Chapter 17

8.9K 225 40
                                    

Sharri's POv


"Malapit na ang pasukan, anong plano mo?" tanong ko kay gian. Nandito kami ngayon sa park. Walang masyadong tao dahil alas tres ng hapon. Magkakaroon ng tao dito kapag sumapit na ang alas siete, may laro na naman kasi ng basketball. Wala nga lang game sila Gian ngayon.

"Titigil na ako sa pag-aaral."

Agad akong napahinto sa paglalakad dahil sa sinabi nito. Hihinto sa pag-aaral? Anong kalokohan naman iyon?!

"Hihinto?! Ano ba yang pinagsasasabi mo? Seryoso ba yan?"

"Ewan sayo, Sharri. Nakakairita naman kasi ang tanong mo. Malapit na ang pasukan tapos tatanungin mo ako kung anong plano ko," sagot nito saken tapos tiningnan pa ako ng masama. Napasimangot na lang ako.

"Tapos ngayon, sisimangot ka."

"Eh ano nga kasi?"

"Sarap mong batukan, kung hindi lang kita girlfriend. Para kang si Hanz."

Hmmm. Parang kinilig ata ako dun ah, "Ano nga kasi?"

"Psh. Malamang naman eh mag-e-enroll ako ng kasama ka," sagot nito na tila ba naiirita pa sa akin.

Napangiti na lang ako. Yun lang naman ang gusto kong marinig. "Oh, yung noo mo, nakakunot na naman. Para ka na namang bulkang gustong sumabog. Kalma lang," wika ko para asarin ito. Tiningnan lang ako nito kaya natawa ako ng masama.


"Saan ba tayo pupunta? Bakit bigla ka na lang nagtext at nag-aya na makipagkita sa akin dito sa park?"

"Pupuntahan natin ang motor ko," sagot nito sa akin.

"Pupuntahan ang motor mo? Ang layo ng bahay mo ah. Wag mo sabihing dito mo pa talaga sa park ipinarada ang motor mo," wika ko dito.

Biglang umangat ang kamay nito at sinabunutan ang sariling buhok. "Yung gusto kong ibatok sayo, gagawin ko na lang na sabunot sa ulo ko. Naku naman Sharri, what made you think na dito ko ipa-park ang motor ko?! Hindi ako baliw para gawin yun!" And as of this moment, feel na feel ko ng napipikon ito sa akin. Gusto kong matawa.


"Oh, kalma na kasi, sorry na. Eh ano ba kasi ang ginagawa dito ng motor mo?"

Huminga ito ng malalim, tapos biglang huminto sa paglalakad, tsaka ko napansin na nakarating na kami dito sa isang malawak na soccer field na nandito lang din sa park. Tapos nakatayo ang motor nito at nasa tapat na namin.


"Remember last night?"
"Ano kagabi?"
"What was your last text?"
"Good night?"

"My God, Sharri, ulyanin ka na ba!" nakasigaw nitong wika. Tae, naiirita na ako.

"Hindi ako ulyanin! At pwede ba ano nga iyon?! Sigaw ito ng sigaw! Upakan kita jan eh!" sagot ko dito na nakasigaw na din. Naka-tikom na ang mga palad ko sa pagkairita.

Tapos alam kong namumula na ang mukha ko dahil na rin sa inis.

Bigla nitong hinawakan ang pisngi ko. "Namumula na Sharri."
"Letse ka," sagot ko dito.
Bigla itong natawa.  "Haha! Ganyan ka pala kapag inis na inis na, para kang kamatis reyna."

"Tse! Tigilan mo ako! Ikaw ang nag-umpisa! Tinatanong lang kita ng maayos tapos ang mga sagot mo sa akin eh puro pabalang! Bahala ka nga, uuwi na ako!" tapos bigla akong tumalikod at mas lalo akong nakaramdam ng inis ng marinig kong humahalakhak ito.

Ayos ah.


Nagsimula akong maglakad nang bigla ako nitong hilahin at yakapin.

"Bitawan mo ako."

"Ayoko nga, gusto kita yakapin."

"Ayos ka ah, sarap mong itapon."

"Sa puso mo? Sure, go ahead and do that," sagot nito tapos tawa lang ng tawa.


Ayos talaga!


Bigla akong nagpumiglas dahil naiinis ako at tawa lang ito ng tawa.

"Sharri, sorry na," wika nito tapos ipinaharap ako nito sa kanya.

"Sorry, ipakain ko yang sorry mo sayo eh," wika ko na mas lalo nitong ikinatawa.

"Napakabayolente mo talagang babae ka," wika nito na natatawa. "Sorry na, pinagtitripan lang naman kita. Kaya lang naman kita dinala dito sa open field ng park kasi nga yung last text mo kagabi," dugtong pa nito.

Boys do fall in love  ✔️Where stories live. Discover now