CHAPTER 15

906 6 2
                                    

CHAPTER 15

Pakirampadam ko isang daang taon na ang lumipas.

Sa saglit na kasiglahan, pang habumbuhay na kalbaryo ng puso.

Katotohanang pilit iwinawaksi ngunit ano nga ba ang halaga ng pagkikipagtunggali sa katotohanang dulot ay realidad?

Nasasaktan,umaasa at nagbibigay luha para sa mga taong patuloy na pinaiikot nito.

Pag-ibig na bunga ng maling simula,dalamhati ang dulo't sa taong patuloy ang pag asa na sa pagtagal ng panahon ang maling simula ay magiging tama.

Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras na hindi man lang namamalayan na mahabang panahon ako ay iyong bihag.

Bihag ng ilusyong inakala ko'y magiging realidad.

Bakit hinayaan mo akong maniwala sa ilusyong pinanghawakan ko ng mahabang panahon.

Tinik na nagpapahapdi sa pusong sugatan ay ang patuloy mong pagiwas.

Hayaan mong sa daloy ng tubig at sa pagaspas ng hangin tinig ko'y agusin at hayaang tangayin dala ang puso ko, tungo sa nagiisang siya.

Nang matapos kumanta si Gerry,agad naman itong pumunta sa mesa namin.Dito nakipaghuntahan siya at kinamusta kung nagustuhan ba namin iyong pagtatanghal niya.

Gerry-Nagustuhan niyo ba?

Napatitig naman ako sa kagwapuhan nito at hindi na nakapagsalita pa.Kaya tumango na lang ako sakanya,senyales na sumang-ayon ako at nagustuhan ko ang kinanta niya.

Hindi nagtagal kasabay ng pagtapos ng kainan ay unti-unti ring nalagas ang mga bisita.Hanggang sa kami nalang nila Will,Jona,Gerry at ang isang miyembro ng banda niya ang natira.

Maghahapon na rin,kaya naman ay napagpasyahan ni Gerry na maginuman na lang kami,bagay na hindi namin natanggihan.

Naglabas si Gerry ng isang case ng beer at dito sinimulan naming uminom.

Nakakatatlong bote na kaming lahat nang biglang napansin kong nahihilo na si Gerry.

Tekki-Okay ka lang?

Gerry-Oo,medyo tinatamaan lang.

Nagpatuloy naman kami sa paginom.Si Will ang nagsilbing tagakwento sa oras na iyon.

Karamihan ay naaliiw sa mga kwentong kabalbalan ni Will,dahilan para matuwa ang lahat.

Hindi nagtagal,dahil mababa ang tolerance ko sa alak.Nagpasya akong magpasama kay Will sa banyo para maghilamos.

Tekki-Will samahan mo ko sa banyo,naiiihi kasi ako.

Will-Ikaw na nilalandi ko pa itong si Mac eh.(Kabanda ni Gerry)

Gerry-Ako na lang Tekki since bahay ko naman ito.

Nag aalangan ako sa una na magpasama kay Gerry pero nagpumilit ito.Kaya naman ay napapayag niya din ako.

Habang naglalakad naramdaman kong umakbay sa akin si Gerry.Nasa kanan ko siya at ipinatong niya ang kanyang kaliwang kamay sa aking balikat.

Ang init na ng temperatura nito sa katawan,marahil ay dala ng alak.

Mayamaya pa ay narating na namin ang banyo.Hinintay naman ako ni Gerry sa labas.

Nang matapos akong maghilamos ay bumungad naman sa harapan ko si Gerry na nakaupo sa may di kalayuan. Nakayuko ito habang minamasahe ang kanyang sentido. Marahil nahihilo na talaga ito dala ng kalasingan.

Lumapit ako kay Gerry para ipaalam na tapos na ako at pwede na kaming bumalik sa labas na kung saan kami ay nagiinuman.

Mayamaya lang ay inalalayan ko na si Gerry para tumayo,tinanong ko ito.

Somewhere In My past(GAY ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon