Chapter 9

14K 276 56
                                    

Sharri's POV

"Ang tagal mong kumilos.Bilis na kasi."

Napakunot ang mga noo ko nang tila batang nagmamaktol si Cha-cha dito sa harap ko. Nakatayo ako dito sa harapan ng salamin ko sa loob ng kwarto ko habang sinusuklay ang buhok ko.

"Huwag mo akong idaan sa pakunut-kunot mo ng noo. Bilis na kasi. Ang tagal mo." dagdag pa nito.

"Cha-cha, ano ba? Kita ng sinusuklay ko pa ang buhok ko."

"Edi ka naman sanay manuklay ah. Sanay ka nga na kapag basa ang buhok mo, basta mo na lang itatali pataas yan e. Aba naman at biglang ngayon eh pasuklay suklay ka na ng buhok." wika ni Cha-cha.

"Kapal mo ha. Nanunuklay ako ng buhok. Madali na. "

"Ang sabihin mo, nariyan kasi si Gian sa baba kaya nag-aayos ka."

Tiningnan ko ito nang masama. Kung anu-ano kasi ang lumalabas sa bibig. Nakakainis lang.

Tama kayo. Nandito kami sa kwarto at nasa baba sila Gian at ang mga team mates nito. Kagabi kasi, nandito na naman sa bahay ang buong team, at dahil sa sobrang tuwa ni mommy sa mga ito, bigla na lang naisipan ni mommy na itreat kaming lahat ng 2 days Summer Vacation sa isa sa mga resort na pag-aari ng friend ni mommy at ng mommy ni Gian dito sa bansa. tuwang-tuwa naman ang mga baliw na team mates ni Gian pati na itong si Cha-cha, kaya ito kami ngayon, aalis ngayong umaga para pumunta sa resort na iyon. At ang service namin eh ang family van nila gian. And guess what? Si Gian ang magda-drive.

"Kung gusto mo, bumaba ka na. Alam ko naman na nagpapa-cute ka kay Armand eh. Bumaba ka na!" hiyaw ko dito. Naiirita kasi ako sa nakabusangot nitong mukha. Inaasar-asar pa ako.

"Eee. Dalian mo na. Sabay na tayong bumaba. Nandun na sila sa Van eh. hinihintay na tayo. Hindi ka ba excited? Galaw galaw nga jan!"

"Isa pa Cha-cha.Hahampasin na kita."

Itinali ko ang buhok ko paitaas at muling humarap sa salamin. Nakasuot ako ng black jersey short shorts at white v-neck shirt na pang itaas. Nakasuot na man ako ng havainas. Si Cha-cha naman eh nakasuot ng pink dress na knee-length at pink havainas slipper din.

"Sharri namane eh! Dali na! Pinapatagal mo masyado------------"

"OO NA! TARA NA!" hiyaw ko dito para lang tumahimik ito. Bigla naman itong ngumiti at nagpa-cute sa akin. "Baba na! Dali na! Excited ka lang kasing makita ang mga team mates ni Gian eh! Ang landi!" hiyaw ko sabay kuha ng bag ko na pinaglagyan ko ng mga damit na gagamitin ko for 2 days.

Ngumiti naman ito ng mapang-asar. "Suussss ine, ikaw ba e hindi excited na makita si Gian?" pang-aasar nito.

Tinarayan ko lang ito. "Hindi. Excuse me." sabay nilagpasan ko ito at nauna na akong lumabas ng kwarto.

"Hindi daw excited pero kita mo. Nauna pa sa akin lumabas ng kwarto. Wow ha? Indenial maid!"

Ewan. Ang daldal ng babaeng ito!

Boys do fall in love  ✔️Where stories live. Discover now