Chapter 26

10.5K 213 56
                                    

Sharri's POV

Mabilis na lumipas ang mga araw. Okay naman ang lahat. Ako? Okay naman ang mga grades. Si Gail? Well, ayun, nagkakamabutihan na ni Tristan. Si Cha-cha? Magulo pa rin ang utak. Last night, tumambay siya kasama si Hanz. Ang bakla, nakipag-date ata. Pero may kakaiba sa phone niya, yung katext at kaaway niyang "Sungit" ang pangalan sa phone at hindi niya sinasabi saken kung sino iyon.

At kami ni Gian?

Awkward. Kami. Kami talaga. Dahil nagka-ayos na kami. Pero parang this time, parang hindi ako sanay. Classmates kami. Laging sabay pumapasok sa school. Laging sabay umuuwi. Laging sabay sa lahat. At alam na alam na sa buong campus na kami. Kaya pakiramdam ko, nadagdagan ang bilang ng mga babae sa campus na paunti-unti e binubugbog ako sa utak nila. May mga nagme-message saken sa facebook ng kung anu-ano. Nakaka-asar. They call me names, like hello? Would that change the fact that I'm Gian's girl.

At ngayon, kasalukuyan kaming nandirito sa classroom. Pinagmamasdan ko ang lalakeng katabi ko ngayon. Si Gian. Nakayuko ito at busy sa paglalaro sa cellphone nito. Kakaiba ang ugali ng lalakeng ito e. May oras na ang  lambing lambing at ang kulit kulit kapag hindi ko pinapansin. Tapos kapag nasa harap kami ng napakaraming tao, pagkatapos nung araw na naging kami, parang iba siya. Siya yung tipo ng boyfriend na parang isang maling galaw ko, sisitahin ako, tapos kahit kami  na, sinusupladuhan niya ako. Pero kapag kaming dalawa na lang ang magkasama, kakaiba na naman siya.

Gaya kanina, habang papunta kami dito sa school, habang nasa sasakyan kami, hawak hawak niya ang kamay ko at  hindi binibitawan, hindi rin nagsasalita. Samantalang, nung makarating kami dito sa school, inalalayan niya rin ako papasok ng classroom. At nang makarating kami ng room, at nang marinig nito ang ingay ko nang salubungin ako ni Cha-cha at magti-tili ng magti-tili, tinapunan ako nito ng "umayos-ka-sharri-look". And I was like, what's wrong with this  guy? Nakakapagtaka kasi nang maging kami, nag-iba siya. Para siyang sobrang seryoso, ang sarap tampalin sa noo, e.

Well, bago pa lang ang relasyon namin, at nasa stage pa ata kami ng getting to know each other while loving each other. I'm not sure. Nevermind.

Kasalukuyan kaming nadirito dito sa classroom. Katatapos lang ng subject namin nang may dumating na teacher at sabihing lahat daw kami ay pinapapunta ng principal sa function hall. Dahil doon, isa-isang nagsilabasan ang mga classmates ko sa room. Napatingin naman ako sa bandang likuran kung saan nagkukulitan at tumitili ang mag-bestfriend na sina Rona at Jessica habang parehong nakatitig ang mga ito sa laptop ni Jessica. Natatawa ako sa dalawa.

"Let's go?" tanong sa akin ni Cha-cha. Kasabay nitong tumayo si Gail na nakatingin din sa akin. At nang mapatingin ako sa lalakeng nakatayo sa may pintuan eh natawa na lang ako.

"Inaantay ka ata Gail," nakakalokong wika ko nang makita ko si Tristan na nakatayo sa pintuan, nakapamulsa at tila ba inaantay ang kaibigan naming si Gail. Natawa naman si Cha-cha sa sinabi ko. "Hindi mo pa naku-kwento saken ha?" wika ko.

Napangiti lang ito. "Oo na, sasabihin ko mamaya. Tara na kasi," sagot sa akin ni Gail.

"Sure," wika ko. Agad akong tumayo. Nagsimula nang maglakad papalabas ng classroom sina Gail at Cha-cha. Hahakbang na rin sana ako nang may mga kamay na humawak sa kamay ko para pigilan ako sa paglalakad.

"Hindi porke magaling na ang paa mo na kaunti at kaya mo ng maglalakad eh iiwan mo na lang ako," pataray na wika ni Gian sa akin na agad namang tumayo at ibinulsa ang phone at iniwang nakapamulsa ang left hand habang ang right eh nakawah sa isa kong kamay.

Boys do fall in love  ✔️Where stories live. Discover now