THE END

281 8 5
                                    

CHAPTER 22

"If we can love someone so much, how will we be able to handle it one day when we are separated? And if being separated is a part of life, and you know about separation well, is it possible that we can love someone and never be afraid of losing them? [Or,] is it possible that we can live our entire life without loving at all?" -From the movie Love Of Siam

_____________________________________________________________________________

Kahit patuloy na may kirot sa puso ko, pinilit kong ipagpatuloy ang buhay.

Masakit pero kailangan magpatuloy.

Lumipas ang mga oras,araw,linggo at buwan at unti unti ng nagiging normal ang daloy ng buhay ko.

Sinikap kong hindi na makibalita pa kila Rick at Gerry,bagay na nakatulong naman sa akin para tuluyang makalimot sa sakit na ramdam ko.

Hanggang sa isang araw habang pauwi ako sa bahay galing opisina,sa hindi inaasahang pagkakataon biglang naligaw ang sinasakyan kong taxi at dahil dito aksidenteng napadaan kami sa bahay nila Rick.

Bumungad sa akin ang napakaraming tao sa bahay nila.May mga lamesa at upuan akong nakita at tila may malaking okasyon na nangyayari dito ngayon.

"Ma ibaba mo ako,dito na lang ako."wika ko sa driver.

Hindi ko alam kung ano ang naisipan ko pero pakiramdam ko,gusto akong hatakin ng mga paa ko papasok ng bakuran nila .Kaya naman ay unti unti akong pumasok.

Habang papalapit ako,pabilis naman ng pabilis ang tibok ng puso ko.Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko.

Nang tuluyan akong makapasok.Bumulaga sa akin ang napakaraming bulaklak na nasa bakuran nila Rick.

Napahinto ako nang puntong iyon at pauwi na sana ako nang biglang may humawak sa aking kamay.

Unti unti kong nilingon kung sino ito at nang tuluyan na akong makaharap,nakita ko ang mama ni Rick.

Kakilala na ako ng mama ni Rick dahil noong mga bata pa lang kami ay madalas na akong pumapasyal sa bahay nila.

Habang nakahawak ito sa aking kamay,dahan dahan ako nitong hinila papasok ng bahay nila.

Pabigat naman ng pabigat ang nararamdaman ko habang papalapit kami ng pinto.Mula sa di kalayuan natanaw ko naman ang mga ilaw mula sa loob nito.

Pakiramdam ko may mali sa mga nangyayari at muli akong napahinto nang makita ko ang isang projector na naka set up sa may di kalayuan,malapit sa pinto ng bahay nila Rick.

♫♫Like A Comet Blazing

'Cross The Evening Sky

Gone Too Soon

Like A Rainbow

Fading In The Twinkling Of An Eye

Gone Too Soon

Shiny And Sparkly

And Splendidly Bright Here One Day

Gone One Night ♫♫

Kasabay ng kantang ito,isa-isa namang naglabasan ang mga litrato ni Rick.

At ang pinaka pumukaw ng atensyon ko,ay nang makita ko ang isang larawan niya sa hospital,suot ang damit na minsan ay ibinigay ko sakanya.

Tumakbo ako sa loob ng bahay nila para hanapin si Rick at alamin kung ano ang nagyayari ngunit tumambad sa akin ang isang puting kabaong.

Tila ba biglang huminto ang mundo sa pagikot nang makita ko iyon.

Somewhere In My past(GAY ROMANCE)Where stories live. Discover now