Chapter 35 -- Finale

2.8K 83 26
                                    

Sharri's  POV

Tahimik kong pinagmamasdan ang mga kaibigan ko. Sina Cha-cha, Gail, at John Paul. Nandito rin si Tristan. Nandirito sila ngayon sa bahay ko. Nag-aayos at nagm-make up. They all look beautiful and stunning. Hindi marunong mag-make up si Cha-cha  kaya ako na lang ang nag-make up sa kanya. She's cute. Really. At napapansin kong minsan eh hindi maiwasan ni John Paul ang panaka-nakay mapatingin sa kanya.

"Kaya mo naman pala maging tao Charice, kailangan mo nga lang talagang abalahin si Sharri para mangyari iyon. Halos inabot ng dalawang oras si Sharri para ayusin ang mukha mo," pang-aasar dito ni John Paul.

Natawa naman kaming lahat samantalang napasimangot naman si Cha-cha.

"Sus, sabihin mo na lang na nagandahan ka saken. Ang dami mo pang satsat," sagot naman ni Cha-cha.

Bigla naming kunwari'y naubo si JP, "Medyo makapal ang mukha ha. E kung ibalik kita sa dagat?"

So ayun, nagsimula na namang magbangayan ang dalawa.

They came here in pair. Gail and Tristan, John Paul and Cha-cha. I looked at them and they really look all happy. Masaya naman ako na nandirito sila. Pero syempre, may kulang.

Nasanay ako e...

Napabuntong-hininga ako. Sabagay, may mga bagay na dapat kalimutan. May mga bagay na dapat kasanayan. May mga bagay na akala natin laging nariyan pero mawawala rin pala.

Tumalikod ako sa kanila at humarap sa salamin. Natutuwa naman ako sa ball gown na suot ko. Sa iisang couture lang kami kumuha ng mga gowns na masusuot namin. Siguro nga maco-consider na itong barkadang goals kung sana'y kumpleto kami... Pero may kulang.. maraming kulang.

"Sharri, ngumiti ka nga. Every thing is fine.." biglang wika ni Cha-cha nang makitang tahimik ako habang nakamasid sa kanila.  Nakita ko naming seryosong napatitig saken sina JP, Gail at Tristan.

"Mahirap ngumiti kapag nahihirapan ka, at hindi ko dapat itago sainyo iyon."

"Hindi mo naman talaga kailangang itago, kaibigan mo kami. Kahit hindi ka magsalita, kahit ngumti ka, alam naming, alam naming ang totoo," - Gail.

Pakiramdam ko ay gusto na namang bumagsak ng mga luha ko kaya napayuko ako.

"Napakaganda mo ngayong gabi in case na hindi mo alam, huwag ka ng umiyak, masisira lang ang make up mo. Hayaan mong Makita ng lahat kung gaano ka kaganda at hayaan mong may pusong magsisi.."

Napangiti ako sa sinabi ni JP kahit na medyo hindi ko maunawaan ang huling bahagi ng kanyang sinabi.

"Tara na nga, alis na tayo. Kailangan maaga tayo sa function hall. Marami tayong gagawin," wika ni Cha-cha.

"Marami?" tanong ko.

"Oo, may mga bagay tayong aayusin. Plus, susunduin natin si Jessica," sagot ni Gail na ngiting ngiti. 

"Nice.. buti naman at makakasali siya," sagot ko. Nahagip ng mga mata ko ang pag-iwas ng tingin ni John Paul. Gusto nga niya talaga si Jessica. Sana lang eh mabaling sa iba ang pagtingin niya dahil si Ken talaga ang iniibig ni Jessica.

"Let's go guys, tonight is going to be fun." said Cha-cha na nauna ng lumabas ng kwarto ko. Inalalayan na rin ni Tristan si Gail pagkatapos aty sumunod na kami ni John Paul.

Huminga ako ng malalim.

Gusto ko ng matapos ang gabing 'to. Dahil bukas na bukas, aalis na ako.

Muli akong napatingin sa mga kaibigan ko.

Maraming salamat sa inyo.



*****************************

Boys do fall in love  ✔️Where stories live. Discover now