CHAPTER 13

1.4K 9 2
                                    

CHAPTER 13

Sa buhay may dagok na darating saiyo para paalalahanan ka.Dalawa lang iyan yung isa para matauhan ka at yung pangalawa para kilitiin ka.Gaano man daw kalakas ang dagok may bukol o wala ang importante marunong kang salubungin ang leksyong hatid nito.

Sabi nga pagsubok lamang iyan.Huwag mong itigil ang laban.

Mas matapang at mas malakas ka sa problema kasi sila nagsasama -sama at nagpapatong patong pa para lang pabagsakin ka, kasi hindi nila kaya ng mag-isa lang pero ikaw lahat iyan kayang kaya mong lagpasan.

Magdidilim na nang makabalik kami ng Maynila at dito isa-isa na kaming nagkapaalamanan.

Pero bago ang pagpapaalam ay inimbita kaming lahat ni Gerry sa sabado para sa kanyang kaarawan.

Nang puntong iyon ay binalak kong tumanggi sa imbitasyong iyon ni Gerry subalit dala ng pamimilit sa akin ng aking pinsang si Will ay napasubo na ako.

Gerry-Oi Tekki.punta ka huh.

Tekki-Huh?Hindi ko alam kung bakante ako ng saturday,malamang kailangan kong habulin iyong tambak na trabahong nakabinbin sa akin sa opisina.

Will-Ano ba naman insan!Off mo kaya ang sabado!Wag kang umarte diyan!

Tekki-Eh kasi....

Will-Ah basta pupunta siya akong bahala Gerry.Diba insan pupunta tayo?

Tekki-Ah eh,sige na nga.

Gerry-Great!Okay see you on saturday then.

Ayaw ko na talaga sana pang pumunta kung hindi lang sa pangungulit ni Will sa kadahilanang gusto ko ng unti-unting iwasan si Gerry dahil ang mga biro para sakanya ay nagiging totoo na sa akin.

Lahat ng panlalandi na para kay Gerry ay biro-biro lamang at ang aksidenteng pagdampi ng labi ko sakanyang labi ay ang mga bagay na gusto kong iwanan na lang sa Sagada.

Lahat ng iyon kasi ay nagiging dahilan para umasa ako sa kanya na bagay na pilit kong pinipigilan para maiwasan ang ang mga bagay na pwedeng maiwasan hanggang maaga pa tulad ng sakit...

Minsan kasi ay nagawa akong iwasan ni Gerry nang sabihin ko ang nararamdaman ko sakanya,isang taon na ang nakalipas at dahil sa pangyayaring ito ay nagawa nitong ipamulat sa akin ang mga salitang REALIDAD AT IMPOSIBLE at iparamdam ang salitang SAKIT.

Marami kasing bagay na kahit gustuhin mo ay hindi maaari katulad na lang ng sa amin ni Gerry.Gusto ko maging kami pero hindi maaari dahil may realidad kaya nagiging imposible.

KINABUKASAN SA OPISINA

Chizzy-Oi Tekki,lutang ka diyan!Yung totoo ikaw ba yung nawalan ng jowa o ako?

Nang oras na iyon ay bigla na lang akong nakaramdam ng may kalakasang hampas mula kay Chizzy at mula sa aking malalim na pagiisip tila ako ay nagising.

Tekki-Aray ko naman!Bakit ba?

Chizzy-Kanina pa kita kinakausap?Ano may jetlag lang?Lutang!Ang alam ko sa sagada lang tayo nagpunta...

Tekki-Ai sorry, may ginagawa kasi ako kaya hindi kita napansin.

Chizzy-Anong ginagawa ka diyan,kanina pa ko nandito at kanina ka pa tulala!Yung totoo may problema ba?

Tekki-Huh...Eh...Wala naman.

Chizzy- Ai nako,Tekki.Wag mo naman akong gawing tanga kahit papaano marunong naman akong kumilatis ng tao kung may problema o wala.

Tekki-Wala akong problema,may iniisip lang.

Chizzy-Sino si Gerry?

Napahinto ako nang sabihin iyon ni Chizzy tila nawalan rin ako ng mga salitang babanggitin at mistulang naging kasing lamig ng yelo ang mga kamay ko.Napaisip naman ako kung bakit niya iyon nasabi.

Chizzy-Oh see!Si Gerry nga! Lutang ka uli eh.

Tekki-Huh?

Chizzy-Anong huh Tekki?Kinakausap kita.Si Gerry ba?

Tekki-Huh?Oo...

Chizzy-Sabi ko na ba eh,noong unang beses ko pa lang na nakita iyan sa coffee shop mabigat na ang loob ko at mas nadagdagan ito noong nasa sagada tayo,alam mo parang may itinatago iyan sayo eh.

Hindi ko alam kung ano ang mga bagay na pwedeng ilihim sa akin ni Gerry.Wala akong maaisip sa puntong ito,kaya naman ay tinanong ko si Chizzy.

Tekki-Tulad naman ng ano?

Chizzy-Hindi ko alam pero I trust my instinct alam kung meron at kung ano iyon siguro it's for you to find out.

Tekki-Ano ka ba pinapakaba mo naman ako niyan eh.

Chizzy-Girl's intuition Tekki,bihirang pumapalpak ang mga kutob ko.Maniwala ka!

Hindi na ako tumugon pa sa mga sinabi ni Chizzy na iyon dahil ayaw ko rin namang pagisipan ng masama si Gerry.Kung siguro may itinatago man siya ay labas na ako doon bilang kaibigan niya.

Makalipas lang ang isang oras ay ipinatawag ako ni Ms.Hernandez sa kanyang opisina.Kaya naman ay agad ko itong tinungo.Kinabahan ako sa pagpapatawag na iyon ni Ms.Hernandez sa akin.

Nang marating ko ang opisina niya ay dahan-dahan akong kumatok at agad naman niya akong pinapasok.Pagpasok ko ay agad namang bumungad ang galit na galit na boses ni Ms.Hernandez.

Ms.Hernandez-I wont take much of your time.Pinatawag kita dito kasi hindi ko nagustuhan ang performance ng team mo for this month.What is happening here Tekki?We don't promote mediocrity here.Ayusin mo iyang team mo.So after the promotion ganyan ang isusukli mo?

Tekki-I'm sorry boss.

Ms.Hernandez- I'm sorry!I'm sorry!I'm sorry!I don't need those words.I want you to do better this month okay?Now get your ass out of here.

Mistulang isang bato naman ang dumagok sa akin ng marinig ko ang mga iyon kay Ms.Hernandez.Kaya naman ay nagbreak muna ako para manigarilyo sa labas.Kahit paano ay alam kong sa pamamagitan ng paghithit at buga mababawasan ang stress na nararamdaman ko.

Sa kalagitnaan ng aking paninigarilyo habang nakatayo ako sa may smoking area ay biglang may kumalabit sakin isang lalaking may katangkaran,maganda ang pangangatawan,maputi ,gwapo,may class tignan pero suplado ang dating.

Mayamaya lang ay bumukas ang bibig nito at nagsalita na may tonong arogante.

"Excuse me Mr. nakaharang ka sa daan."

Agad naman akong gumilid at pasimpleng pinagmasdan ito habang lumalakad palayo.

Mukhang pamilyar ang lalaking ito pakiramdam ko maraming beses ko na siyang nakasama pero hindi ko lang maalala.

Napansin ko naman ang tattoo na nakalagay sa kanang braso nito na may nakasulat na CARLO MONTECILLO na siguro ay pangalan nito.

Mayamaya lang ang biglang sumulpot si Chizzy sa tabi ko.

Chizzy-Oh kape,I heard what happened.Hayaan mo na si Ms.Hernandez siguro pressured lang din yung tao.

Tekki-Kumalat agad?

Chizzy-Hindi ka pa ba sanay sa opisinang ito?Dito talamak ang chismoso't chismosa.

Tekki-Ah...Hay... Napepressure na ako Chizzy.

Pakiramdam ko isa na lang babagsak na ako.Ang dami ko na masyadong iniisip.

Timingin si Chizzy sa aking mga mata ng puntong iyon at pilit pinalakas ang aking kalooban.

Chizzy-Wag kang panghihinaan ng loob tekki, basta kumapit ka lang ng mahigpit,Go lang ng Go parang globe.

Nang puntong iyon ay pilit ko namang pinakalma ang utak ko sa pagiisip at bumalik sa loob ng opisina kasama si Chizzy para tapusin ang lahat ng tarabahong naiwanan ko simula nang magpunta kami sa Sagada.

Somewhere In My past(GAY ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon