CHAPTER 18

328 2 0
                                    

CHAPTER 18

Minsan ay may nagtanong sa akin.Ano ba iyong mas mahirap,iyong makalimutan mo ang dapat tandaan o ang matandaan mo ang bagay na matagal mo ng kinalimutan?

Bakit nga ba may mga bagay tayong pilit ibinabaon sa limot?

Ang sagot marahil nahihiya tayo pero kalimitin dahil nasaktan tayo.

Minsan masyadong masakit iyong mga pangyayari sa buhay natin na kung aalahaanin natin ay mas lalong makadadagdag sa sakit na dulot nito.

Habang papunta ako ng opisina sa kalagitnaan ng aking paglalakad,may napansin akong lalaki na tila ba sumusunod sa akin.

Nagmadali ako sa paglalakad dala ng takot at sa kalagitnaan ng aking palalakad at sobrang pagkataranta ay hindi ko na namalayan na nasa harap ko na ang taong kanina lang ay sumusunod sa akin.

Nanlaki ang mga mata nang makita ko ito at hindi nagtagal nang tanggalin ng taong ito ang nakasuot sa kanyang ulo na hood,tumambad naman sa akin ang mukha ni Rick na mas lalo kong ikinagulat.

"Ano na naman ba ito Rick?"Ang pasigaw na tanong ko sakanya.

"I'm sorry Tekki."

"Nag usap na tayo diba?Kaya wala na dapat tayong pag usapan pa."

Agad akong tumalikod nang masabi ko iyon kay Rick.

Nang biglang---

"Anong ginagawa mo Rick?Nasasaktan ako"

"Sasama ka sa akin Tekki."

"Bitawan mo ako!"

Mayamaya lang ay may dumating na sasakyan at pilit akong isinakay ni Rick dito.

Nang nasa loob na kami ay muling nagsalita si Rick.

"Tekki I'm sorry,ito na kasi iyong huling option ko para makausap ka."

"Pagod na ako Rick."Ang mahina kong sabi sakanya.

Mayamaya lang mula sa aming pagkakaupo ay bigla itong umakbay sa akin.

"Tanggalin mo iyang kamay mo Rick!"

"Tekki I love you."

Bigla akong napatigil nang marinig ko iyon kay Rick at dito unti-unti akong humugot ng lakas ng loob para mag salita.

"That's why you gave up on me?"

"No Tekki,nawala man ako pero ikaw lang iyong naging laman nito."

Tumingin ako kay Rick habang naka turo ang kanyang mga daliri sa kanyang dibdib.

Tila ba nanlambot ang puso ko sa mga nakita ko, pero sinabi ko sa aking sarili na kailangan ay maging matigas ako.

Mayamaya lang ay itinuon ni Rick ang kanyang paningin sa aking mga mata at unti unti nitong inilapit ang kanyang mukha sa aking mukha na tila ba ay hahalikan ako.Muli ay nagsalita si Rick.

"Tekki may pagasa pa ba?"

Umuling ako bilang tugon at tinanggal ang pagkakatitig ko sa kanyang mga mata.

"Bakit may mga taong bigla na lang umaalis tapos bigla ding babalik."Wika ko kay rick.

"Tekki sorry na diba?Kung bibigyan mo ako ng chance babawi ako."

"Rick tanggapin na lang natin na may mga tao talagang hindi naman laan para sa isa't isa at nakakalungkot doon pinagtatagpo pa sila."

"Tekki hindi ko maintindihan."

"Ibaon na lang natin sa limot Rick."

Hindi nagtagal ay nakarinig ako ng pag iyak mula kay Rick.Pinilit kong maging matigas at hindi mag paapekto sa mga nakikita at naririnig ko sa oras na ito.

Isang minuto ang lumipas at nang biglang nagsalita uli si Rick.

"Tumingin ka sa mga mata ko at maging tapat ka sa nararamdaman mo Tekki alam kong mayroon pang pagasa."

"Wala na Rick!"

"Tekki nararamdaman ko na meron pa kasi mas malakas iyang sigaw ng puso mo kaysa sa sinasabi ng bibig mo.Bakit hindi mo subukang makinig sa puso mo."

"Rick ayaw ko ng makipagusap."

Nang masabi ko iyon ay pilit kong binuksan ang pinto ng kotse.Hindi ko alam pero buo ang loob ko para bumaba kahit na patuloy itong tumatakbo.

"Anong ginagawa mo,umaandar itong kotse baliw ka ba?"

Isang diretsong tingin lang ang itinugon ko ng masabi iyon ni Rick at nagmadali ako sa pagtalon mula sa umaandar na sasakyan.

Somewhere In My past(GAY ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon