CHAPTER 12

1.2K 7 0
                                    

CHAPTER 12

Ang buhay ay isang malaking question mark maraming tanong,nakalilito at nakababaliw.

Minsan mas marami pa ang tanong sa sagot.

Minsan rin naman ay mas marami pa ang sagot sa isang tanong at madalas may mga tanong na wala namang kasagutan na pilit nating sinasagot.

Sa kabila ng lahat may mga mahusay rin namang tanong.Mahusay ang tanong kung alam mo ang sagot dito.

Minsan natanong ko ang sarili ko kung para saan ba ang mga tanong at sa pagiisip ko ay napagtanto ko na marahil instrumento lang ito para malaman natin ang katotohanan.

Mula sa balkonahe ng kwarto ng mga babae ay unang pumasok si Jona na sinundan naman ni Chizzy.Si Will naman ay nakatulog na mula sa kanyang kinaroroonan kaya naman ay binuhat ko ito papunta sa loob ng kwarto ng mga babae at nagpasya na lang ako na iwan siya dito sapagkat may kalayuan pa ang aming kuwarto at hindi ko ito makakayanang buhatin lalo't mag-isa lang ako.

Nang matapos kong buhatin si Will ay binalikan ko si Gerry na nasa labas pa rin ng balcony at mula dito ay inalalayan ko siya patungo sa aming kwarto sa kadahilanang lasing na rin ito at hindi na makalakad ng tuwid.

Inilagay ni Gerry ang kanyang kanang kamay sa aking balikat at ako naman ay inilagay ko ang aking kaliwang kamay sa kanyang tagiliran at dito ay sinimulan naming maglakad.Ramdam na ramdam ko ang init ng singaw ng katawan ni Gerry at amoy na amoy ko rin ang alak na kanina ay iniinom namin.

Sa kalagitnaan ng aming paglalakad ng saktong inaabot ko na ang aking kamay para buksan ang pinto ay bigla kaming natumba na siguro ay dala na rin ng kabigatan ni Gerry.Unang bumagsak ang katawan ko sa sahig at si Gerry ay bumagsak mismo sa aking katawan na naging rason ng umpugan ng ulo namin.

Dahil sa umpugang iyon ay napapikit naman ako sa sobrang sakit habang hinihimas himas ang parte ng ulo kong naumpog.

Tekki-Aray ang sakit.

Mistulang wala namang malay si Gerry at nakapikit ng buksan ko ang aking mga mata na nakapatong pa rin sa akin.

Dahil sa sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't-isa ay napatitig na lang ako dito.Ang gwapo talaga ni Gerry.

Pinagmasdan ko ito ng dahan dahan mula sa kanyang buhok na napaka kintab at tuwid na tuwid ,kilay na may kakapalan na ang suplado ng dating,mata,hanggang sa kanyang ilong na sobrang ganda na bumagay naman sa ganda rin ng hugis ng mukha nito.

Sa kalagitnaan ng aking pagtitig ay bigla akong napahinto ng bumungad sa akin ang kanyang mamula-mulang labi na parang bang ang lambot-lambot.

Sobrang lapit ng mga ito sa aking labi na konting maling galaw lang ni Gerry ay maaring dumikit ito.

Ang pakiramdam ko ay may apoy sa aking kalooban na nagnanais kumawala at bago pa may mangyaring iba ay ginising ko na si Gerry.

Kinalabit ko ito na sinudan pa ng paulit-ulit na pag banggit sa kanyang pangalan.

Tekki-Gerry!Gerry!Gerry

Hindi nagtagal ay nang buksan nito ang kanyang mga mata ay agad itong nagpumilit tumayo.

At dahi dito ay aksidenteng nagdikit ang mga labi namin.

Pareho kaming napahinto nang mangyari iyon na tumagal rin siguro ng isang minuto.Wala ni isa sa amin ang nagsalita kaya naman ay isang nakabibinging katahimikan ang namutawi sa aming dalawa.

Nang tuluyan ng makabangon si Gerry ay iniabot niya lang ang kanyang kamay para tulungan ako mula sa aking pagkakahiga ngunit wala pa ring lumabas na salita mula sa kanyang bibig.

Somewhere In My past(GAY ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon