Chapter 10

13.9K 300 55
                                    

Sharri's POv

"Ang tagal niyong dalawa. Saan ba kayo galing?" tanong ni Cha-cha nang makabalik kami sa cottage. Nakaupo na silang lahat sa harap ng mesa. Nakahain sa mesa ang mga inihaw nilang barbeque, grilled bangus, at hotdog. Nakalagay ito sa dahon ng saging. May mga seafoods din gaya ng crabs, pusit, at hipon na kasama sa dinner namin.

"Hindi na kayo naawa kay Hanz at Cha-cha. Halatang gutom na gutom na pero hindi makalamon dahil inaantay kayo. Kayo naman kasi. Ang tagal niyo. Saan ba kayo galing?" tanong ni Armand.

"Huwag ka ng magtanong. Sige, kumain na tayo." wika ni Gian na naupo. Napatitig ako sa lahat. Ayos, parang nagkaroon ako ng napakaraming kapatid na lalake. 

"Ano pang inaantay mo jan? Halika na nga dito." wika ni Gian na hindi man lang ako man lang ako pinayagang makapagsalita. Hinila lang ako nito kaya napaupo ako sa tabi nito.

"Kainan na!" sigaw ni Cha-cha.

"Oryt! Alam na!" hiyaw ng mga teammates ni Gian. Naku naman sa paborito nilang linya.

Nagsimulang magsipagkainan ang mga team mates ni Gian at pati na rin si Gian. Agad ko namang kinuha ang hotdog on stick na nasa harap ko at sinimulang kainin ito. Nakakatuwang pagmasdan ang mga lalakeng kasama ko pati na si Cha-cha, masyado silang maganang kumain.

si Gian naman eh tahimik lang na kumakain na nasa tabi ko. Silent type rin pala ito paminsan-minsan. At kung pagmamasdan ito, parang ang lalim ng iniisip nito? Babae kaya? O kaya si Anne?

Bago ko ito iwan sa cottage kanina nang magsabi itong matutulog muna ito eh narinig kong may kausap ito sa phone na babae. Si Anne ata iyon. Haay. Bakit ko ba iniisip ito?

Nang maubos ko ang kinakain kong hotdog eh kumuha ako ng isa pa. Mukha man akong bata, pero wala eh, favorite ko ito.

"Sharri, bakit hindi mo muna tanggalin yang towel na nakabalot sa'yo. Mukhang hindi ka makakain ng maayos dahil jan. Hindi mo tuloy maextend ng maayos ang kamay mo. Hindi ka makakuha ng food ng maayos." wika ni Armand na punung-puno ng pag-aalala sa akin.

Napangiti lang ako. Tama siya. Pwede ko naman munang tanggalin ito. "Ah, oo. Tama----"

"Hindi niya pwedeng tanggalin yan dahil nilalamig siya." wika ni Gian habang kumakain na hindi man lang kami tinapunan ng tingin.

Ako? Nilalamig? Kailan pa?

Hindi naman nakapagpigil si Cha-cha kaya nagsalita ito. "Si Sharri? Nilalamig? Eh ito ang mga trip niyan eh, night swimming."

"Nilalamig siya. Tapos." pasupladong wika ni Gian. Tiningnan naman ako ni Cha-cha na tila ba nagtatanong kung nilalamig  ba talaga ako. Nagkibit-balikat na lang ako.

Nang maubos ko ang pangalawang hotdog na kinakain ko eh muli kong ine-extend ang isa kong kamay para kunin ang hotdog na nakikita ko nang may mga kamay na pinigilan ang kamay ko. Lahat naman kami eh napatingin kay Gian.

Boys do fall in love  ✔️Where stories live. Discover now