Chapter 24

9K 242 40
                                    

AN: Isa lang ang field for dedication, pero alam niyo naman na kaya ko sinusulat ang kwentong ito para sa inyo. Para sa inyo 'to. Salamat sa walang sawang pagbabasa sa magulong kwento ng buhay nila Gian at Sharri, idagdag pa si Cha-cha. - Swiss

Sharri's POV

"Ano na magtitigan na lang ba tayo? Bakit ganyan ka makatingin Sharri?! Akala mo naman gagawan kita ng masama? Feelingera ka."

Mas lalo pang tumalim ang tinging ipinupukol ko kay Gian dahil sa sinabi nito. Mula sa sala eh inalalayan ako nitong makaakyat dito sa room niya. Ni hindi na ako makaangal. Paano pa ako makakaangal kung malalaman ko sa mommy niya na naipagpaalam na ako ng mga ito sa mommy ko at paano pa ako makakaangal kung may damit na ako sa pamamahay nito?

The moment na makapasok ako sa loob ng kwarto nito eh laking gulat ko. Usually, magulo, madumi at puno ng kalat ang kwarto ng mga lalake. Pero hindi ang kwarto ni Gian. Maayos ito, malinis, at organized. Ni wala akong maipintas.

Itinuro nito ang paper bag na naglalaman ng mga gamit ko. Pagkatapos nun eh lumabas ito saglit para bigyan ako ng oras na makapagpalit. Nagbihis naman ako agad, at kahit medyo hirap sa paglalakad eh pinilit kong makarating sa banyo nito para makapaghilamos at tooth brush.

After 20 minutes, which is enough time for me to fix myself, eh pumasok na ito sa room nito. Nakapagbihis na ito, at medyo basa ang buhok.

As soon as makapasok ito, hindi ko ito kinakausap. Nakaupo lang ako sa isang gilid ng kama habang ito eh nakatingin lang sa akin, tinitigan ko lang din ito ng masama.

"Ang pangit mo," biglang lumabas sa bibig ko. Napataas naman ang kilay nito dahil sa sinabi ko.

"The last time I check, maraming nagkakagusto sa akin," sagot nito sa akin. Naglakad ito papalapit sa akin, pagkatapos eh naupo ito sa tapat ko. Meron kasing couch na nasa tabi lang ng kama nito.

"Pangit ka pa rin," wika ko.

"Nagkaka-crush ka pala sa pangit," ganting sagot nito. Mas lalong napataas ang kilay ko.

"Ang yabang mo!" hiyaw ko dito. Nahihirapan man eh tumayo ako at nang mapatingin ako sa wall clock na nasa loob ng kwarto nito, "8:30 PM na, uuwi na ako. Naglolokohan na tayo dito." Ang akmang paglalakad ko eh hindi na natuloy pa. Agad itong tumayo at walang anu-ano'y hinila ako. Kaya eto, magkatabi kami sa couch, at... at.. at yakap yakap ako nito.

Pakiramdam ko, pakiramdam ko, slowmo na naman ang lahat.

"Kahit kailan, hindi kita niloko."

Parang may bombang sumabog sa loob ng katawan ko nang sabihin nito ang mga salitang iyon. Parang iniinis na naman ako ng alaala ko.

"Talaga?" sarkastikong tanong ko dito. Nagpumilit akong kumawala dito pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa akin.

"Talaga."

"Sinungaling."

"Kahit kailan Sharri, hindi mo ako hinayaang magpaliwanag," wika nito na ikinagulat ko. Tama siya, hindi ko na siya hinayaan pang makapagliwanag pa noon.

"There's no sense in explaining things, lalo na kung sapat na ang mga nakita mo," wika ko. Pakiramdam ko, wala na namang patutunguhan ang pag-uusap na ito.

"Si Anne..."

Binitawan ako nito nang banggitin nito ang pangalan ng babaeng rason kung bakit gusto kong kalimutan lahat ng magagandang pinagsamahan namin noong bakasyon. Gusto kong kumawala sa pagkakayakap nito sa akin kanina pero hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko eh nasaktan ako ng bitawan ako nito, lalo pang kasabay niyon ang pagbanggit nito sa pangalan ni Anne.

Boys do fall in love  ✔️Where stories live. Discover now