CHAPTER 16

684 6 8
                                    

CHAPTER 16

Hanggang kailan ka matatakot?

Ang buhay laro iyan at kung hindi ka makikipaglaro, hindi mo mararanasang manalo o kaya naman sa kasamaang palad,hindi mo mararanasang matalo.

Minsan sa aking pagiisa bigla akong may napagtanto.Kung may bagay na sumisira sa atin ito ay ang takot.Takot na baka hindi tayo maintindihan sa oras na inilahad natin ang tunay nating sarili.Takot na baka iwanan tayo ng mga taong nasa paligid natin.Takot na baka hindi mo kayanin.Takot sa mapanuring mata ng publiko.

Naalala ko tuloy ang minsang nakausap ko.

Tinanong niya ako.

Paano mo malalaman na hindi mo kaya kung hindi mo susubukan?

Kailangan iyang takot sa dibdib mo ay isantabi mo muna.Kasi ang takot para yang traffic light pag may takot ka sa puso,iyan ang magsisilbing red light mo at magsasabing OOPPPSS huminto ka,hanggang diyan ka na lang muna.

Ilang pangarap na ba ang lumubog?Ilang pagmamahalan na ba ang naudlot?Ilang buhay na ang nasira?Ilang tao na ang umiyak?Ilang tao na ang tuluyang nilimot ang tunay na pagkatao dala ng takot?

Ang sagot hindi ko alam,pero ang mahalaga dapat hindi natin hinahayaang lamunin tayo nito.

Kinabukasan,paglabas ko ng bahay habang papunta ako sa opisina.Laking gulat ko nang may bumungad sa aking paper bag.Pamilyar ang itsura ng paper bag na ito na nakalagay sa labas ng aming gate.

Kaya agad ko itong nilapitan para buklatin kung ano ang nasa loob nito.

Sa kasagsagan ng aking paghahalungkat bumungad sa akin ang mga gamit na minsang itinapon ko na.Mga alaala sa akin ni Rick.Hindi ko napigilang hindi maluha nang oras na ito.

Agad akong tumingin sa paligid para tignan kung sino ang nagiwan nito ngunit wala naman akong nakita ni isang tao sa labas ng bahay.

Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit nandito uli ang mga ito na minsang ipinamigay ko na sa batang humingi sa akin.

Papasok na ako ng loob ng bahay para dalhin ang paper bag na kasalukuyang bitbit ko, nang biglang may humawak sa aking kamay.Nilingon ko ito para tignan at mas lalo akong nagulat nang makita ko si Rick.

Nanlaki ang mata ko at kasabay nito at biglaang paglunok ko sa aking laway.

"Anong ginagawa mo dito?"

Tila ba nanlamig ang buong katawan ko nang makita ko ito. Kasabay nito ang pamumuo ng luha sa aking mga mata na pilit ko namang nilalabanan.

Humawak ito sa aking kamay at kasabay nito ang dahan dahan na bukas ng kanyang mga labi.

"Andito ako para ibalik saiyo ang mga ito.Tekki I'm sorry."

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa aking kamay at tumingin ako sa kanyang mga mata na kasalukuyang lumuluha.Ramdam ko sa puntong ito ang pagtaas ng aking emosyon pero sa kabila noon ay pinilit ko pa ring magsalita ng maayos.

"May pasok pa ko.Umalis ka na"

"Tekki please kausapin mo ko."

Yumakap ito ng bigla sa akin na para bang batang nagmamakaawa para sa isang pirasong kendi.At dito nag tuloy tuloy na ang pagbuhos ng aking emosyon.

"Do you honestly expect me to talk to you,after 5 years na wala mang ni 'hi o 'ni ho"

"Kaya nga andito ako.Kasi handa na ako."

"Tangina Rick! "

Napaisip ako sa sinabi niyang handa na siya,na minsan ay may nakapagsabi na rin sa akin.Dito pumasok sa aking isipan yung unknown number na minsang nagsabing magpapakilala siya pag handa na ito.

Somewhere In My past(GAY ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon