo, nagkalabuan, naging classmates, tapos naging seatmates. Ang result, nagiging pipi ang isa riyan," wika pa nito habang pinapapak ang hawak na nova.



Awtomatikong naibaba ko ang kutsarang hawak ko at napabuntong-hininga. "Cha-cha, tigilan mo na ako, please."



Nandito kami ngayon sa canteen at kumakain. Katatapos lang ng huling subject namin for the morning class. At ito na yata ang unang araw ng eskwela na wala akong ibang hiniling kung hindi matapos agad ang araw.




Halos hindi ako makapag-concentrate sa class discussion knowing the fact that, that Mr. Flores is sitting next to me. What I'm feeling having that idea annoys me to the bone, it irritates me, it hurts, it pisses me off, like hell.

"Anong pakiramdam?"
"Cha-cha, nahihirapan ako. Pwede ba-----"


"Hi... Sharri."



Sabay kaming napaangat ni Cha-cha ng tingin sa bagong dating na nakatayo sa harapan namin. Medyo nagulat ako nang mamukhaan ko ang lumapit sa akin. Si Mik, isa sa mga nanliligaw sa akin last year pero hindi ko pinagbigyan. Mik was once a very determined suitor, but his prowess wasn't good enough to get a yes from me. After telling him that what I can offer to him is just a friendship on that prom night, hindi na niya ako muling nilapitan, pakiramdam ko eh mali ang pagkakasabi ko sa kanya before.



"Mik.."


"Pwede makiupo?" tanong nito sa akin. Inilibot ko ang tingin ko sa loob ng pantry dito sa academy. Wala na ngang ibang bakanteng upuan kundi dito sa table namin ni Cha-cha.

"Sige," sagot ko at pilit na ngumiti.

"Okay lang ba?" tanong nito kay Cha-cha. "Okay lang," sagot dito ni Cha-cha.



He's Mik Rivero, from C-star at classmate ni Anne, before.  Pinagmasdan ko ito. Malinis, maganda magdala ng uniform, member 'to ng school's band, gwapo rin. At mabait.


"Kumusta ka na Sharri? Mukha kang malungkot,"  biglang tanong nito sa akin bago sinimulang kainin ang hawak na ham and egg burger.

Masyado ba akong transparent?



"May sakit yan," sagot  dito ni Cha-cha kaya gulat na napatingin ito sa akin.
"May sakit ka?"

Bago pa man ako makapagsalita eh sinagot na ito ni Cha-cha.

"Meron, sa puso."



Mukhang  agad naman nitong nakuha ang sinabi ng kaibigan ko dahil napailing ito at seryosong tumingin sa akin. Maya-maya pa ay ngumiti ito. "Hindi ako makapaniwalang may lalakeng magagawa kang saktan, dahil kung girlfriend kita, hinding hindi ko yun magagawa sa'yo. Malas ko lang at mukhang hindi tayo bagay," wika nito.



Pakiramdam ko eh kinurot ang puso ko nang dahil sa sinabi nito. Kung siya ang naging boyfriend ko, totoo nga kayang hindi niya ako magagawang saktan gaya nang ginawa sa akin ni...



"Mik, I'm sorry," biglang lumabas sa bibig ko.


Ngumiti lang ito. "Don't be. Loving you at the same time not being able to make you as my girlfriend is better than loving you and making you mine and yet you're unhappy. But I hope we can be friends though.."


Napangiti ako. Bakit hindi ko narealize before na sobrang positive pala ng attitude ng isang ito. Dahil siguro sa masyado akong attracted sa walang hiyang iyon.

"Oo naman, we can be friends," I said and then initiated a handshake. Tapos biglang inextend ni Cha-cha ang kamay niya.

Boys do fall in love  ✔️Where stories live. Discover now