CHAPTER 14

1.2K 7 4
                                    

In life, you will reach a certain point when you'll be so afraid to express your true self and in that desperate moment you'll think that sacrificing your personal truth is the right way to go.

Bounded with fears that limit you from becoming who you are,you'll try to be someone you're not and because of that you become a prisoner of your own body.

And worst part is "LOSING YOURSELF COMPLETELY"

But I know that at the end of the day you'll find your way back to your own self,the person that you are.

Pinalipas ko ang halos isang linggo na puro trabaho ang inatupag.Gusto ko kasi makabawi sa mga panahong wala ako sa opisina.Ngayon ay sabado kaya naman ay wala akong pasok.Gusto ko sanang magpunta ng mall para magkape at doon magpalipas ng oras.Saktong nakabihis na ako at paalis na ako ng bahay ng bigla akong harangin ng pinsan kong si Will.

Will-Saan ang punta mo?

Tekki-Magkakape lang.

Will-Hoy!Ngayon yung birthday ni Gerry,

Nang marinig ko iyon ay ipinagpaliban ko muna ang pagalis ko.Bumalik ako ng aking kwarto at doon nagpalipas ng oras habang hinihintay na makagayak si Will.

Nang makagayak na ito ay agad naman naming tinungo ang bahay nila Gerry.

Itinext ni Will sila Jona at Chizzy para sumunod at magpunta na sa bahay ni Gerry ngunit sa araw na iyon ay hindi raw makakapunta si Chizzy sa kadahilanang may aasikasuhin daw ito na importante.

Nang marating namin ang bahay ni Gerry bumungad sa amin ang napakalakas na tugtog at napakaraming tao.

Agad namin kaming sinalubong ni Gerry sa may gate at pinapasok sa loob para kumain.

Napakaraming tao at hindi ko alam kung saan kami lulugar ni Will maliban kasi kay Gerry ay wala na akong iba pang kilala doon.

Naghanap kami ng bakanteng lamesa na pwede naming makainan.

Mayamaya lang nang makahanap kami ng mesa,bigla namang bumungad si Jona sa amin.

Salamat naman at nandito na siya na bagay na nakabawas sa hiyang nararamdaman ko.

Napaingay dito,dala na rin siguro ng napakaraming taong sabay-sabay na naguusap na sinamahan pa ng malakas na tugtog.

Hindi ko inakala na ganito pala karami pala ang kaibigan ni Gerry sa tagal na naming magkakilala.Paano ba naman ay bihiri itong magkwento ng mga kaibigan niya.

Kung sabagay kilala naman talaga si Gerry dahil sa trabaho niya sa banda at maski sa pag DDJ niya sa radyo.

Sa mismong bakuran ng bahay ni Gerry ay may naka set-up na stage at mga gamit sa pagtugtog.Marahil magpapakitang gilas ito mamaya kasama ang kanyang banda.

Hindi kami masyadong nakapag-usap nila Jona at Will dahil na rin sa kaingayan kaya naman ay nag focus na lang kami sa pagkain.

Mayamaya lang ng matapos ang lahat kumain biglang bumulaga sa amin ang boses ni Gerry.

Nilingon ko ito sa may stage na may hawak na mikropono.Napaka gwapo nga naman talaga ni Gerry.Nakasuot ito ng itim na long sleeves na may mga minimal na print at hapit naman ang pantalon nito na kulay abo habang naka topsider naman ito ng sapatos.Ang buhok niya naman ay modern pompadour na bagay na talagang nakadagdag ng appeal nito.Ang classy ng dating niya habang pinagmamasdan ko siya.

Lalaking-lalaki ang itsura at maski ang kilos na bagay na hindi ko naman ipinagtaka.Syempre lalaki si Gerry kaya normal lang iyon.

Makalapis lang ang ilang minuto matapos batiin ni Gerry ang mga dumalo sa kanyang kaarawan ay bigla naman itong nagalay ng kanta.

Nang puntong bigkasin ni Gerry ang unang salita sa kanta ay bigla namang nagsitahimik ang mga tao.Marahil siguro ay nabighani sila sa taglay na ganda ng boses nito.Ang lamig sa tenga at ang sarap pakinggan ng paulit-ulit.

IRIS

And I'd give up forever to touch you

'Cause I know that you feel me somehow

You're the closest to heaven that I'll ever be

And I don't want to go home right now

And all I can taste is this moment

And all I can breathe is your life

'Cause sooner or later it's over

I just don't want to miss you tonight

And I don't want the world to see me

'Cause I don't think that they'd understand

When everything's made to be broken

I just want you to know who I am

And you can't fight the tears that ain't coming

Or the moment of truth in your lies

When everything feels like the movies

And you bleed just to know you're alive

And I don't want the world to see me

'Cause I don't think that they'd understand

When everything's made to be broken

I just want you to know who I am

Nang matapos itong kumanta ay naging emosyonal naman ito na bagay na ipinagtaka ko.Habang lumuluha si Gerry ay napatingin naman ako sa mga tao at nakita ko si Jona na maluhaluha siguro ay nadala ito sa pagkanta ni Gerry at ganoon din ang mga ibang bisita.

Somewhere In My past(GAY ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon